Julia's POV
Hayy, balik trabaho na... Nag impake na kami ni Kath ngayon, dahil pupunta kami saglit sa hotel tapos may kukunin lang kami ng few dresses. May party kasi yung company ng Meg Magazine, and since naging model ako sa tulong ni BRUHA, you-know-what-I-mean. And may photoshoot pa kami ni kath, kaming dalawa talaga yung nasa front cover ng magazine. Astig no??
And may isa pa! kinuha kami sa coca cola! Wah!! Ang dami naman ng aakasuhin ko. Para na akong artista. Mag enroll kaya ako sa Star Magic? Wag nalang, wala akong acting skills eh. Excited na ako sa meg magazine photoshoot!
" Juls, ready ka na ba mamaya sa party?" Tanong ni Kath.
" Oo naman! Syempre,kailangan mag hire tayo ng make-up artist ngayon, para for the whole entire parties na pupuntahan natin or meetings or whatever, may magmamake-up sa atin, except kung photoshoot, talagang may provide sila ng make-up artist."
" Oo nga noh.. Sige.. Pero, ang ibig kong sabihin wala na akong damit eh!" reklamo niya.
" Eto naman oh! Diba may dress ang binili ni Diego?? Yung kasabay sa sandals ni Tita? "
" Oo nga pero, sinuot ko na lahat eh.." Sabi niya.
" Yan kasi, excited. Di bale, mag shoshopping nalang tayo, I need higheels kasi."
At pumunta na kami sa hotel, sumakay kami ng taxi/cab dito. Of course! hindi kami sasakay sa kotse ni Enrique. Di ko muna gusto makita yung pagmumukha nilang lahat. Pero, Sofia, humanda ka.
Nag empake kami ulit at yung mga used clothes namin pinalaba muna namin sa Laundry shop. Nakakapagod, malaki na yung eye bugs ko. Wahh T.T miss ko tuloy sa pilipinas, yung wala pa akong stress. Di bale, malapit na din ang pasukan!
" Juls, shopping na tayo?" Sabi ni Kath.
" Sige, pero ihahatid ko muna to sa Laundry Shop." Sabay punta sa labas. Hindi ko man inaakala na nandiyan na pala si Enrique, at naka limutan ko na malapit lang pala yung room niya sa room namin. Malas talaga!
Pinilit kong dumaan sa likuran niya pero hinawakan niya yung braso ko.
" Enrique, pwede ba mamaya muna tayo mag usap? Di ko gusto makipag usap tungkol sa pinag usapan namin ni Sofia, lalo na rin tungkol kay Sofia." Sabi ko, hindi tinitignan siya pero alam ko parin yung reaction.
" Tungkol ba sa akin kung bakit kayo nag aaway ni Sofia??" tanong niya.
" At bakit mo naman sanabi yan?pssh, napa feeler niya." binulong yung last part.
" Sabi ni Sofia sa akin... Nag seselos siya dahil naging close na daw tayo.. Matagal na niya tayong pinagmasdan ni Jules."
" Eh kung ganun, lumayo na ako sayo.. Yan pala gusto niya. At pakisabi sa girlfriend mo, Sorry! dahil wala akong intensyon para agawan ka sa kanya. Okay?" At dun, lumakad na ako papalayo kay Enrique.
" Julia.. Eh paano na yung Erim---"
" Matagak ng tapos yung trabaho mo Enrique." At pumunta na ako sa Elevator.
Enrique's POV
Matagal ng tapos yung trabaho mo Enrique.... Matagal ng tapos yung trabaho mo Enrique... Matagal na... Ganun lang ba yun? Ganun lang ba kadali yun? Julia, wala ka bang importansya kahit konti lang? Ginagawa ko naman gusto mo pero, bakit hindi ka naging kontento? Dahil ba nandiyan na yung totoong Erim sa buhay mo, mawawala nalang ako parang bula?
Kahit madali lang yung oras na kasama ko si Julia, naging malapit na ako sa kanya.. Para na ring Mara yung ituturing ko sa kanya pero, hindi niya nakikita yun lahat. Dahil puro nalang Erim yung nasa-isip niya.
BINABASA MO ANG
Summer Love in Hawaii
FanfictionIsang teenager na gustong pumunta sa Paris pero napapunta ng Hawaii dahil sa misunderstandings. Masaya pa kaya ang summer na ito? or completely disaster talaga?