Chapter 17 : The brothers, Patrick and Sam.

672 18 19
                                    

Julia's POV

Hindi ko talaga inaasahan na nandito si Mommy. Nandito si mommy sa Hawaii! Si mommy at si Tita, ang mommy ni Kath. Miss na daw nila kami kaya bumili na din sila ng Ticket dito. Atsaka, gusto daw nila mag-pasyal dito dahil maganda daw yung pictures na inupload namin sa Facebook at sa pinadala namin na binili ni Diego. 

" Ma, ikaw ba talaga yan?" Tanong ko ulit.

" Ano ba anak? Sabihin mo kung hindi mo gusto na nandito ako, pwede naman ako pumunta ng ibang matutuluyan. Nandito naman ang bahay ng barkada namin ng Tita mo. Pwede doon ako matutulog." Sabi niya at nag pout pa.

" Hindi naman.. Baka kasi, impostor ka lang.. Baka ano pa ang magagawa mo sa akin. Nanigurado lang po." Sabi ko. Tumawa naman kami ni Kath at sila rin.

" Anak, pupunta pala kami sa bahay ng barkada namin, kasama si Tita Dolores mo. So nagpasya kaming isasama kayo. I'm sure gusto niyo dun. May maraming magandang views! Mag picture kayo, tapos i-upload sa facebook. Tag niyo kami ni Dolores. May Swimming pool dun, parang resort lang ang bahay nila. Paano kasi yung kabarkada namin, naka-asawa ng business man." Sabi ni mommy habang pinalabas na niya yung susuotin niya.

" Sigurado kayo ha? Baka naman, ang boring dun. " Pumili na din kami ni Kath na masusuot.

Hindi nag tagal ay nagbihis na kami. Simple lang naman ang sinusuot namin ni Kath, mommy at tita. Gusto kasi ni mommy at ni tita na simple lang kami para comportable kung kumilos.

Maya-maya, pumunta na kami sa bahay sa sinasabi ni mommy na kabarkada daw nila. Si Tita Hanna daw yung pangalan eh.

Kath's POV

White gate, Creamy White walls, Dark brown door tapos may pixelated glasses sa side, swimming pool sa backyard, may jacuzzi pa. Guys, sa labas lang yan ha. Pag pinasok mo sa loob, ang makikita mo, circular glass stairs, second floor yung bahay nila, Red, Dirty White o Creamy white at black yung theme nila, may dalawang black canasta sofa, yung isa naman rectangular yung shape, may glass table. Yung windows naman nila sobrang laki. 

Grabe, wala na akong masasabi. Sila na yung magandang bahay! 

" Grabe noh? Ang ganda ng bahay!" bulong ni Julia. 

" Hanna, meet Julia. Anak ko." Sabi naman ni Tita.

" Hello Julia. " ngumiti siya ni Julia at nakipag shake hands. "Diba ikaw yung nasa Meg Magazine? Kasama yung bagong models na si Kathryn, Ella at Janella tapos yung young popular model na si Sofia? Correct me if mali ako." 

" Yes po. Pero, medyo hindi ko po kilala yung mga bagong models eh." 

" Ito naman si Kathryn, anak ko." Sabi ni mommy.

" Kathryn! Ito na sinasabi ko. Mga mare, ang syerte niyo naman. May teen models na kayo! Wait, wag niyo kong kalimutan, magpa autograph ako sa inyo Julia and Kathryn. I am a magazine collector din." ngumiti naman kami ni Julia dun. Ang sikat na pala namin. 

Ang ganda ng feeling na ikaw yung mag autograph sa magazine! Parang artista lang kami ni Julia ngayon. Tapos, ito yung bahay. HAHA, ambisyosa naman ata kami.

Nagkukwentuhan, nag tatawanan at kumakain lang naman yung ginagawa nila. Habang kami ni Julia, nandito sa Jacuzzi, nagpapahinga. Mabuting tao si Tita Hanna, kaya pwedeng pwede kami maliligo dito, pinahiram nga kaming swimming suit eh.

May dalawang anak siya, lalaki. Hindi pa nga namin nakilala, dahil kanina nasa garage lang sila kasama best friend ng anak niya na tinuturing anak na rin niya. Naglalaro ng billiards daw. Tapos ngayon, wala na.

" Ang sarap naman dito." Sabi ni Julia, may iniinom na pineapple juice. Sosyal na sosyal kami ngayon.

Ako naman, orange juice.

Summer Love in HawaiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon