Aera's POV
Tsk, big deal ba sa school na'to ang transferee kapag ka naka uniform na. So far Okay naman yung ibang feedback, pero minsan talaga di maiwasan ang negative feedbacks, lalo pa at naka away ko ang pinakamamahal nilang Ulupong. Break time kaya wala masyadong tao sa mga lobby ng bawat classroom kadalasan kasi nasa cafeteria ang iba. Mag-isa akong naglalakad sa lobby ng 4th year building papunta sa cafeteria, wala si Dahlia kasi Isa siya sa napiling news writer Ng mga moderators ng News Paper Organization.
Malaya akong nakakapag lakad kasi wala ang mga ususero't ususera, yung ibang nandito na nakakasalubong ko ay may mga dalang flyers para sa kanikanilang clubs. Nasa bukana na ako ng cafeteria ng biglang tumahimik ang lahat sa loob ng maingay na cafeteria.
"Tsk."
Hindi ko gusto ang ganitong eksena as I've said before I Hate attention. Kaya naman embes ma tumuloy ay bumalik ako at nakarating sa hindi familiar na pasilyo. Isang lumang room na ito, since Isa akong dakilang curious binuksan ko ito. Madilim sa loob nito na binibigyan lang ng konting sinag mula sa labas ng bintana kaya nakikita ko ang mga sirang gamit. Tss, bodega pala. Pero may isang bagay na naka kuha ng attensyon ko, isang guitara. Lumapit ako dun at may mga sulat ito gamit ang mga kung ano-anong gamit panulat.
Legendary Glee.
We will be missing you Ms. A.
No! Will be missing the Legendary Glee.
I wish to see you again. To see you perform.
At mga kung ano ano pang mga kaekekan ang mga nakasulat sa guitara, nakapaloob ito sa isang transparent cellophane Kaya 'di ito masyadong maalikabok. Kung ikaw ang nakabasa sa mga naka sulat iisipin mo ring namatay ang may-ari ng guitara, Yun kasi Ang pagkakaintindi ko sa mga sinusulat nila.
I strum the guitara, Kaya lang sintonado ito, mabuti na Lang at marunong akong magbalik nito sa tono.
Nakakainis tuma-timing pa talaga yung bell, tsk. Kung kailan tapos na sana ako sa pagtuno ng guitara. Pahamak. Wala akong magawa kundi ang lumabas doon sa lumang bodega at ewan doon ang guitara. 'Di na ako naka pag recess kainis, mukhang ngayon lang ako naka ramdam ng gutom. Tsk.
***
Pabalik na ako sa classroom, 'di ko naman inaasahang makasalubong ko ang ulupong. Na nakikipagpatintero pa sakin. Tsk, nang-iinis yata tong animal na to eh.
"Tsk. Ang laki ng daan oh."-usal nito.
"Tsk. Ang laki nga haharang harang ka lang."
"'Wag kang mag-umpisang bruha ka ha."
"Ay wow nahiya naman ako sayo ulupong. Sino ba tong makipagpatintero?"-taas kilay'ng tanong ko at pinag ekes ang kamay.
''Tol anong tinatayo tayo mo--Oi hi Aera."
"Tse manahimik ka dyan di tayo close."
"Awts... Walang hello? Deadma ako tol."-sumbong nito sabay nguso kay Arkanghel.
"Manahimik ka nga dyan Lukas,gagong 'to hihilahin ko talaga yang nguso mo. Tsk."-huling hirit nito bago umalis. Tss. Wala sa sariling napa role eye ako at kaagad na nag lakad papunta sa classroom, asan kaya ang punta ng mga ulupong na yon. Who cares? Definitely not me, over my dead headset. TSK.
***
Nakaka bore din pala kapag ka walang sinalihang organization. Wala akong ibang magawa. Kung pwede lang sanang umuwi kanina ko pa ginawa. Tsk. Nasa pasilyo ako ng kabilang building dinala ng mga paa ko.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY YOURS
Acak"I'M NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND HIS NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT HIS UNEXPECTEDLY MINE. " " YOU'RE NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND I'M NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT I'M UNEXPECTEDLY YOURS. " (ʘᴗʘ✿) A work of fiction. Thank you sa suporta Kung meron m...