Julia's POV
Nakakapagod pala yung maging model no? Pero masaya naman ako sa trabaho nito. Mula bata pa kami ni Kath gusto na gusto namin talagang mag trabaho sa Fashion Industry o gumawa ng Fashion Botique sa Paris. At isa din yun sa dahilan kung bakit gusto namin pumunta sa Paris ngayong summer. Ito na kaya ang maging future career ko? o may pahabol pa si Papa God? Hindi ko naman hinilinhg na maging ganito yung summer ko, ang hiniling ko lang ay mahanap na siya...
Kaya eto ako ngayon, kahit nandito ako sa Hawaii, hinahanap hanap ko parin siya. Kahit imposible na nandito siya.
Tama na nga yung drama ko, nandito ako ngayon sa beach, nakahiga sa sand dahil gusto ko. Gabi ngayon kaya wala makakita sa akin. Nandito nga ako para makapag relax, hindi para isipin yung nakaraan.
" Ano ba problema mo. Bakit ganyan ka nalang palagi?" Nandito nanaman siya. Sino pa? edi si Enrique.
" Ano ba problema mo. Bakit ginugulo mo naman ang utak ko? " Sabi ko sa kanya. Hala, Anong ginugulo ang ----!! mali ang pagkasabi ko. Aish!
" Bakit ka ba nandito? Ha? " Sabi ko sa kanya. Para hindi naman halata yung unang sinabi ko. Uy, hindi siya nasa utak ko, yung kaibigan ko nuon. Ay nako Julia! Pag sinabi niya tungkol sa uang sinabi ko. Hay!! Mali ka Julia.
" Wala lang, nagpapahangin lang ako. Tapos nakita kita, malungkot na naman. Ano ba problema mo?" Hayy, pinagpawisan ako dun ha...
" Wala akong problema.. At pwede ba Enrique, wag mo kong kausapin tungkol sa problema ko. " Sabi ko sa kanya.
" May problema nga." Bulong niya.
" Isa pa, papatayin kita diyan! Makikita talaga ka ni Sofia sa beach, punong-puno ng dugo! " Sabi ko sa kanya tapos sinamaan ko siya ng tingin.
" Sorry! " Tapos tinaas niya kamay niya parang surrender type. " Gusto ko lang makatulong sa kaibigan ko."
" Kung gusto mong tumulong sa akin, wag mo kong kausapin."
" Sus, hindi yan makakatulong sayo. Ang dapat niyan ay, sabihin mo sa isang tao para mapalabas yung sakit sa puso. Yung taong importante sayo. Alam mo may kaibigan din ako nuon, katulad mo, maiyakin masyado pero mamaya ay ngingiti rin. Maalahanin, mapagmahal matulungin. Pero, wala ka nyan eh." Ano ba ang pinagsasabi niya?
" Julia, kapag palagi kanalang ganyan, sa tingin mo ay masaya yung taong importante sayo na naka ganyan yung mukha mo? sa tingin mo ay matutuwa yung taong importante sa yo kung palagi ka nalang umiiyak ha? Julia, okay lang naman umiyak pero sana matutunan mo rin maging maligaya. Kalimutan mo na yung nakaraan mo. " Nagsalita siya ulit, akala niya alam niya lahat yung nakaraan ko.
" Kung makapagsalita ka, akala mo alam mo yung nakaraan ko. tapos, kakalimutan ko nalang ng ganun? Enrique, ang sakit kaya! ang sakit sakit ng iniwan niya ako... Tapos ito parin ako hinaphanap parin siya kahit iniwan niya ako. Gusto ko parin makita siya kahit iniwan niya ako!"
Ay nakakainis ka Julia, umiiyak ka naman. Kakainis naman to si Enrique! pinaparamdam niya na nandito parin si Erim kahit wala na siya. Nakalimutan na ako ni Erim. Nakalimutan na niya ako. Pero ako, natatandaan ko parin siya, kahit nakapikit pa ako, kahit boses lang niya, kahit buhok niya. Kahit ilong niya. Natatandaan ko parin siya.
Lumapit si Enrique sa akin tapos hinihimas niya yung likod ko. Ewan ko ba kung bakit napalapit agad ako sa kanya.. Nilagay ko yung ulo ko sa balikat niya. At dun nakatulog ako..
Enrique's POV
Palagi ko nalang siya inaaway tapos ganito pala yung sitwasyon niya. Napakasama ko. Kaya ngayon, pinatulog ko siya sa balikat ko. Aisshhh, tulo pa laway niya. -.- Ayan ka naman Enrique, sinasaway mo pa kahit natutulog yung tao. Pinapanood ko nalang siya habang natutulog, walang magawa eh. Hindi ako pwedeng matulog, baka may kumidnap dito tapos ako yung may kasalanan.
BINABASA MO ANG
Summer Love in Hawaii
Fiksi PenggemarIsang teenager na gustong pumunta sa Paris pero napapunta ng Hawaii dahil sa misunderstandings. Masaya pa kaya ang summer na ito? or completely disaster talaga?