Julia's POV
" Juls! 10 pm na juls! gising!" ito talaga si Kath oh, hindi talaga niya mawala yung pagiging morning person niya. Akala ko wala na yung trabaho niya na tumatalon siya sa kama ko para lang magising ako, akala ko sa Pinas lang niya gagawin yan.
Ano bang importante ngayon ha? Diba, 1 pm pa yung schedule namin, edi meron pa akong 30 minutes para matulog! Please, pabayaan mo muna ako Kath kahit konting minuto lang.
" Juls?? May sasabihin ako sayo.." Bulong niya sa akin. Humarap ako sa kanya at nag unat sa mga paa at kamay ko.
" Oh, ano?" May parte parin sa katawan ko ang natutulog eh.
" Birthday ngayon ng boyfriend mo!"
" Ha?! Sinong boyfriend?! Wala akong boyfriend noh!" Sigaw ko. Anong boyfriend yung sinasabi niya?
" Si Sam." nag pout siya at humiga sa kama ko. Buti nalang at wala si Ate Kim dito sa kwarto, nandun ata sa lobby, hinihintay boyfriend niya, Si Kuya Xian. Bagay na bagay talaga sila! Ang cute.
" Hindi ko siya boyfriend." Malungkot kung sabi.
Natatandan ko kasi yung tanong niya sa akin nuon kung may pag-asa pa ba siya sa akin, pero wala akong sagot sa kanya eh. Buti nalang at nandun sina Kath at Daniel para guluhin yung medyo 'Awkward' situation.
Pero, bakit ganito? Bakit may kumirot sa puso ko nung hindi ko siya sinagot yung tanong niya kahapon? Bakit ganun? Tuwing kasama ko siya, ang saya saya ko na. Parang nasa kanya na yung mundo ko eh. Umiikot na yung mundo ko sa kanya. Simple lang dahil napaka sweet niya sa akin at napaka gentleman pa niya. Gusto ko na ba si Sam?
Yung pinuntahan niya ako dito, almost 8 pm ata yun. Pumunta lang kami sa Park malapit dito, kumakain ng Hamburger at may coffee. Naguusapan, nagtatawanan at nagkukwentuhan, kasi daw, kapag nandoon na kami sa Pinas, hindi ko na siya kakausapin dahil may makikilala na akong ibang kaibigan na mas gwapo pa sa kanya. Sa totoo nga, ang pogi niya, yung ngiti niya, yung mga mata niya at yung lips niya.
Kung pwede lang sana, maging akin nalang siya.
" Hoy Juls! Ano? Sino nagturo sayo ng mga 'daydream' na yan ha?" lumakad siya papunta sa harapan ko at nilapit yung mukha niya.
" Wala, nainisip ko lang si Sam."
" Uy! ang bagay bagay niyo!! Kayo na ba Juls?" humahagikhik siya at pinipisil yung mukha niya. Yan kasi mangyayari kapag kinikilig si Kath.
Pasensya na po, galing mental kasi yan.
" Hindi nga kami. At Kath, tulungan mo naman ako oh? Ano ibibigay ko sa kanya? At bakit hindi niya sinabi sa akin kahapon??" Sabi ko habang pumunta sa laptop ko sa desk at nag search kung anong bagay yung gusto ng mga lalaki.
" Ang panget kaya kung sasabihin niya sayo.. 'Hey Juls, birthday ko bukas. Gift ko ha? Tandaan mo yan.' parang weird ata." Ito talaga si Kath, kahit kelan, luka-luka talaga siya. XD
" Oh Sige na. Umalis kana at magbibihis na ako, para din may maisipan ako. Disturbo mo kasi! Pumunta kana sa Dj lalabs mo. Ayiee!" Tinutulak ko siya paalis sa kwarto ko.
" Hindi pa nga kami eh.." Malungkot niyang sabi.
" Edi, todohin mo na!" sigaw ko.
" Gagawin ko kung maging kayo na ni Sam." Kinindatan niya ako.
" Kath, please. Umalis kana."
" Okay. Sabi mo eh." Lumakad na siya paalis at sinira yung pintuan.
Kami ni Sam? Malabo yun. At isa pa, gusto niya yung mga sexy na babae..
Naisipan ko tuloy yung sinasabi niya sa akin kagabi! Manyak talaga yung mga lalaki noh? Kahit napaka inosente yung mukha nila, may manyak pala sa kalooban.
BINABASA MO ANG
Summer Love in Hawaii
Hayran KurguIsang teenager na gustong pumunta sa Paris pero napapunta ng Hawaii dahil sa misunderstandings. Masaya pa kaya ang summer na ito? or completely disaster talaga?