Chapter 16 : Secret REVEALED

652 19 25
                                    

Quen's POV

" Tita, punta muna ako sa kwarto ko." Sabay punta sa itaas at binuksan yung pintuan ng kwarto ko.

" Quen, hindi ko pa pinalinis yung kwarto mo. Hindi ko kasi alam na uuwi ka dito sa Pinas." Sabi niya habang pinunta ako sa itaas at niligpit yung mga boxes na nasa kama ko.

" Ano yan Tita?" Tanong ko at pinuntahan siya para tumulong.

" A-uhm. Album mo pagka-bata.. Ilalagay ko sana sa kwarto ng Mama mo, pero hindi ko natuloy, nandito kana eh." Sabi niya at binuhat ito.

" Ako na maglalagay, Tita." Sabi ko at kinuha ang boxes.

" Sige.. Salamat.. Iwan na kita diyan, magluluto pa ako ng makakain mo." Ngumiti siya sa akin at sinira yung pintuan.

Agad ko naman binuksan ng Album ko, at nag scan ng mga pictures. Nakakatawa yung mukha ko.. Ang taba-taba ko pala. Biglang may isang picture na nahulog pagkabukas ng isang album ko.

Ano to? Kinuha ko to at binasa yung message nasa likuran ng picture.

'Me and Mara, remembrance picture before going to America.' 

Natuwa naman ako ng may isang picture pa pala ako kay Mara, mabuti naman, kahit paano may matitignan ako kapag may problema na alam kong siya lang ang makapagpasaya sa akin. Tinignan ko sa harapan ng picture.

Ako at si Mara.. Naka-akbay ako sa kanya at siya naman, todo ngiti sa picture. Kahit kelan, makulit talaga to si Mara. Tapos yung background namin ay nasa Airport. Kinuha ko yung wallet ko at nilagay yung picture namin. 

" Quen! Nandito si Sofia." Sigaw ni Tita.

" Opo! pupunta na ako diyan.." Pumunta na ako sa kwarto ni Mama at nilagay yung boxes malapit sa cabinet niya at dumiretso na sa ibaba.

" Quen, punta na tayo?" Tanong niya. Saan kami pupunta?? Tinignan ko siya.

" Nakalimutan mo na ba kakain tayo sa labas? Sabi ko pa kanina eh." At nag cross arms siya.

" Sorry.. Marami lang talaga akong iniisip." 

" Quen! Handa na yung pagkain." Sigaw ulit ni Tita.

" Tita, kakain pala kami ni Sofia sa labas. Kayo nalang kakain niyan." Hinawakan ni Sofia yung kamay ko at lumabas na kami.

Habang sumakay kami sa Taxi papuntang Restuarant, nagkukwentuhan kami ni Sofia. Nagtatawanan, at nagbibiruan. Pero, maya-maya biglang sumeryoso yung mukha niya. 

" Anong nangyari?" Tanong ko.. 

" Wala." Ikling sabi niya. Tinignan ko yung mga mata at naramdaman kong malungkot siya.

" Sof---" nagsalita siya at pinutol niya yung sinabi ko.

" Quen, hindi mo talaga naramdaman??" Tanong niya. Anong hindi ko naramdaman?? yung malungkot siya?  " Quen, matagal na tayong magsama pero hindi mo parin nalalaman. Tuwing naririnig ko yung pangalan ni Mara, kumikirot yung puso ko." Sabi niya, pero hindi siya tumitingin sa akin.

" Nagseselos ka." Sabi ko at nag smirk.

" Quen, seryoso ako.. " pinahid niya yung mga luha na tumutulo sa mga mata niya. " Quen.. Hindi ko alam kung bakit hinahanap mo si Mara sa ibang lugar, nandito naman ako.. " Sabi niya.

" Sofia naman eh. Ikaw parin naman yung ----" pinutol nanaman niya ako.

" Quen, ako si Mara, bakit hindi mo nararamandaman? Nandito lang si Mara sa tabi mo at ako yun Quen... Ikaw si Ricky, Quen.. Ikaw si Ricky." 

Nagulat ako sa sinabi niya. Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Si Sofia at si Mara iisa lang? Nagbibiro ba siya o totoo lang talaga? Bakit hindi ko naramdaman? Bakit hindi agad niya sinabi sa akin? ito, ito ang mga tanong na gusto kong tanungin sa kanya pero hindi dito.

" Manong, hinto." Sabi ko sa driver at bigla kong inalis si Sofia at dinala sa Park.

" Quen, bakit tayo nandi---" ako naman ang pumutol sa sinabi niya.

" Bakit hindi mo sinabi sa akin?! " Napasigaw ata ako, nagulat kasi siya.

" Q-quen..."

" Ano?! Magsalita ka!"

"Sinundan kita.. Sinundan kita.. Pero pagdating ko dun, naaksidente ka. Ikaw at yung nanay mo!"

Nagsalita ulit siya  "Nataranta ako nun kaya nabunggo ako ng sasakyan dun. Dinala ako sa hospital na nandoon ka din. Nagising ako, 2 days ako nakatulog.. Quen, dinalaw kita sa kwarto sa hospital.. Nakita ko yung nanay mo, iyak na iyak sa gilid.. Ito ata ang pinakasakit nangyari.. Quen, sinabihan ako ng nanay mo na nagka amnesia ka...." Umiyak si Sofia. Niyakap ko naman siya pero tumanggi siya.

" Pina-alis ako ng nanay mo dahil galit na galit siya sa akin.. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin na wala naman akong ginawa... Nung, tumira kayo sa America, pinuntahan ko si Tita, naguusap sila ni Mommy... Masakit tanggapin pero kailangan, kaya......" 

" Kaya?" tinanong ko.

" Kaya, nagbagong pangalan ako at ikaw. Tumira kayo sa bagong bahay. Yung bahay na tinira mo ngayon sa pinas ay hindi yung bahay dati.. Quen, I'm sorry." Sabi niya at umiiyak.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. 

Ako pala si Ricky.. Tapos, ginawang Enrique na kilala ngayon na si Quen... Alam ko na nga ba! May tinatago sila.. May tinatago sila.

Sinuntok ko yung Puno malapit sa akin. 

" Quen, I'ms so-sorry..." umiyak siya at niyakap ako sa likuran.

----------------------------------------------

Guys! 

Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko sa Chapter na ito. Hindi ko  kasi kayang makita kayong malungkot kaya ito! TADA! :) Salamat sa lahat.. Salamat Tlaga.

Good news : Di ko na to I On hold. ipagpatuloy ko na to.

Kung litong lito kayo dahil sa chapter na ito, dont worry.. :) Pinag-isipan ko to para may connection sa huli..

Pls dont kill me kung bakit ito pa yung naisipan ko. XD 

Summer Love in HawaiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon