Chapter 5 : Selos, Stupidity, Fun!

908 26 7
                                    

Julia's POV

Nagmamadali na akong bumihis dahil papunta na si Kath, Sofia at Jules dito. Magkita nalang kami sa restuarant malapit dito.. Nag suot nalang ako ng high-waisted shorts, tapos orange tank top at shades. Wala muna akong make-up ngayon, may make-over kasi daw ako tapos icucurl nila yung buhok ko.

Lumabas na akong kwarto at papunta na sa elevator. Tumakbo ako bago pa ma-close yung door sa elevator, tapos pinigilan ko. Binuksan naman yung tao sa loob, at pumasok na ako. Familiar tong lalaki to ah.. Hindi ko masyado makita dahil naka shades siya tapos naka summer hat pa. 

" Nag kita na ba tayo? " Tanong ko sa lalaki. Tumigin yung lalaki sa akin tapos tinaas niya yung shades niya. Tinaas ko din yung shades ko at hindi ko akalain na siya ito.

" Ikaw?! " Sabi naman niya sa akin.

" Ano ba naman ito oh! Masaya na sana yung araw ko pero nung makita KITA, bumagyo yung mundo ko, may kasamang tsunami pa at lindol. " Sabi ko.

" O.A masyado.. Tss. " 

" Anong sabi mo?! Ako O.A?! Ikaw! Ikaw mayabang. Nag sosorry na nga si Kath nun sa pagbili ng ticket, tapos nagpaparinig ka pa! Nakakabwesit ka. Tatanggapin na sana kita sa party pero ewan ko sayo! " tapos tumalikod ako sa kanya.

" Kung hindi ka lang sana kaibigan ng girlfriend ko, pinalayas na kita sa hotel ko." 

Hindi nalang ako umimik tapos lumabas na ako nung bumukas yung pinto sa elevator. Dumiretso na ako sa restaurant na malapit dito. Wala pa sila eh, kaya umoder nalang ako ng Juice tapos macaroni. Hay, nakakainis talagang Enrique na yan. 

Bumukas yung pinto ng Restaurant at pag tingin ko ay si Enrique, nanaman! Kung nandito siya para gumawa naman ng gulo, hindi ko siya papatulan dahil I am too expensive creature to be ugly and angry. Lumapit siya sa table ko at umupo. Ano naman ang kalokohan to, ha? 

Umoder din siya ng Burger and Fries tapos Juice din. At pagkatapos nun ay tumingin siya sa akin.

" I'm Sorry." Ha, I'm sorry daw. Tignan mo naman oh, siya pa ang yung una mag sorry. HAHA! Loser. Hindi ko siya pinansin. Kumakain na ako, baka mamaya maabutan pa ako dito, hindi pa tapos yung pagkain. Sayang naman dba?

" Uy. Julia." Hindi ko alam kung bakit napahinto ako dun. At alam ko na kung bakit, dahil first time ko narinig na tumawag siya ng Julia sa akin. Pero, may iba din eh, parang pareho na pareho silang boses na taong pinaka importante sa akin.

" Sorry din. " Sabi ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit din ako nagsosorry.

Pagkatapos kung kumain ay yung din time na pumasok silang Kath, Jules at Sofia, Dala-dala nila yung mga dress na binibili nila. Bakit ba bumili pa sila? may dress naman na ipapasuot sa photoshoot dba? -.-

Pumunta si Quen kay Sofia tapos nagyakapan sila. Hayyy nako, masyadong PDA sila.. Public Display of Affection.

Ingit ka lang Julia, may boyrfriend na si Sofia, ikaw wala pa! Sus, ako? Hindi ako ingit sa kanila. Ang pangit kaya ng ugali ni Enrique. Pero, ugali lang naman.

Sofia's POV

Nandito na kami sa destination namin. And of course, the manager just said awhile ago that Julia and Kath are official model na. :D I'm so so happy for them. 

Ayun sila, binigyan ng Make-over yung dalawa. May photoshoot, ipapublish daw muna yung mga photos nila sa Page para malaman ng mga magazine lover na may bagong model. Mag plan daw si Manager kund kelan sila i cover sa magazine.

Ang ganda talaga ni Julia at si Kath. Si Kath at si Daniel ang cute, bagay na bagay sila. Tapos si Julia, bagay sila ni Paulo.. 

Pero kanina, magkasama si Julia at si Quen. Bati na ba talaga sila? Oo, bati sila kagabi, pero alam ko plastik lang yun. Di ko naman talaga alam kung bakit sila magkaaway eh, hindi sinasabi ni Quen sa akin.

Summer Love in HawaiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon