Chapter 22 : Mahal na Mahal kita

734 27 14
                                    

Julia's POV

" Anong nakakatawa?" tanong ni Quen. 

" Hindi na pala ako pwedeng tumawa?" kinagat ko yung labi ko, pipigilan ko sana yung tawa pero parang gusto ko talagang tumawa eh! Pero di pwede, baka alam niya kung ano ang hinahawakan ko.

Ang galing ko kaya nito, manang mana ako kay papa. Nakita ko siyang ngumiti rin ng parang demonyo.

Pinakita na niya yung baraha niya " Ano na? Straight Ace ako. Ako na panalo." Hahaha! 10, Jack, Queen, King at Ace, tapos panalo na? Paano ba Enrique, mas panalo pa ako sayo. Walang kang libreng kiss sa cheeks.

" Wag kang masyadong assuming, may baraha ako, at hindi mo pa alam kung anong meron dito." Kindatan ko siya at kumagat ulit sa labi ko. 

Ang galing ko talaga.

" Ha? Poker to Julia, straight ace yung pinakamalaki." nag pout siya.

" Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kung sakali ako yung mananalo, gagawin mo kung anong gusto kong gawin."

" Imposible mangyayari yan." akala  niya kasi nagbibiro lang ako, yan nagsmirk siya at pumayag. " Sige, yan sabi mo."

Nilapag ko yung baraha ko sa table at ngumiti ng loko " Straight Flush. Ten, Jack, Queen, King Ace. Paano ba yan? " Sabi ko with confidence pa. 

" Paano???!" Galit niyang sabi tapos ako, ngumiti lang parang demonyo. HAHA! ako kaya yung Poker Queen.

" Sige na Enrique, gawin mo na sabi ko." ngumiti ako ng loko. May masamang plano ako na talagang hingi mo magugustuhan Enrique.

" Para kasing pagdaraya yung ginawa mo!" Takot niyang sabi.

" Hindi ah! Talagang magaling lang ako niyan. Diba binabalaan kita?" 

" Sige, sige. Ano na?"

Ngumit lang ako at kinindatan siya.

Kath's POV

Ano ba?! Ang aga aga tapos may ingay na? Paano kasi, itong lovey dovey birds couple dito sa sala, sobrang sweet nila eh ano kaya ginagawa? Yan kasi Julia tinatamad na ako tuwing umaga, nakakahawa pala yung sakit mo Julia.

Lumabas ako ng kwarto at lumakad sa hallway. 

" Uham, Hellu." What the f?! Nahulog ko tuloy yung Iphone ko. Sino to? Teka, si Enrique ba 'to? 

Nakita ko si Julia nasa likuran tumatawa ng malakas. BAHAHAH!! Tumawa din ako.. Si Enrique nga! Paano kasi, binihisan ng pambabae si Enrique tapos nag wig pa, at may make-up sa mukha niya! Ang Pangit kaya tignan, masagwa tignan! Lalaking lalaki kasi yung katawan ni Enrique hindi bagay maging babae o bakla.

" Anong naisipan mo Julia at binihisan mo to?" Tumawa ulit ako pero ngayon makapagsalita na ako.

" Ha? Ako? Wala noh! Gusto niya yan!! HAHA!" Tumawa ulit siya.

" Julia! Humanda ka sa akin!" Sabi ni Enrique. Patay, namumula na si Enrique.

Tumawa ulit kami, ang sakit na! Lalaki yung boses tapos babae yung pananamit. BAHAHA! Ang pangit tignan.

Biglang bumukas yung pinto ng sala. At ayan, dumating si Dj. Halatang gulat na gulat din sa nakita niya.

" Nicki Minaj, ikaw ba yan?" BWAHAHA! Nicki Minaj daw! ito talaga si Dj oh! 

" Pre, hindi nakakatawa. " Seryosong sabi ni Enrique.

" Pre, ano nakain mo at nagbihis ka ng ganito?" Napansin ata ni Dj dahil tumingin siya kay Julia. Ngumiti lang si Julia pero tumawa rin.

Summer Love in HawaiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon