Chapter 20

493 18 0
                                    

Chapter 20

“Ready?” tanong ni Gavin sa akin ng makapwesto na ako sa may court. Nasa harapan ko naman ang tatlo kong makakalaban: Josh, Troy at sino pa nga ba? Si Jayden.

At dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanilang lahat, inirapan ko si Gavin. Tinawanan lang ako ng sira.

“Alam niyo? Ang unfair nito! Can’t you see it guys?” inis na reklamo ko sa kanilang lahat. Josh is the team captain. Troy is obviously good in basketball and Jayden? Team captain dati? And MVP? Anong laban ko?”

“Chill Audrey. This is going to be fun. Wag ka na magreklamo.” Sabay tawa ni Connor.

“Fun? Eh Fun-ny ra kayo ng araw? Wag na wag kang makatawa diyan Connor at baka baliin ko ‘yang leeg mo.” Seryosong sabi ko na nagpatahimik kay Connor.

“Hala kayo galit na!” pagbibiro naman ng isang kasama nila na player din. Tinitigan ko ito ng masama.

“Okay guys! Let’s start bago pa bumuga ng apoy itong girlfriend ko.” nakangiting sabi ni Jayden habang nakatingin sa akin.

Sige lang ngumiti ka lang diyan.

“Audrey you need to shoot six points within 15 minutes habang nakabantay sa iyo ang tatlong gwapo na iyan. Katulad ng isang game, we will follow the regulation sa basketball.” Sabi ni Gavin pertaining to the instruction.

“Paulit-ulit eh sinabi na ‘yan kanina.” Wala talaga akong balak sabihin iyon kaya lang hindi ko talaga mapigilan ang inis ko para sa kanilang lahat.

Tumawa ulit sila.

Ano bang nakakatawa ha? Kasi ako?! Bwisit na bwisit na sa kanila.

 Buti na lang at sarado pa ang gym kaya walang ibang makakanuod ng laban na ito bukod sa kanilang mga player at doon sa coach nila na tahimik lang na nakikinig sa mga pinaggagagawa namin.

“The ball is yours.” At iniabot na nga sa kin ni Gavin ang bola. Siya ang magsisilbing referee.

Nagsimula na akong magdribble.

Pagbabayaran niyo itong mga gunggong kayo.

 Nagulat ako kasi nasa harapan ko na kaagad si Troy. He didn’t try to steal the ball pero tuloy pa rin ang pagharang niya sa akin. Ang goal lang naman nila sa game ay pigilan akong makasix points.

Tinalikuran ko siya and when I get the chance na makawala sa depensa ni Troy ay mabilis akong nagdribble sa kabilang gilid niya. Patakbo na sana ako palapit sa kabilang ring upang magshoot pero hinarang naman ako ni Josh.

 Inirapan ko siya dahil siya ang may pakana nitong walang kwentang game na ‘to. But he just smiled at me.

Nakakainis.

Tumalon ako para kunyaring magshoot at ganoon din ang ginawa ni Josh. Bingo. Mabilis ko siyang naisahan at tumakbo agad ako malapit sa ring pero napahinto na naman ako. Jayden is blocking my view towards the court and ang nakakainis pa ay nakangiti rin siya sa akin. Ipukpok ko sa kanya itong bola eh!

Kabwiset. Mga panira sila ng araw! Kailangan pa ng kondisyon, bakit hindi na lang pumayag kung papayag! Hay!

Katulad ng ginawa ko kay Troy ay humanap din ako ng chance para malusutan ko si Jayden and when I did ay agad akong nagdribble papunta sa kanan niya. Pero mas mabilis sa akin si Jayden kaya hindi ako makawala sa depensa niya.

“You’re good.” Bulong niya sa akin.

“Good mo mukha mo. Paraanin mo na ako ng matapos na ito.” Inis kong sabi sa kanya.

“Ikiss mo muna ako then I’ll let you shoot the ball.” At mapanukso niya akong binigyan ng ngiti.

 Alam kong pinagtritripan na naman ako ng sira ulo na to. Akala ba niya hindi ko kayang gawin yung joke niya?

My Slave Is A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon