Chapter 8Audreys' POV
"Nakita ko yun!"
"Huh? Nakita mo ang alin?"
"Yung sa inyo ni Sir Jayden! May namamagitan ba sa inyo ni Sir Jayden? Totoo ba iyong kumakalat sa school na balita?"
Tingnan niyo tong babaeng to. Masyado ng huli sa balita. Kaso mukhang... Maling balita pa yata ang nasagap. Haha
"Right. Kami na."
"What?!!!! KAYO NA?! Eh kung mag-away nga kayo sa bahay, daig niyo pa aso't pusa ah!"
"Ssssshhhh! Wag ka namang maingay. Mamaya eh may makarinig sayo diyan. It's fake. Ok? Fake. Sasabihin ko na to dapat sayo nung day na nalaman mo yung tungkol sa.. uhhm.. akin."
"Ahh! Okay, mind if you tell me?"
"Ikwekwento ko sayo lahat, pero satin-satin lang to. Alright?"
Tumango naman si Fae.
Ayun nga, ikwinento ko sa kanya lahat. As in lahat. Tutal, based on the contract pwede naman niyang malaman yung sikreto namin ni Yelo.
"Hay! Mabeberat na yata ako sa nalaman ko. Hindi ko madigest."
"Haha. Ikaw kasi eh, pakwento ka ng pakwento. Tara na, shower na tayo. May next subject pa."
Hinila ko na siya sa shower room ng girls.
Pagpasok namin sa loob.
"Yuuuuck! Look, Cindy oh. The lesbian and the Nerdy nerdy." maarteng sabi ni Presentacion. Magkaibigan pala sila ni Cindy.
Tinitigan lang kami ni Cindy.
"Tara na Audrey, wag mo nang patulan si Ress." hinawakan ni Fae yung braso ko pagkatapos ay hinihila niya na ako papasok sa cubicle.
Pero saktong mapadaan kami sa tapat nila. May sinabi sa akin si Cindy.
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ipinagpalit ako ni Ice sa isang katulad mo." sabi niya pagkatapos ay tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Sabay alis.
Aba! Anong ibig niyang iparating?! Na ang panget at jologs na tulad ko ay hindi bagay para kay Jayden?
May gusto pa siguro yung babaeng yun kay Jayden. Saksak pa niya sa baga yung Yelong yun! Lamigin sana siya!
"Wag mo nang pansinin 'yon Audrey, alam ko namang maganda ka talaga eh. Remember the mag? Hihi"
"Ano ka ba. Tara na nga. Haha Shower na. "
Nagshower na nga kaming dalawa. Pagkatapos ay dumiretso na kami ni Fae sa next and last subject for the morning class. Advance Chem!
---
After ng madugong Advance Chem, lunchbreak na.
Pero bago pa kami makalabas ng science room, nagvibrate yung phone ko.
Fr: 0906*******
| Sabay tayong DALAWA maglunch. No more. No less. |
Huh? Ang angas naman nitong mgtext? Sino kaya to?
| Who are you? |
Wala pang 1 minute, may reply na agad.
| Boyfriend mo. |
Boyfriend? Abay niloloko ako nito! Wala akong boyfriend.
"Oh? May problema ba?" tanong ni Fae.
"Eto kasi oh."pinakita ko ang screen ng phone "Ginugudtime yata ako. Tinanong ko yung nagtext sa akin kung sino siya, nireplayan ba naman ako ng 'boyfriend mo'. Parang namang may bf ako."
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomanceWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.