Chapter 1

3.3K 44 3
                                    

AUDREY'S POV

"Kadiri. " bulong ko habang hawak ang  nakakalat na brief ng bwiset na lalaki.

Habang siya nasa harapan ng laptop at naglalaro. 

" Pwede ba? Manahimik ka diyan. Parang brief lang." masungit niyang sabi. Narinig pala ang sinabi ko.

" Brief lang?! Hindi ka ba nahihiya sa 'kin Sir." pagdadahilan ko na lang.

" Ba't naman ako mahihiya sayo? Katulong ka namin dito at may karapatan akong utusan ka. Kaya pwede ba huwag kang maingay at linisin mo na lang itong kwarto ko? Pwede?"

"Kahit katulong ako dito, babae pa rin po ako. Tapos ako pa tong pinagpupulot mo ng brief mo."

" Ayaw mo pala sa ginagawa mo e di magresign ka na lang. And... Sigurado ka bang babae ka? " mapang-asar niyang tanong sakin.

" Babae kaya ako. " bulong ko na lang pero sa isip -isip ay pinapatay ko na siya.

Ang yabang talaga! Kung hindi ko lang siya amo, baka naibalibag ko na tong brief niya sa kanya!

Dahil ba palaging nakasuot ng maluwag na shirt at jeans w/ cap, hindi na agad babae?

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis kaysa pagsabihan siya. Hindi rin naman siya marunong sumunod. Sayang laway ko.

" Tapos na po akong maglinis Sir. "

"Okay then igawa mo ako ng miryenda. Nagugutom ako. Now na."

"Pwede po bang magpahinga muna ko?  "

"Hindi ka namin binabayaran para magpahinga. So go. Make me a sandwich."

" Kainis." bulong ko ulit. Grabe siya makapag-utos.

Magbabayad ka rin sa pagpapahirap mo sa akin Yelo. 

Nagpunta na ako agad sa kitchen. 

Pagkatapos kong ihanda yung miryenda ay mabilis na akong umakyat sa second floor kung nasaan yung kwarto niya.

Hindi na ako kumatok, magsasalita na sana ako para sabihing nandito na yung miryenda niya pero nakita ko siyang titig na titig dun sa picture ng isang babae na nasa monitor ng laptop.

Sino kaya yung babae na yun? Kaibigan kaya nia yun? Crush? O baka naman girlfriend niya?

" Ito na po yung miryenda mo Sir Jayden. "

Mukhang nagulat naman siya ng bigla kong ilagay yung tray ng pagkain sa table niya, kaya naman mabilis niyang itiniklop ang laptop.

" Don't you knock?!" Hindi ko siya pinansin.

"Ganda niya Sir ah. Girlfriend mo?" tanong ko at nakatingin sa picture sa laptop niya.

" will you mind your own business? Lumabas ka nga rito! " gigil na sabi niya.

" O-okay po." at lumabas na ako sa kwarto niya. 

Palagi yatang may regla yung amo ko. Ang sungit sungit. Akala mo naman kung sinong gwapo. Magka edad lang naman kami pero mukha yatang mas mauuna na siyang tumanda.

***

JAYDEN'S POV

Nang umalis yung tomboy naming katulong inopen ko ulit yung laptop.

" Ang unfair. Pinagpalit mo ako sa iba. " wala sa loob na nasabi ko.

***

AUDREY'S POV

"Audrey, pagkatapos mong hugasan yung mga plato. Pwede bang ikaw na lang muna maglinis nung tubig sa pool? Marami pa kasi akong gagawin dito sa kusina eh. " sabi sakin ni Fae.

"Ahh. Oo naman. Sure. "

" Salamat!"

Katulong din siya sa bahay na ito tulad ko. Actually marami kaming katulong dito. Ang pagkakaiba nga lang ay personal maid ako ni Sir Jayden.

Ayoko nga sana pero naaawa naman ako kay Ma'am Maris.

Ang sabi niya sa akin, ako daw yung pinili niyang maging personal maid ni Sir Jayden dahil hindi daw ako natatakot sa anak niya. Karamihan daw kasi sa mga naging personal maid nito ay nagresign dahil sa sobrang pagiging bad tempered at masungit. 

Sabi rin niya kailangan din daw niya ng mag aasikaso sa anak niya tuwing nasa business trip silang dalawa ni Sir Hank which is tatay ni Sir Jayden.

Tulad ngayon pareho silang wala sa mansion at si Sir Jayden lang ang naiwan dito.

Pagkatapos linisin ang tubig sa pool ay dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga, medyo late night na rin kasi. 

Share kami ni Fae sa maids room. Anim kaming katulong dito sa mansion and tig dalawang tao kada isang maids room.

After kong maglinis ng katawan, ay pabagsak kong inihiga yung katawan ko sa kama. Nakakapagod.

Almost one month na rin  akong nagtratrabaho sa bahay na ito. Almost one month na rin simula ng maglayas ako sa amin.

Naglayas lang naman ako dahil, hindi ko na mataggalan yung father ko. Nakakasawa na din kasi. He's controlling my whole life and I don't want to live like that.

Maraming naiinggit sa 'kin dahil nanggaling ako sa mayaman at sikat na pamilya. Pero hindi nila alam ang pinagdadaanan ko at ng pamilya namin.

Oo nga, may matatawag akong pamilya. I have my Mom and Kuya Derrick. Pero my relationship with my Dad is something that cannot be easily fixed.

I run away from our home. I run away  from our wealth and the fancy living that I have. But most importantly I run away  from my father.

 Yung freedom na matagal ko ng hinihintay ay nasa akin na ngayon. Even though I'm a maid.

Nung gabing naglayas ako sa bahay namin, yun din ang time na nakilala ko si Ma'am Maris.

Muntik na kasi niya akong masagasaan. Kaya dinala niya ako dito sa bahay nila at inalok ng trabaho bilang katulong nung malaman niyang wala akong matitirahan at naghahanap din ako ng trabaho.

Tinanggap ko naman at unti unti kong natututunan ang mga dapat gawin.

Hindi ko nga alam kung nakakahalata ba si Fae na wala akong masyadong alam sa gawaing bahay. 

Nobody here know's who I really am. Walang dapat makaalam. Kapag nalaman nila kung sino ang parents ko, hindi malabo na bumalik ako sa mansion namin.

Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik sa bahay na iyon.

Kaya kong mabuhay ng mag-isa at hindi tumatanggap ng tulong mula sa mga Estaves. 

If my Dad thinks that I'm weak and stupid at isang teenager na walang alam sa buhay. I'll prove him wrong.

My Slave Is A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon