Chapter 19 : The Definition of Summer

683 20 13
                                    

Julia's POV

Binuksan ko na yung mga mata ko at nag-unat na. Ang ganda ng umaga! Comportable yung higaan ko. Teka, diba kagabi nasa cabinet lang kami ni Sam? Paano ako nakapunta dito? Tumingin ako sa paligid at nakitang si Kath sa pintuan, nagsusuklay sa buhok niya, nandoon kasi yung salamin.

" Kath, paano ako nakapunta dito?" Tanong ko.

" Hinanap namin kayo ni Sam at ayun, nakita kayo ni Daniel sa cabinet. Halos tatlong oras kami naghahanap sa inyo eh. Grabe! Ang pawis mo kagabi kaya iba na yung sinuot mo ngayon." Sabi niya habang nagsuklay parin.

Tumayo na ako at pupunta sana sa c.r para maligo na.

" Juls, uuwi na tayo mamaya pagkatapos mong maligo." Ngumiti siya sa akin. Ngumiti na din ako sa kanya at dumiretso na sa c.r.

Kagaya lang naman ako sa ibang tao, kumakanta habang naliligo. Tapos ginginaw kapag unang tubig humampas sa katawan mo, pero mawawala naman mamaya. At uunahin ko yung pagshampoo  tapos mukha ko at katawan. At ayun! tapos na.

Dumiretso ako sa labas pero nandito parin sa loob ng c.r. May dalawang seksyon kasi tong c.r nila. Kinuha ko yung t-shirt na binigay ni mommy, halata naman kasi hindi t-shirt panglalaki. Sinuot ko na rin yung shorts at slippers.

Pagkalabas ko, tamang tama lalabas na din si Kath kaya sumabay na din ako. Nagpaalam na kami kay Tita, Sam, Patrick at Dj. At umuwi na sa hotel.

Nakakalungkot naman! Kabago-bago lang namin dun sa bahay ni Sam, tapos uuwi na kami. Hindi tuloy namin na enjoy yung kagabi dahil nasa cabinet kami ni Sam. Tapos, malapit na rin yung pasukan! Nakakainis talaga.

Tumunog yung Iphone ko at nakitang nag text si Manager.

From : Manager Rick

Hello Juls and Kath! We need you right now.

Please, right away. Babye!

"Anong nangyari?" Tanong ni Kath habang binabasa yugn text.

" Ewan ko. Nag text lang siya ng biglaan." 

Nagbihis agad kami. Simpleng outfit lang muna ako kaya red stripe dress at red dollshoes. Si Kath naman, white raffled blouse at pink skirt and pink dollshoes.

Dumiretso agad kami sa opisina ni Manager at umupo sa harapan niya. May hinawakan siyang dalawang papel at binasa niya to gamit yung mga mata niya at hindi yung bibig. Problema ba to? May kasalanan ba kami? Baka alam ni Manager na nag-aaway kami ni Sofia at ipapaalis na kami sa Kompanyang ito.

Agad naman siyang tumingin sa amin ni Kath at ngumiti.

" Julia and Kathryn.  I want to congratulate two of you because you two are join in our another Summer Collection! And with that, pack your things, we are going to other places here in Hawaii tomorrow at 6:00 am. And please sign this paper." 

Ano daw?! Kasama kami sa Summer Collection?! teka, ibig sabihin ba sikat na kami bilang modelo! Pumapalakpak kami ni Kath dahil ang saya saya namin!

Woo! Ang ganda naman. Ang gandang ganda ng feeling. Matagal na kaming nag hintay ng feedbacks tungkol dito eh. Akala na namin, wala na kaming kontrata, pero ayun pala! Kasama na kami sa Big 10!!!!

" Juls and Kath, hindi lang kayo ang kasama. Parang sampo kayo sa trip. " Ngiti ni Manager.

" Salamat Manager!" Sigaw namin ni Kath at niyakap siya. Dali dali kaming pumunta sa Hotel at sinabihan si Mommy at si Tita yung balita. Nag impake narin kami para sa Trip. Bukas na bukas na yun!

*             *           *           *

4:30 am

Yan! sobrang excited kasi kaya na gising kami ng umaga. Nag congratulate na din yung mga kaibigan namin sa Pinas. Nag group message kasi kami ni Kath kagabi at nag skype pa. 

Summer Love in HawaiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon