Julia's POV
Hayy! Ganda ng umaga. Ang lamig ng hangin, tapos yung tunog ng mga ibon at yung hampas ng dagat. Maaga akong gumising dahil gusto ko maranas humiga sa buhangin mag isa. Tulog pa si Kath, talagang pagod sa party kagabi. Grabe, ganda talaga ng Sky Lantern at tsaka yung bride. Swerte naman ng babae at naka asawa siya ng lalaki na ganun ka sweet.
Sana matagpuan ko na yung lalaki na para sa akin. Pero hindi ko parin mawawala si Erim sa utak at puso ko. Bakit naman kasi pumunta pa siya ng ibang bansa? yan tuloy, hindi ko na makita. Nag promise siya na babalik siya tapos after 123456789 years ng paghahanap namin ni Kath, wala pa rin eh. Sinearch ko nga sa facebook. Wala akong makita Erim De Rosario.
Bahala na siya sa buhay niya, pero mahal ko parin siya. Ewan ko ba.
Pumunta na ako sa sea shore at humiga dun. Hindi naman mainit ngayon kaya okay lang. Kakainis lang dahil masakit parin yung paa ko, buti nga makakalakad pa ako. Kinuha ko yung cellphone ko, grabe lang! friends ko sa pinas nag text sa akin.
Nireplyan ko naman sila. Miss ko na din si Sofia at si Jules.
" Nakakapagod naman umupo, miss." Tumingin ako sa nag sasabi nun. Si Enrique pala.
" Edi wag kang umupo." Sabi ko sa kanya.
" Ito naman oh, hindi mn lang tinanong kung bakit." Sabi niya.
" Eh, bakit ba?" Tanong ko.
" Pwede tayo nalang?" Sabi ni Enrique.
" Waley ka diyan Enrique. Hindi umeepek yung Pick-up line mo sa akin." Umupo siya katabi ko at tinignan ako.
" Hindi pala ako pwede maging super hero." Sabi niya.
" Bakit naman? " Sinabayan ko nalang.
" Bukod kasi sa ikaw ang kahinaan ko, di pa ako makalipad kasi parati akong mahuhulog sayo." pahabol niya sa akin.
" Teka nga Enrique, bakit nag pick up lines ka diyan ha? binobola mo ba ako? May plano ka no? O talagang masaya ka lang ngayon?" Tanong ko sa kanya.
" Pinapasaya lang kita. Malalim kasi iniisip mo at parang napakalungkot mo." Biglang nag ring yung cellphone ni Enrique. Tumingin siya sakin " Sasagutin ko muna to."
" Sige." Tumayo at pumunta siya kung saan malayo sakin. Baka importante yun kaya kailangan niya lumayo.
Sofia's POV
Nandito ako sa New York Airlines. Papunta ng Hawaii ngayon. Kasama ko ang best friend ko na si Jules ngayon. Alam niyo ba kung bakit babalik ako sa Hawaii na hindi sila pinapaalam? Dahil diyan na Julia na yan na nagtanggap na mabuting kaibigan. Siya pala aagaw sa boyfriend ko.
Akala mabuting tao siya! Napaka-kapal ng mukha niya! Inoffer ko siya na maging model, yun pala gagamitin ito para lang maging mas sikat sa akin.
" Sofia, hindi ka ba masaya na naging masaya na si Enrique muli ng makilala niya si Julia? " Sabi ni Jules.
" Masaya naman si Quen ng nakilala niya ako diba?" Sabi ko sa kanya.
" Baka nagkamali ka lang talaga ng akala, Sofia. Baka mabuting lang talaga si Julia.."
" Jules, diba ikaw yung nag sabi sa akin na nakita mo sila nag uusap? pumunta sila ng bagong beach? tapos, nakita mo si Quen nakahawak sa kamay ni Julia? At napakasweet nila? Jules naman! inaagaw na niya si Quen sa akin." Hindi ko na alam kung bakit naging ganito na ako. Takot ako dahil baka aagawin ni Julia si Enrique, mahal ko si Quen at hindi ko kayang mawala siya sa akin.
Takot ako. Bakit ba gusto ni Julia si Enrique? bakit si Enrique pa ha? Takot na takot ako dahil, mas maganda pa si Julia sa akin, mas mabuti siya sa akin. Pero, kung mahal talaga ako ni Enrique, ako parin mahal niya at wala ng iba.
BINABASA MO ANG
Summer Love in Hawaii
FanfictionIsang teenager na gustong pumunta sa Paris pero napapunta ng Hawaii dahil sa misunderstandings. Masaya pa kaya ang summer na ito? or completely disaster talaga?