Chapter 24
AUDREY'S POV
"Foul! Blue number 2!" sabi ng referee at sabay-sabay na nag-boo ang mga manonood.
Ngayon ang last day ng intrams at finals na din ng basketball game. Parehong naglalaban for championship ang Senior year, kinabibilangan ng grupo nila Jayden, at ng Junior year na kapwa umabot sa final game.
Nakita kong napailing ang coach ng team ng Senior year. Pang-apat na foul na kasi ito ni Josh, isa na lang at tatanggalin na siya sa laro. Sa nakikita ko kasi, isa sa magaling na player si Josh at malaking kawalan kung matatanggal siya sa laban.
Muli ay pumito ang referee. Mukhang nagpatawag ng break ang coach nila Jayden.
Agad naman akong tumayo para abutan ng bottled water at bimpo ang mga players. Nang iaabot ko na ang water kay Jayden ay hindi sinasadyang tumama ang kamay ko sa braso niya.
Parang nakuryente ako bigla kaya naman nabitawan ko ang hawak kong tubig.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Jayden. Pakiramdam ko nag-init bigla ang pisngi ko, buti na lang nakayuko ako habang pinupulot ang bottled water.
Pag-angat ko ng tingin ay hindi sinasadyang napatingin ako sa audience at nakita kong nakatingin sa side namin si Cindy habang katabi niya si Aivan.
Bago pa niya mapansing nakatingin ako sa kanya ay nag-iwas na ako ng tingin.
"Yeah." Ibinaling ko ang tingin ko kay Jayden at hindi na ako nagdalawang isip na punasan ng towel ang pawis sa gilid ng mukha niya. Sigurado akong makikita ito ni Cindy.
I felt him stiffened. Akmang aalisin ko na ang towel kasi mukhang hindi niya nagustuhan yung ginawa ko pero nilingon niya ako at nginitian.
Lechugas na frozen! Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. Ayaw ding maalis ng tingin ko sa mukha niya.
Dahil medyo naawkwardan na din naman ako ay inabutan ko na lang ng tubig ang iba pang players.
"Josh, bangko ka muna. Sa last quarter ka na lang ulit pumasok at humabol ng puntos. Sa nakikita ko ay magaling magfake ng foul iyang kalaban niyo. Kayo naman, galingan niyo ang deffense. Huwag kayong magpalusot. Okay team! Go fight win!" paliwanag ng coach nila Jayden
"Go fight win!" sigaw naman ng mga players at back to the game na nga ulit sila maliban kay Josh na kasabay kong bumalik sa bench.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya
Napailing siya.
"Kapag natalo ang team siguradong kasalanan ko." nakayuko niyang sagot.
"Ano ka ba, 2nd quarter pa lang oh. Cheer up!" nginitian ko siya bilang pampagaan ng loob.
Josh smiled back at me.
Narinig kong biglang naghiyawan ang mga tao kaya naman parehas kaming napatingin ni Josh sa court.
Nakita kong naagaw ni Jayden ang bola mula sa kalaban at nang malagpasan niya ito ay isang lay-up ang pinakawalan niya. Sigawan ulit ang mga tao. Hindi ko mapigilang mapangiti. Totoo ngang magaling magbasketball si Yelo.
Hindi sinasadyang nagtama ang paningin namin. I smiled at him as a sign na humahanga ako sa ginawa niya. Pero napanganga ako sa gulat ng biglang kumunot ang kanyang noo sabay tingin sa akin ng masama.
Anong problema 'non? Galit na naman sa akin?
***
Sa last quarter ng game ay ipinasok na ulit ng Coach nila si Josh.
Nahirapan ang Senior year laban sa Junior level, pero sa huli ang three points shot ni Jayden ang nagpanalo sa kanila, 91-89 ang score.
"Oh ano? Lapitan mo na." sabi ni Fae habang tinatabig ang balikat ko. Bago ang last quarter ng game ay lumapit siya sa akin at tumabi sa bench.
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomanceWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.