Chapter IX

3.4K 120 2
                                        

Lewin's POV

Seryoso? Aminin niyo nga hindi ba ako gwapo? Huh, sumusobra na Yung babaitang Yun ah. Aba, tong mukhang to hindi gwapo? Hoy sandamakmak na kababaehan ang nagkakandarapa nito mga ulol. Tsk. Ba't ba ako nag papa-apekto sa impaktang Yun, tss. Mas lalo namang 'di siya kagandahan.

“Miss hindi ba ako gwapo?”— tanong ko sa kahera ng InstruClub.

“P-po?”– see? Yan ba ang hindi gwapo? Pati nga kahera natulala sa kagwapohang taglay ko.

“Forget it, punch this one.”

Mahilig din pala Ang impaktang Yun sa guitara. Tss, kahit sandamakmak na guitara pa ang bilhin niya, hindi niya..... ikagaganda Yun, tss.

Mula sa InstruClub ay lumabas ako at pumuntang basement para ilagay Ang guitara sa compartment ng sasakyan ko. The moment I thought about what happened, made me grinned.

“Pftt.”

Ugh shit what am I thinking? Wala sa sariling napa-iling ako, at kaagad napasakay sa kotse, at Wala sa sariling nagmaneho ako papunta sa kung saan man.

***

Shit! Why am I beaming? Ugh. Mahigit tatlompung minuto akong nagmaneho at napunta sa isang pamilyar na lugar.

“What am I doing here?”—wala sa sariling tanong ko. Pano ako napunta dito, ano ba yan. Wala na ba ako sa katinuan at Kung saansaan na Lang dinadala ang sarili, tsk.

“Total nandito ka namang Gago ka, why don't we take a look.”

Shit, weird! Why am I talking to myself?
Hindi naman bawas sa kagwapohan Ang pagiging weirdo minsan Hindi ba?

“Makababa na nga lang.”

As soon as I entered the tall wooden gate, I took a glance of my watch. It's already past 20 at Eleven, maybe they're taking their lunch now.

Medyo matagal-tagal akong hindi nakapagbisita ah.

“Kuya Lewin?”— tanug boses ng isang batang babae, Kaya agad napa lingon ako.

“Cynthia.”— tawag ko.

“Kuya Lewin ikaw nga...” kaagad tumakbo ito at patalong niyakap ako, that made me chuckle.

“'Di halatang miss mo ako ah.”

“Naku kuya di lang ako, kundi lahat kami.”

“Asan na nga ba ang iba?”

“Nasa loob po, kumakain na.”

“Oh ba't ikaw nandito sa labas?”— tanong ko, na hindi niya sinagot at kaagad akong hinila.

“Mother Theresa, Mother Theresa. Si Kuya Lewin Po nandito!”— sigaw ni Cynthia.

Nakakamiss din pala ang bumisita dito sa bahay ampunan ng Canossa.

Naalarma yata ang lahat ng bata Kaya ayun kahit Hindi pa tapos kumain nag-unahang tumakbo papunta sa'kin.

“Naku mga Bata kayo, balik sa hapag-kainan.”— Bungad ni Mother Theresa. “Naku hijo, halatang namiss ka nila, pwera na lang sa Isa na nandon sa loob.”

Sabay sabay kaming pumasok sa loob, at nakita ang isang batang lalaki na walong taong gulang, naka pandi-quatro pa ito at salubong Ang kilay na nakatitig sa kanin niya.

“Oh Troy 'di mo ba gusto Ang ulam?”-tanong ni Mother Theresa sa batang si Troy na agad nag iwas ng tingin.

Problema Ng batang 'to? Kahit kailan, hayst. Nagdadrama na naman. If I know nag seselos lang yan, mga bata nga naman.

UNEXPECTEDLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon