Chapter 19
“Need some help?” tanong ko kay Cindy habang pinupulot niya ang mga nahulog na papel. Ako daw ang unang kumausap kay Cindy sabi ng Yelo.
“Huh? Okay.”
Nagsimula na akong pulutin ang iba pang mga nahulog na papel. Aware kaya si cindy sa presence ng ex niya?
“Babe, let’s go. Kaya niya na ‘yan.” Sabi naman ni Jayden. Galing talaga gumawa ng eksena ng isang to kahit kailan. So plano niyang inisin si Cindy ngayon? Ha! Sira ulo talaga to.
“Tulungan na muna natin siya.”
“Pero sabi mo sasamahan pa kita sa admin, right? Baka malate tayo.” sweet na sabi ni Jayden. Yuck nakakasuka!
“Hindi tayo malalate. Okay? Tulungan na natin s----“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
“No! You two can go now. I don’t need anyone’s help naman.” Inis na sabi ni Cindy sabay hablot niya sa akin ng ilang papel na napulot ko na. Pinandilatan ko ng mata si Jayden while he just smirked at me.
“O-okay. Ano.. U-una na kami.” Awkward na paalam ko kay Cindy pero hindi na siya kumibo imbis ay nagpatuloy lang siya sa pagpupulot ng mga papel.
“Lakas mo talagang mang-inis kahit kailan ano? Pati ba naman sa babaeng gusto mo?” bulong ko kay Jayden ng makalayo na kami.
“Pinagseselos ko lang. Effective naman di ba?”
“Ewan ko, feeling ko nainis pero hindi nagselos. “
“Nagselos yun! Palibhasa wala ka pang nakakarelasyon kaya di mo alam kung kelan nagseselos ang isang tao. Ha!”
“Oo na. Dami mo pang sinasabi eh.” sabi ko at tinalikuran ko na siya sabay pasok sa shower room ng mga babae para magpalit ng PE uniform. Magyayabang na naman kasi.
Paglabas ko nakita kong hinhintay niya ako at nakapalit na rin siya ng PE uniform.
Kailangan ko na talagang masanay sa presence ng Yelo na ito.
Dumiretso na kami sa room at hinintay na dumating si Ma’am Ravena. Pagdating naman ni Ma’am Ravena inexplain lang niya na hindi regular ang klase sa buong week pero dapat daw magparticipate kami for Intrams. Ginoodluck niya rin kami sa mga sasalihan naming sports after noon ay pinapunta na niya kami sa auditorium for the opening of Intrams.
Paglabas ng room ay nakaakbay na agad sa akin si Jayden.
“Improving! Di na siya tuod!” bulong niya sa akin.
“Shut up.”
“Audreyyyyyy!” narinig kong may sumisigaw mula sa likod namin. Paglingon ko si Fae. Kakapasok lang siguro niya buti na lang hindi regular class kung hindi baka pinagwalis na siya sa quadrangle ng academy dahil sa pagiging late.
“Okay ka lang ba?” alalang tanong niya.
“O-okay lang ako. Don’t worry.” Nginitian ko siya. Mamaya ko na lang ikwewento kay Fae yung mga nangyari kapag wala na si Yelo.
“Ano ba kasing nangyari, saan saan ka kasi nagpupupunta.” Napalingon sa tabi ko si Fae. “Ah good morning po Sir Jayden.” Nahihiyang sabi ni Fae. Ngayon lang siguro niya ito napansin.
“Tara na sa auditorium.” Inip na sabi ni Jayden. At sabay sabay na nga kaming nagpunta sa auditorium.
Nakita kong lilinga-linga si Jayden. Hinahanap siguro niya ang mga kabarkada niya. Napansin kong di pa rin dumadating si Troy kanina. Or baka naman si Cindy ang hinahanap niya?
Umupo na kami sa loob ng auditorium at hinintay na magsimula ang program. Katabi ko si Jayden sa kaliwa si Fae naman sa kanan.
“Hi Miss.” Nakita kong tumabi si Connor kay Fae, kaibigan ni Jayden . “I’m Connor Farris.” At inilahad niya ang kamay niya kay Fae.

BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomansaWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.