Chapter 21

441 17 0
                                    

Chapter 21

JAYDEN'S POV

"I like Audrey." Diretsong sagot ni Josh na nagpatikom sa kamao ko.

Hindi ako sumagot.

"I like Audrey and I want to say sorry for that."

"Sorry?" naguguluhang tanong ko sa kanya na may pagkahalong inis. Inis na hindi ko sigurado kung bakit nararamdaman ko ngayon.

"Yeah. Sorry and I mean it. May gusto akong aminin sa iyo  ngayon at minsan ko lang ito sasabihin. Dapat maging honest ako sayo dahil pinsan kita at malapit na kaibigan. Bros before   hoes. "

Bahagyang gumaan ang loob ko na malaman na pinapahalagahan ni Josh ang pagkakaibigan namin.

"Ano 'yon? Don't tell me bakla ka?" sabay kaming natawa.

Silence... then Josh decided to continue what he was saying.

"Listen. Bago ko malaman na... na girlfriend mo si Audrey, I'm already attracted to her. Ilang beses na kaming hindi sinasadyang magkita at nagkakausap na rin kami. Naisip ko na ngang kaibiganin siya at ligawan. Until... nalaman ko na ngang girlfriend mo pala siya." Pag-amin ni Josh pagkatapos ay napayuko siya.

"Broken?" seryosong tanong ko kay Josh.

 Nakaramdam ako ng pagkaguilty.

"What do you think?" nakangiting tanong sa akin ni Josh pero kilala ko na siya simula pagkabata at kabisado ko na siya. Nasasaktan siya. Alam ko 'yon, nararamdaman ko.

Josh deserves someone na mamahalin niya. Never siyang naglaro sa feelings ng ibang babae. He's true on what he feel.

Hindi ako nakapagsalita agad.

"I'm glad na sinasabi mo sa akin ito. That you like her."

"Accepted na ba ang sorry ko?"

"Alin sa dalawang sorry ba? Iyong una na... That you kissed my girl or yung pangalawang sorry stating the fact that you like her?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Bakit ganyan ka? Pinapahirapan mo pa ako lalo. Broken na nga ako dahil naunahan mo ako sa babaeng gusto ko. Tapos parang galit ka pa sa akin. Pare naman." Nahihiya at the same time natatawang sabi ni Josh sa akin.

"Masisisi mo ba ako?"

Sa totoo lang naiinis ako pero hindi kay Josh. Kung hindi dahil sa mga nagyayari.

Bakit sa lahat ng magugustuhan ni Josh si Audrey pa?

Bakit naiinis ako na may ibang lalaking involve kay Audrey maliban sa akin?

Doon ako pinaka naiinis. Parang... parang nagseselos ako.

Iyon ang hindi ko matanggap!

Kung selos nga ito... Bakit naman ako magseselos ng dahil lang sa babaeng iyon? Hay.

"Sorry. Hindi ko talaga sinasadya lahat ng nangyari, pati itong... nararamdaman ko para sa kanya. Sorry pare."

"Hindi naman napapahinto yung sarili nating nararamdaman  ng biglaan at pigilang magustuhan ang taong gusto natin. Kaya naiintindihan kita." nginitian ko si Josh "Kaibigan kita. Kalimutan na natin iyong nangyari. Besides nangyari na, ang gusto ko lang sana hindi na maulit." Iniabot ko ang kanang kamay ko sa kanya. "Apology accepted."

Tinanggap naman niya at nakipaghand shake sa akin.

"Hindi na mauulit." pag-aasure ni Josh "Salamat pare. But promise me."

"Promise what?"

"You see, I like her a lot. Promise mo na hindi mo siya sasaktan... dahil kapag nangyari iyon hindi ako magdadalawang isip na agawin siya sa 'yo."

My Slave Is A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon