Chapter 8 : Enrique to Erim. What?!

830 22 15
                                    

2 days ago....

Julia's POV

Sa wakas! break na din kami. Hindi yung break sa relationship kundi, may rest time na kami.. Pero mamaya balik photoshoot nanaman. Pero! masayang masaya kami ngayon ni Kath, dahil kami ang cover ng magazine ngayon!!!! WOO!! masaya naman si Sofia na nandoon parin sa New York. Pati narin si Jules na nandoon sa Pinas, may audition kasi siya, teleserye ang sasalihan niya. Nakakasawa daw ang pagiging model.

" Oh, Chocolate cake at Pineapple Juice." sabay bigay niya sa akin..

" Salamat, Enrique." Sabay kuha ko naman. Tapos nilagay ko parin sa table na nasa harapan ko.

" Hindi kaba kakain? Masarap yan." Sabi niya, tapos tumabi siya sa akin. " May sakit ka ba? Bakit matamlay ka ngayon?"

" Bakit naman masarap yan? Ikaw ba ang nag bake? At wala akong sakit, stress lang ata to." 

" Syempre masarap yan dahil ako ang kumuha. At dessert lang ang katumbas ng stress na 'yan. Gusto mo ako pa susubok sayo?"

nag-oo nalang ako sa kanya. Tapos nagpapasubok na ako. Ang sweet pala ni Enrique noh, sana ganito nalang siya parati. Pero hindi pwede eh, baka madevelop pa ako sa kanya, mahirap yun, may girlfriend na siya.

Nakooo Julia! bakit naman naisip mo yung feelings mo kay Enrique. Tskkk, wag mong sabihin na may gusto ka sa kanya?

Dahil naman ito sa kaibigan ko nuon eh, na miss ko na talaga siya. Kahit ngayon hindi ko parin siya nakita.

" Enrique, may kilala ka bang Erim? Erim De Rosario?" Tanong ko sa kanya, baka naman alam niya.

" Erim De Rosario??? Teka, familiar yan ah." tapos nagisip isip siya. " Bakit mo naman naitanong yan? Miss mo na ba yang kaibigan mo na matagal na nawala? Ano ba kasi ang nangyari?" 

" First love ko si Erim.. Bata pa kami ni Kath at ni Diego nun, nasa Baguio kami. Siya yung anak ng friend ni Dadi. Tapos parati nalang kami naglalaro, nag fishing kasama ni Kath. Inaalagaan niya ako, at magkasama din kami tumutulog sa tent nun." Napangiti ako, at tumingin kay Enrique. " Pero, umalis din sila kasama Mama niya, kasi nag aaway daw ang mama at papa niya nun. Pumunta sila ng America, nag trabaho sila sa Company ni Dad pero lumayas din sila. Hindi ko na alam kung saan sila pumunta dun hanggang may nabalitaan ako na naaksidente daw si Erim at si Tita. May bomba daw yung train na sinasakyan nila." 

Hindi ko na alam na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Niyakap ako ni Enrique tapos pinahid niya yung mga luha ko.

" Julia, go back to work na." sabi ni Manager.

Enrique's POV

Wala ka bang plano para pasayahin si Julia? kaibigan mo siya Enrique, at pwede ka gumawa ng paraan para pasayahin siya. Ano?? isip na diyan..

Eto na nga oh! nag iisip na ako. Ano bang pwede gawin? Bibilhin ko ba siya ng damit na gusto niya? Ipapasyal? Ano??? Mag isip ka!

" Pare, malalim na naman ang iniisip mo diyan. Si Julia ba?"

 Sinabihan ko lang si Daniel yung nangyari ni Julia dati. Tapos nakaintindi naman si Daniel.

" Pare, kung talagang gusto mo siya mapasaya. Try mo maging si Erim." Sabi niya.

" Niloko mo ba ako?" 

" Hindi kita niloloko. Tama yung ideya ko, sabihin mo sa kanya na pwede ka naman maging si Erim para sa kanya."

Oo nga no, pwede.. Bakit hindi ko naman naisip yun? Pwede ako si Erim.. Gagawin ko lahat yung ginagawa nila. Para naman makabawi ako kay Julia.. Naging masama akong tao kahit sa unang araw na nagkita kami. Hindi naman ako ganyan, sadyang napakarami lang talaga akong iniisip nun at wala akong mood nakipag usap sa kanya.

Napangiti naman ako kay Daniel tapos nakipag apir siya sa akin..

Julia's POV

Gabi na! tapos na yung Photoshoot namin. Pupunta naman kami sa isang Restaurant malapit dito. Kasama ko ngayon si Kath, Enrique at si Daniel. Pumunta agad si Kath sa loob ng Restaurant kasama si Daniel. Kaming Enrique lang dalawa nandito. Kaya nagpasya akong maglakadlakad muna kasama siya.

" Julia, i describe mo nga si Erim." Sabi niya.

" Mapagmahal, cute, palangiti, protective, caring, mahilig magpatawa, sweet, gwapo, mahilig magbiro tapos palagi nalang niya akong pinapatibok yung puso ko. Tapos yung gusto ko sa kanya, palagi nalang niya hinahawakan yung kamay ko dahil hindi niya ----" napahinto ako nung hinawakan ni Enrique yung kamay ko tapos, nagsalita siya.

" Pwede naman ako maging Erim para sayo. Para naman makabawi ako sayo. " Ngumiti siya sa akin at ngumiti na rin ako. " Palagi ko nalang hahawakan yung kamay mo para protektado ka at mapasaya kita." 

" Sus! nagdrama si Enrique. Tara na nga sa loob." Sabay hila ko sa kanya.

Kath's POV

Teka, sila na ba ni Julia? At bakit nakaholding hands silang dalawa? Alam ko lang na si Erim lang at si Diego yung nakakahawak sa kamay ni Julia. Oo, aaminin ko naging sila ni Diego nuon. Pero, ang complicated kasi relationship nila. Kaya hindi ko alam kung talagang totoo yung relasyon nila.

" Juls, ano?" Tanong ko.

" Mmmm, gusto ko roasted beef. The, fried rice." Sabi niya.

" Hindi, ano??? " Tanong ko sa kanya.

" Anong ano sinasabi mo?" Tanong niya.

" Anong ibig sabihin niyan." Bulong ko sa kanya sabay tingin sa kamay nila.

" Ahhh... Magkaibigan lang kami. Gusto niya makabawi eh. Kaya ganito yung ginawa niya." sabi niya.

" Bakit masaya ka na ba na ganyan yung ....?" Tanong ko.

" Sinabi ko lahat yung about ni Erim, Kath. Baka kilala niya si Erim." Sabi  niya.

" Ah ganun pala. Tara kain na tayo."

Enrique's POV

" Julia, Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

" Okay lang ako.. " 

" Bakit pinagpawisan ka?" 

" ha??? Ako?? Hindi ah.." Deny pa niya.

" Halata naman eh. Hawak ko kaya kamay mo. Wag mong sabihin na aakward ka sakin?" Tanong ko sa kanya.

" Bakit naman maaakward ako sayo? Crush ba kita?" 

" Hindi naman." 

" Madali ka palang kausap eh." Sabi niya. " Tara . Gabi na eh. "

 Tumayo na kami at sabay naman tumawag sila Kath at Daniel sa amin. Tapos sinagotan ko naman sila. Akala ko naman na hindi nakatayo si Enrique kaya tumingin ako sa likod..

Hindi ko akalain na napakalapit lang pala yung mukha namin.

Yung ilong niya nakatama yung ilong ko. 

Yung mga mata namin ay nakatingin sa isat-isa

Buti nalang hindi malapit yung mga baba namin.

Kundi...

.

.

.

Lagot ako kay Sofia.

-----------------------------------------------------------------------

Sorry guys late update!! Sorry! TALAGA!! :(((

Wala kasi kaming Internet connection  for 6 days. :( 

Kaya ito.. Enjoy reading! ^_^

Next Update -----> Malapit na!

VOT. COMMENT. FAN <3

Summer Love in HawaiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon