Wade's POV
Bago matapos ang gabing 'to kailangan ko talagang makausap si Dad. Pero 'di ko alam kung ano ang itatanong ko. Bwesit naman oh. Kasalukuyan akong nakahiga at paikot ikot sa kama, tagilid dito, tagilid doon, ikot dito, ikot doon.
"Ahhhhhhhh... Walang ya naman oh, ano na Wada isip isip. "- I shouted in frustration. Kainis naman oh. Tumayo ako at humarap sa whole body mirror ko, at kinalma ang sarili. Damn, kailangan kong isantabi ang inis ko kinakailangan kong malinawan sa mga narinig ko.
"Ok Wade Darwin Gil, fasten your seatbelt, let's get ready to--"
Natigilan ako sa pagkausap sa sarili ko matapos mabulabog ng tatlong katok. At Sino naman ang kakatok sa pinto ng kwarta ko dis oras ng Gabi. Binuksan ko ito at nakita ang ama kong akmang kakatok ulit sa pinto.
"We need to talk."-- hindi lang pala ako ang may kailangan klaruhin ngayon. "Inside my car." sa dinami daming pwedeng lugar na pwedeng mapag-usapan sa kotse niya talaga, ganon ka importante yung sasabihin niya?
Wala din naman akong magagawa at isa pa kailangan kong malinawan sa mga narinig ko nga.
"Gano ba kaimportante yan at sa loob pa talaga ng sasakyan mo."
"Kung gaano ka importante si Aera sayo ganon din ka importante ang sasabihin ko."-sagot nito matapos maka sampa sa loob ng kotse niya. "Now, are you ready listen?"
"Pwede ba Dad diretsuhin mo na ako, 'wag kang magpaligoy ligoy, ina-antok na ako."- sabi ko that is half meant, totoong ina-antok na ako pero parang hindi din ako makatulog kung sakali mang di ko matanong.
"Kapag ba sinabi ko sayo, lalayuan mo ang Aera na yan?"- nagpapatawa ba siya? Imbes na sumagot ay ngumisi ako at pinalobo ang pisnge gamit ang dila ko.
"Nagpapatawa ka ba?"- sagot ko, kaya naman kunot noong lumingon siya sa akin. "Layuan si Aera? Mas susundin ko pa kung ikaw ang lalayuan ko eh."
Napaka walang hiya ko ba para sagutin ng ganon ang Papa ko, totoo naman eh. Tss,
Hindi ko na itatanong sa kanya yung gumugulo sa isip ko, kaya kung maghanap Ng sariling impormasyon.
"Wade Darwin Gil, wala kang utang na loob."
"Baka utang na labas meron pa. Dad ilang Tao ba ang dapat mong nakawan?"
"Umayos ka Darwin, hindi ako magnanakaw."
"Oo, Dad magnanakaw ka."
Ewan kung imahenasyon ko lang ba na bumibigat ang tension sa loob ng kotse, pero yun ang nararamdaman ko ngayon, pero 'di ko kailangang matakot dahil lang sa Papa ko, mas ikakatakot ko pa kung ano gagawin ng papa ko kay Aeae na pamangkin niya.
"Hindi. Ako. Magnanakaw."
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Pagnamakaw to Dad, ninanakawan mo akong maging masaya kasama ang pinsan KO. Gusto mong malaman kung ilang beses mo akong ninakawan? Tatlong beses dad."
"You don't get it."
"Ano ang hindi ko maintindihan Dad, ang pagnamakaw mo? Oo tama ka hindi ko naintindihan yun. Gusto mo Isa isahin ko yung tatlong beses na hindi ko maintindihan? UNA, nilayo mo ako kay Aera at ngayon uulitin mo naman kung kailan nandyan na naman sila malapit sakin. PANGALAWA, ninakawan mo ako ng pagkakataon na makilala ang mama ko, at PANGATLO, ninakaw mo sakin at pinagkait mo sakin na maramdaman ang pagiging ama mo."- mahabang litanya ko bago lumabas ng kotse niya, baka makita lang niya akong umiyak. Tss, siya iiyakan ko walang kwenta yun. Pero bago ako tuluyang umalis, ay kumatok ako sa windshield ng kotse na agad naman niyang ibinaba.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY YOURS
Diversos"I'M NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND HIS NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT HIS UNEXPECTEDLY MINE. " " YOU'RE NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND I'M NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT I'M UNEXPECTEDLY YOURS. " (ʘᴗʘ✿) A work of fiction. Thank you sa suporta Kung meron m...
