Chapter 16

814 18 2
                                    

Chapter 16

"H-huh!" nagulat ako ng bigla akong kalabitin ni Fae. Nandito kami ngayon sa library ng bahay nila Yelo at gumagawa ng assignment.

"Anong iniisip mo ha? Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman umiimik diyan."

"Ha? Sorry, ano na nga ulit sinasabi mo?"

Simula ng umalis kami sa bahay nila Josh, ang dami ng pumapasok sa isip ko. Si Kuya at isa pa si Yelo... Epal talaga yung lalaking yun kahit kalian. Naiinis na naman ako. Dumagdag pa sa dapat kong problemahin.

Bakit ko ba prinoproblema yung isang yun! May mas malaki akong problema kesa sa kanya.

"Tinatanong ko kung may lecture ka ba about sa Thermo Dynamics. Pero nevermind, may problema ka ata. Baka gusto mong ishare sa akin?" binigyan ako ni Fae ng warm smile.

Ito yung gusto ko kay Fae, she's willing to hear me out.

I smiled back.

Bago pa ako makapagsalita, ramdam ko yung muling panginginig ng katawan ko dahil sa kaba.

"I.. I saw my older brother k-kanina." Nakita ko yung gulat sa mukha ni Fae but she let me to go on. Nasesense niya siguro na hindi maganda yung balitang iyon. "Along the road while papunta kami sa bahay ng kaibigan ni Sir Jayden. I think he came back just for me."

"Ibig mong sabihin galing ng ibang bansa ang Kuya mo? Bumalik siya dito para sayo.. tapos? Kukunin ka na niya?"

"I talked to him on the phone and that's what he is planning to do. And I don't like that idea."

"Bakit? Pakiramdam ko naman concern sayo ang Kuya mo, ba't ayaw mong sumama?"

"As I told you before, my Dad and I were never been in any good terms and will never be. Nagbabagong buhay na ako oh, I don't want to live under my father's shadow! Ano bang hindi maintindihan ni Kuya doon?"

"Hindi ko alam ang history kung bakit ka naglayas Audrey, baka nasaktan ka talaga noon. Pero... mahirap ang mapalayo sa pamilya. Sana lang alam mo ang consequence ng paglalayas mo."

Naisip ko si Mommy at si Kuya Derrick. Miss na miss ko na sila. Sila ba yung kapalit ng paglayo ko?

"What to do now, Fae?" I asked her looking in her eyes for some answers.

"Ikaw lang ang makakasagot sa tanong mong iyan. Kung babalik ka ba sa family mo para tapusin yung unfinished business mo with your father or magtatago ka na lang dito and live a new life? Pag-isipan mong mabuti kung saan mas mapapanatag iyang loob mo. Yaan mo, magiging maayos din ang lahat." And she smiled again.

"Thank you Fae. Naisip ko lang... paano kung makuha ako ni Kuya? Iniisip ko yung sasabihin ni Ma'am Maris and Sir Hank. T-they deserve to know the truth pero natatakot kasi akong aminin sa kanila yung totoo. Knowing na hindi nila kukunsintihin yung paglalayas ko. Ang buti nilang tao para lang lokohin. And Sir Jayden..." pakiramdam ba niya may kumurot sa puso niya. "K-kahit ganoon yun, kahit ang yabang yabang at super sungit, naiintindihan ko kung bakit ganoon siya. Ikaw ba naman saktan ng taong minahal mo ng todo. P-paano na namin itutuloy yung planong mabawi niya si Cindy kung makukuha ako ni Kuya Derrick? Gusto kong sumaya naman yung taong niyebe na yun no. P-para di na laging nakakunot ang noo niya. haha" lumapit ako sa may bintana at tumingin sa labas. Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko agad yung luha sa mata ko. Ayokong may nakakita sa aking umiyak.

Ano ba naman yan Audrey! Kelan ka pa natutong umiyak ha! Kanina naiinis ka kay Jayden tapos...

Ngayon niya lang napansin na napalapit na pala ang loob niya sa mga amo. Pati man siya, nagulat sa sinabi niya tungkol kay Yelo. Kahit lagi silang nag-aaway, alam niyang dala lang ng past ng binata kung bakit ganoon ang inaasal parati. Na akala mo eh laging bagong panganak. But she saw kindness in Jayden. Naalala niya nung binantayan siya nito nung gabi na naospital siya, ayon na rin kay Fae ay ito pa mismo ang naghanap sa kanya nung gabing umalis siya at nagdala rin mismo sa kanya sa hospital. Assuming na siya kung assuming pero nakikitaan niya si Jayden ng concern para sa ibang tao. Parang bigla niyang gustong sabunutan si Cindy, she turned Jayden into someone who now doesn't able to be tamed. Napaisip siya kung anong ugali ang mayroon dati si Jayden.

My Slave Is A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon