Chapter XXVII

347 23 18
                                        

Aera's POV







Panibagong araw na naman at panibagong problema. I ended up joining the organization of volunteers committee, ahh forced to joined pala. Ewan kung meron bang ganyan sa school niyo. Hindi dahil gusto ko, kundi sa kagustuhan ng Homeroom teacher namin. Wala akong choice kundi tanggapin yun, kasalanan ko din naman kung bakit kasi hindi ako pumili at sumali. Kainis. And I am the living proof of 'NASA HULI ANG PAGSISISI'. We are a group of people which would voluntarily help the every organization that's in need. Pinaliwanag samin yun kahapon eh, basta yun na yon.

Busy ang lahat dahil sa papalapit na Gathering event. Excitement were all written in everyones face, yung tipong makikita mo na lang silang bigla biglang natutulala habang nakangiti. Tsk.

“Ms. Celestre, kindly bring this to Ms. Fortuna. She's one of your subject teachers, and she needed this list, for the upcoming events.”- usal ni Ma'am Homeroom teacher namin, aba malay ko eh sa hindi ko kilala eh, ang alam ko lang katunog ng apelyido ng isang artista ang apelyido niya. Kahit labag sa loob ko, ay sinunod ko ang utos ni Ma'am. Kahit naman Kasi papaano she's still my teacher and I'm just a mere student.

“Hi Ms. Sungit, san ang punta mo?”—ngiting asong usal ni Lukas.

“Sa impyerno sama ka?”

“I'll gladly come if I'm with you tho.”- sagot nito, which I ended up rolling my eyes. Wala nang matinong sagot ang lokolokong 'to. Tss.

“Sorry, pero nagbago isip ko, you can go to hell, I'll visit you if magkaroon ako ng oras para sa mga taong kagaya mo.”

“Ms. Sungit naman eh.”-usal niya habang nagpapadyak. “Why don't you act a little nicer, babae ka ba talaga?”

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tiningnan ko yung sarili ko, technically sa dibdib ko. Tapos naka ngising sumagot.

“Sa tingin ko oo eh, meron ako nito—”-nguso ko sa dibdib ko.“—Which is wala sa mga chicks mo.”

“BOOM. K.O”- singit naman ng isang kutong Lupa.

“Bumubuntot kana naman samin ni Ms. Sungit, ang lakas ng topak mo erp. Aminin mo nga gusto mo ba si Ms. Sungit?”

Walang pasintabi'y siniko ko si Lukas sa may sikmura niya.

“Mag hunos-dili ka nga, 'di ka ba kinikilabotan sa sinasabi mo?”-usal ko.

“Tsk.”-singit naman ng isa pang kutong lupa habang naiinis na nakatingin sa'kin. Technically sa'ming tatlo ni Wa-Da at Lukas.

Ah 'di ko alam na general unison league pala ng mga kutong lupa ngayon.

“May problema ka?”-usal ko.

“Problema ko mukha mo, kung bakit ba kasi pakalat kalat ang kamag-anak ni spooky.”- usal nito.

Aba kahit kailan panira ng momento 'tong kutong lupang 'to. Kung kailan kailangan kong magmadali, saka pa umi-epal. Tss.

“Wala akong time sa katarantaduhan niyo, okay. Tabi nga.”- usal ko saka tinulak si Lukas. “Tss. Panira ng araw.”

Lumiko ako sa kanang pasilyo, nang maalala kong hindi ko pala kilala si Ms. Fortuna. Anak ng pintupo't puting tupa. Wala akong choice kaya bago pa man ako makalayo ay bumalik ako sa dinaan ko at saka humila ng isang myembro ng kutong lupa, hindi sila kompleto kasi wala si Brilliantes.

Nakarating kami sa administration building, generally sa faculty room which is under this building. Hindi ko na binitawan pa ang kasama ko mamaya takbuhan pa ako.

“Hoyy, sino ba si Ms. Fortuna?”- pabulong kong usal habang nakatingin sa loob ng faculty room.
“Dali na kasi. Sino ba?”

Walang sumagot.

UNEXPECTEDLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon