Chapter 25

413 10 4
                                    

Chapter 25

"Fae, kailangan ba talaga natin pumunta sa Party na 'yon?" Tanong ko kay Fae habang inaayusan niya ako ng buhok sa harap ng salamin.

"Aba oo naman! Lahat ng senior year Hogwarts student, nandoon."

"I mean, nandoon na naman si Cindy. Magpapanggap na naman kaming magkasintahan ni Jayden. Parang ayoko na."

"Ayaw mo na? Bakit?" Kalmadong tanong ni Fae.

Bakit nga ba ayaw ko?

"Kasi... Ano- uhmm."

"Kasi nagkakagusto ka na kay Sir Jayden?"

Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi ni Fae.

"H-hindi ah!"

"Wag ka ng magdeny. Haha Kaibigan kita at napapansin ko na nag-iiba ang kilos mo kapag nandiyan si Sir. Minsan sobrang tahimik mo or minsan naman sobrang saya mo kapag kasama mo siya. Akala mo ba hindi ko napapansin 'yon. Haha Pero dati naman, palagi ka lang naiinis at nagagalit sa kanya. Haha Kita mo?"

Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi ni Fae.

"Nagwagwapuhan ko lang siya. Pero it doesn't mean na gusto ko na siya, hindi ba?" sagot ko naman kay Fae.

" Imposibleng nagwagwapuhan mo lang siya. Sigurado akong marami kang gwapo na nakakasalamuha noong di ka pa naglalayas. Gwapo din naman sila Troy, Josh, Austin at yung iba pa pero iba ang saya mo ngayon kapag malapit sayo si Sir. Sabihin mo nga sa akin, nainlove ka na ba dati?"

Na-inlove?

"Ahhm. Sa EXO, BTS, Got7 at SuJu?"

Napahampas sa noo si Fae.

" Hindi 'yon love Audrey. Haha! Magkaiba ang paghanga sa Kpop Idols kumpara sa totoong love."

"Ah. Sa tingin ko hindi pa ako naiinlove. At hindi na kahit kailan. Sa family kasi namin, nakaplano na yung mapapangasawa namin ni Kuya. Para siyempre lumago pa ang family business. Since then, sinabi ko sa sarili ko na dapat walang mapalapit sa akin na lalaki dahil eventually iiwan ko din naman siya in the end."

"Nakakalungkot naman yung ganoon. Kaya pala hindi ka man lang naging aware na gusto mo na si Sir. Ano bang nafefeel mo kapag malapit sa 'yo si Sir?"

"Ha? Ano- hmm. Nitong nakaraang mga araw. M-asaya at the same time kinakabahan. And di ko mapigilan yung inis ko kay Cindy dahil sa pag-iwan niya kay Jayden."

"Ah huh. So positive! May gusto ka nga kay Sir!" Sabi ni Fae habang tumatalon talon at pumapalakpak pa.

"Ganoon ba 'yon? Hala. Hindi pwede." Sabi ko na nagpatigil kay Fae.

"Anong hindi pwede? Bakit?"

"Nasa kontrata na bawal kaming ma inlove ni Jayden sa isa't isa. Hindi to pwede."

"Ano ka ba. Gusto mo lang naman si Sir, hindi pa naman love. Isa pa ano naman kung mainlove ka sakanya. Di naman masama 'yon ha."

"Hindi nga--"

"Ayan! Tapos na ang hair mo make-up naman. Kahit yata di ka na magmake up ang ganda mo na." Sabi ni Fae at tuwang tuwa na tinitingnan ako sa salamin.

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

Hindi naman tayo masamang mainlove. Pero nakakatakot ang mga consequences kapag nainlove ang isang tao.

------

"Ay! May naiwan ako sa van, babalikan ko lang kay Mang Badong. Mauna ka ng pumasok." sabi ni Fae at nagmamadaling bumalik sa may parking lot.

Napatingin ako sa bar na nasa harapan ko. Dinid na dinig sa labas ang malakas na tugtugan at hiyawan ng mga kabataan.

My Slave Is A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon