Lewin's POV
"Pare, una muna ako sa inyo ha!"- usal ni Wade. Kakalabas lang ng bruha, without even answering Dahlia's question kung saan siya pupunta-- and, oo nga pala why the hell would I care about that witch, nakakasira lang ng araw ang mukha niya. Tss.
"Ano na bro, susundan ba natin yung lokong yun?"- tanong ni Rique, I glared at him kaya nanahimik na lang siya sa sulok.
"Let them be. I don't care. Bahala sila sa buhay nila, matanda na yun."-
"Ha? May kasama si Wade?"- what? Did I say it out loud, akala ko nasa utak ko lang yun.
"B-bakit may s-sinabi ba ako? Wala naman ah, you misheard it bro."- nagkanda-utal-utal na sagot ko, damnit I wasn't careful, kung ano ano na Lang ang lumalabas sa bibig ko. Tsk. I'm being unusual, inaamin ko yan mga tanga.
We're walking in the hallway, like a three kings, lahat ba naman kasi tumatabi pag dumadaan kami, eh hindi naman kami nangangagat, tao nga naman, takot sa Gago-este gwapo, yong tatlo lang naman ang gago sa barkada eh.
"Mauna na din pala kayo, may aasikasuhin lang ako, bukas na lang ulit."
"Th-thirteen-OHMYGHAD PARE, THIRTEEN YUN AH. Ma..Mauna N.na Din... Pala... Kayo... May... Aa-"
"I heard it too Riq, paulit-ulit ka masyado, nagmumukha kang sirang plaka, ah oo nga pala sira ka na pala dati pa. Tss."- I cutted Enrique habang nagsasalita siya at binibilang ang salitang kamakailan lang ay binitawan ni Brilliantes. Kung sabagay unusual din naman talaga, dati kasi, Oo at Hindi lang ang sagot niya, isama mo na pala si maybe, at ang pinaka famous na sagot niya ay ang kibit balikat.
I nod to Brilliantes, kaya umalis na ito.
"Pero at least hindi plaka, sirang gwapo pwede pa. Oh see."- usal nito kasabay ng pag wink niya kaya napapatili ang ilan sa mga babae, tss. Before I forget, CHICK-CHIRYA MAGNET nga pala ang gagong 'to, kung kani-kanino kasi pumapatol, eww.
"Baka sirang GAGO!"
"Masyado ka nang harsh pare ah, e-susumbong kita kay Ms. Sungit, sige ka."-M-ms. Sungit, who?
I was about to ask him who's Ms. Sungit is, when suddenly my phone vibrated inside from my pocket, so I took it inside and look who texted me. Unregistered Number ang nag flash sa notification ko, so I immediately tap the notification para tignan kung ano ang laman ng text.
From: Unregistered Number
+639*********Home.
"At sino naman 'tong isang 'to, at mukhang naligaw."- bulong ko.
"May sinasabi ka? Sino kausap mo pare? Anong Sabi mo kamakailan lang?"
"Wala, kausap ko sarili ko, gago."
Pambihira, na curious tuloy ako. Home daw, wala namang nag t-text sakin maliban sa barkada at kay ate, imposible din namang sina Dad.
"Mauna na din pala ako, bahala kana sa buhay mo."-usal ko kay Rique, saka ito tinapik, leaving him with his confused look.
"Naiiwan na naman ako sa ere. Okay lang sanay na ako, mga gago. Humanda kayo bukas."-sigaw nito, alam kong biro lang yun, kaya tumawa na lang ako as I waved my hand.
Kaagad akong dumiretso sa parking lot para sana kunin ang kotse ko but I saw Wade, looking at something--no, he's looking at someone, tumingin ako kung saan siya nakatingin at nakita si Brilliantes na may kausap na babae, Clyde was facing at the south direction while the girl was facing at him , judging from her height, she's actually as tall as Dahlia, her hair looks like Dahlia's hair too, at tingin ko nag-aaway sila, and wait... Why does Wade is still here, I thought he's about to do something with that witch, o baka nag assume lang ako sa hindi at wala.
Ayan Kasi, advance mag-isip. Tss.
I hissed as the thought hit me, I took my car keys and instantly sat on the driver's seat as I opened my car. I started the engine of my car and realized that it took their attention, I beep twice to them and straitly went home.
Aera's POV
"Ang tahimik mo ngayon ate Aera."-naka pout na usal ni Troy.
"Sorry, hehe may hinahanap lang ang mata ko."
Kasalukuyan kaming nasa likod ng orphanage, naglalakad sa stepping stone papunta sa tagong garden kung saan ako dinala ni Troy before.
"Sino naman, naghahanap ka pa ng iba e andito naman na ako. Hmmp." -what the freaking eff, Bata ba talaga 'to?
"Hindi sa ganon okay, it's just that I haven't seen that sister-sister- I don't know her name."
"Ah baka si Sister Jel po. Wala siya eh, baka sa susunod pa uli siya pupunta dito."-huh?
"So hindi siya dito nag seserve?"
"Hindi po, kadalsan pumupunta siya rito twice a week lang po."
Ahh.
Nandon lang kami the whole time, saka lang kami umalis ng ma-realise kong hapon na pala. We bid our see-you-later saka ako umalis, mag a-alas singko y medya na ng mapatingin ako sa relo ko. I'm partially happy sa pagpunta ko dito, dahil nakita ko si Troy, but partially sad too dahil Wala si Sister Jel-kamo, sabi Yan ni Troy, I badly wanted to know who were those millennials on the photo frame where hanging in the wall.
Para kasing ang saya nilang tignan. Yung feeling na you are willing to risk your time, para lang makilala sila, ganon ang nararamdaman ko sa kanila eh, gusto kong tanungin si Tito George kaso naalala ko 'di nga pala kami close, pero pede din namang si Wa-Da ang tanungin ko di'ba? Kaya lang kukulitin ako non, 'wag na lang. Hihintayin ko na lang kung kailan ang free time ni Sister Jel. Marunong naman akong maghintay.
Someone's POV
"Who are you? And what are you doing here?"-maarting usal ng pamangkin ko as soon as she opened the door-ah mali, a foster niece to be exact. I smiled at her, I wanna show how badly I wanted to slap her ng magkabilaan, ang walang modong bobitang 'to. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko hindi ako magdadalawang isip na sampalin 'tong gagang 'to.
At kung hindi din dahil sa reliheyosong trabaho ko malamang noon pa man ginawa ko na ang gigil na pagsampal sa babaeng 'to."I'm here to introduce who are you trying to made her life a living hell, pag ginawa mo yung Plano mo asahan mo hindi ako magdadalawang isip na ilibing ka ng buhay."
Kita ko kung pano siya napasinghap sa mismong harap ko kaya ngumiti ulit ako, ayokong pangunahan niya ang nakatakdang mangyari. At ayokong sumagabal siya sa buhay ng taong lubos kong iniingatan.
"Sy? Sino Yan?"- boses ng babaeng papalapit sa amin. I smiled at her too, talagang magkamukhang magkamuha sila, but she's different, they're totally identical twins, pero magkaiba ang ugali, mabait ang isang babaeng kakarating lang hindi gaya ng bobitang nasa harapan ko.
"Hi dear, and goodbye! See you sa hukay."-I know I'm being creepy, pero ayokong magmukhang bulag dahil sa mga kasinungalingang kinagisnan ng totoong pamangkin ko. I waited for so long para mabutyag na ang katotohang pilit itinatago ng karamihan. At gusto kong sabihing hindi namatay ang kapatid kong si Hyacinth Colminares, kundi itinago. Hindi AKO ang nagtago, kundi SINO?
'Just wait and see, I'll do everything for them to pay. Hindi sa dahas na paraan, kundi sa paraang sila mismo ang gagawa.'
~END OF CHAPTER TWENTY FIVE~
Votes and comments will be highly appreciated.

BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY YOURS
Random"I'M NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND HIS NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT HIS UNEXPECTEDLY MINE. " " YOU'RE NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND I'M NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT I'M UNEXPECTEDLY YOURS. " (ʘᴗʘ✿) A work of fiction. Thank you sa suporta Kung meron m...