Lewin's POV
Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlo, tatlong oras na akong lutang sa ikalawang subject sa araw na 'to. Ano bang nangyari kahapon? Kating kati akong malaman, pero sabi ng demonyong si ako, ano nga bang paki-alam ko sa nangyari kahapon?
"Tol kanina ka pa tinatawag ni Ma'am."- bulong ni Wade na siyang nakapagpabalik sakin sa reyalidad.
"Mr. Arkanghel!"
"Yes ma'am."- sagot ko kasabay ng pag tayo.
"Whats gotten into you?"- tulala lang akong nakatingin kay Mrs. Gonzalez, na talak ng talak, wala na nga akong maalala sa sinabi niya. Basta na lang akong hinila ni Wade para maupo.
"Pare 10 minutes ka nang naka tayo. Kung hindi ka hinila siguro hanggang hapon kang naka tayo, ano bang trip mo."- usal ni Brilliantes kaya naman napalingon kaming dalawa ni Wade sa kanya at kita kong nagbibilang si Rique.
"Wow pare 21."- sigaw nito.
"You. You. You. You. Get. Out. The rest self study, nakaka highblood kayong mga Bata kayo."-Kaya ang resulta pinalabas kami ni Mrs. Gonzalez, gago nga naman nandamay pa, kainis. Kahit kailan. Mabuti sana kung kagaya Ng dati na lahat lumabas eh, kaso kaming apat lang at self study ang iba.
"Ayos."- usal ni Lukas saka ito humikab.
"Alam mo, humanda ka samin ngayon Lukas."
"Opxxs, it's running time. Ah."- sigaw nito sa mababang boses saka tumakbo na agad naman naming hinabol.
"Humanda ka samin gago ka."
Lumiko siya sa isang pasilyo kaya naman lumiko din kami, at nakitang nakasalampak sa sahig ang loko at ang isang babaeng naka salampak din at may dalang mahigit labinlimang libro ng math. Dalawa ang naka patong sa katawan niya, Isa ang nasa mukha niya apat ang hawak niya, Ang iba nag kalat na.
Isa lang ang masasabi ko LAGOT Ang loko.
"Bwesit naman oh."- daing ng babae, Kaya otomatikong namilog ang Mata nila habang ako natawa.
"MS. SUNGIT?"
"Ako nga GAGO at humanda ka sa'kin ngayon."
"Ms. Sungit hindi kita inakbayan kaya wag mo akong bubugbugin. Please."
'Marunong palang maki-usap ang lokolokong to.' - usal ng utak ko.
"At sinong may sabing bubugbugin kita? Ikaw ang magdala niyan, bwesit kang hayop ka."
Aktong tatayo siya kaya otomatikong kumilos ang kamay ko, kasabay ng kina Brilliantes at ni Wade.
"Wow, awang awa naman ako sa sarili ko, ok ka lang? Kailangan mo ng tulong?"-rinig kong usal ni Lukas, but sad to say no one is willing to help him. But wait... What am I doing?
Agad kong nabawi ang kamay ko, Ewan pero tila nabuhayan ako ng walang tinanggap na kamay si Celestre.
"Kaya ko ang sarili ko mga gago."- usal naman nito saka tumayo, kaagad ko tiningnan kung ano ang susunod niyang gagawin.
"Ok ka lang?"
What the heck!
"Tss."- Wala sa sariling usal ko saka nakapamulasang umalis sa kadramahan nila.
Lukas' POV
"Ok ka lang?"- tulalang napatingin ako kay Ms. Sungit na nakalahad ang kamay. Akmang iaabot ko na sana ang kamay ko nang binatukan niya ako.
"Arayyy. Ano ba--"
"Hoy Gago ka akala mo ba talaga concern ako, heck no, ang sakit kaya ng balakang ko, tsaka anong ginagawa niyo sa oras ng klase, ikaw, ikaw, ikaw at ik- oh asan na kasama niyo."

BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY YOURS
Losowe"I'M NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND HIS NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT HIS UNEXPECTEDLY MINE. " " YOU'RE NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND I'M NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT I'M UNEXPECTEDLY YOURS. " (ʘᴗʘ✿) A work of fiction. Thank you sa suporta Kung meron m...