Chapter 7

1.9K 25 3
                                    

AUDREY'S POV

Halos wala ako sa sariling naglakad paalis ng parking lot ng school. Hindi ko na namalayan ang poste sa tapat ko at bumangga ako dito. Dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Naramdaman ko ang pagkirot ng balakang ko.

"A-aw."

"Miss? Are you okay? " napaangat yung ulo ko nagsalita. Paglingon ko ay isang pamilyar na mukha.

Kilala ko 'to ha.

"Hey! Ikaw yung girl na nagbabasketball sa gym di ba? " tanong ng lalaking lumapit sa akin.

Siya yung nakilala ko sa may gym. Wait, ano nga palang name niya?

"If I'm not mistaken, your name is Josh."

" And you're Audrey naman, tama? Oh paano? Tulungan na kitang tumayo. Kaya mo ba?" tanong niya sabay abot ng kamay niya sa akin.

"Oo."

"Ano bang nangyari sayo?" tanong niya matapos akong maitayo.

" Ano kase, b-bumangga ako sa poste." Nahihiya kong sagot. Para kasi akong tanga, ang laki laki ng poste hindi ko pa napansin.

Napansin kong bahagyang napangisi si Josh.

"Gusto mo bang pumunta ng clinic?" tanong nito ulit.

"Ah huwag na. Mawawala din tong sakit maya-maya. P-pasok na ako. Salamat. B-bye." Nahihiya kong sabi at magpapaalam na sana.

"Wait! Saan ba yung first period niyo?"

"B-149, doon sa room ni Mrs. Reyes."

"Oh! Magkatabi lang pala yung mga room natin eh. Sa B-148 yung first period ko. If you want, sabay na tayo."

" S-sige."

Pumayag na ako tutal magkalapit lang pala ang classroom namin.

Habang naglalakad kami ay bahagya na ring nagkwekwento si Josh. Base sa pagsasalita nito ay mukha namang mabait at humble.

"See you around na lang." sabi ko nung nasa tapat na kami ng classroom ni Mrs. Reyes.

"Wait. Here take this, in case you need help or something." nakangiting sabi niya sa akin sabay abot sa isang calling card.

"Sa iyo ba ito? Naku huwag na. Okay lang ako."

"No, I insist. I'm a student council here. Bago ka pa lang dito sa Eastwood High, baka manibago ka or in case you need help. Just take this okay?" Sabi nito at inilagay sa palad ko ang calling card.

Naku eh nasampulan na nga ako ng pagiging bully ng mga kasamahan mo sa student council kahapon.

Gusto ko sanang sabihin pero mukhang iba naman itong si Josh sa mga iyon.

"O-okay. Salamat ulit. Bye."

"Bye din." At tumalikod na rin ito.

Ang bait naman noon.

Itinago ko sa bag ko ang calling card.

Dumiretso na ako papunta sa loob ng classroom at umupo sa upuan ko. Nanduon na din si Fae at nginitian ako.

"What took you so long? May kausap ka pa yata sa labas." Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

Sino pa nga ba?

" Si Troy po ang nakaupo diyan Sir Jayden hindi ba?" sabi ko dito.

Iniusog nito ang upuan palapit sa akin at yumuko.

My Slave Is A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon