Aera's POV
Myerkules na ngayon at kasalukuyang akong naglalakad pa-uwi. Naisip kong bisitahin si papa sa hospital na pinagtatrabahuan niya at tingin ko nandon ang mama ko, kaya lang 'wag na lang baka mamaya mahimatay lang ako sa amoy, alam niyo na, amoy ng alcohol, samot saring gamot, ah basta yung mga masakit sa ilong. Nakakainis pa naman yung amoy.
Wala din manang tao sa bahay, nakakaumay din ang mag-isa. Haist. Saan ba kasi ang magandang puntahan. Parang sa oras na 'to gusto ko atang nandito si Lukas o kaya si Wa-Da, para naman may magulpi ako. Haist. Nasa harapan na 'ko mismo ng gate namin, napansin ko ang kulay itim na kotse na tantya ko pagmamay-ari ni Tito George. Napapadalas na talaga ang pagbisita ni Tito George, which is so unusual. I want to turn my back para hindi makita si Tito George, ano namang mapapala ko kung makita ko siya, he'll only gave me a cold treatment as always. Pero, ewan sa 'di ko malamang dahilan, I pushed the gate slowly. At imbes na sa front door ako dadaan, umikot ako.
Mula sa labas ay makikita mo ang isang glass door, at kita ko rin ang galit na galit na mata ni Tito George. He intently look at someone down from him. Parang ano mang oras makakasampal siya.
Umamba akong hubuksan ang pinto, pero may pumigil sakin.
“Anong ginagawa mo dito?”- pabulong kong usal.
“Makikikain.”-nakabusangot na sagot ni Wa-Da.
“Kain mo mukha mo, kahit kailan patay gutom kang hayop ka.”
“Aeae naman, sige na pls...”-pangungulit niya pa.
Umamba akong susuntokin siya, pero natigil ako. Hindi sound proof ang bahay namin, kaya maririnig mo ang usapan lalo na't nasa labas lang kami, sa mismong backdoor.
“SHE'S NOT YOUR DAUGHTER!”- e-ewan kung tama ba ang pagkakarinig ko. Biglaan akong hinila ni Wa-Da kaya hindi ako sure, if I'm not mistaken, then, who does he prefer? Wala namang ibang may 'DAUGHTER'. Hindi naman siguro magdadala ng unexpected buyseta yung mama o 'di kaya yung Tito ko di'ba?
Pinipiga ko ang utak ko habang hilahila ni Wa-Da, we end up again in the playground, naalala ko tuloy dati, back when we were at E city we used to play around the subdivisions playground kaya madalas kaming napapagalitan. Dati okay naman yang si Tito George, but he suddenly change, when that uncertain event happens. Wala ako sa ganang mag kwento ng mga pangyayari dati, tsaka hindi ko alam kung vivid ba yung mga pangyayari dati. Basta ang alam ko, dahil don, they forced to transfer here in A city.
Para kaming bumalik sa pagkabata ngayon, naglaro ng habulan, para san pa't nakapunta dito di'ba. For a moment of short while, nawala ang kasalukuyang umiikot sa isipan ko. But I don't bother to think about it din naman, bahala sila sa gusto nila o kaya kayo na ang humusga. Hindi ko ugali ang makisawsaw sa problema ng may problema.
We're catching up our breath mula sa paglalaro. Grabe ka pagod.
“The..the up-upcoming event is fast approaching, w-wala ka ba talagang balak sumali sa mga org, I mean, you could join us, if you want to. Promise hindi kami nangangagat.”- usal ni Wa-Da kahit pa hinihingal.
“Ayoko! A-YO-KO! Alin ba sa salitang AYOKO ang 'di mo maintindihan aber?”- sagot ko naman.
“Aeae naman eh, it's for your own good, bahala ka, ikaw din naman ang mamromroblema pagnagkataon. Tsaka, it's hits my concern you know, dagdag puntos kaya yun.”
Ano ba talaga ang problema ng gagong 'to, kung hindi nanghihila eh namimilit naman. Tsk.
“Oh eh ano naman ngayon, I'd rather seat around the corner, than getting tired. Tsk. 'Di hamak na mas maganda yun no.”- usal ko. Naka upo lang kami habang tinitingnan ang mga batang naglalaro.
“Parang kailan lang—” usal naming dalawa ni Wa-Da, and then we both end up laughing kahit na hindi naman katawa-tawa.
If curious kayo kung na nagkita na ba kami ulit ni Sis Jel, not yet. Eh sa hindi ko na t-tiyempohan eh. I really am eager to know them. At kung tinatanong niyo din kumusta sa school, it's still a hellhole place, puno ng mga mukhang diablo, pero syempre joke lang. Some girls tend to gossip about me, kung bakit daw ba ang tapang tapang ko para kalabanin ang baboy nila, aba eh, bakit naman hindi, kung nasa tamang lugar naman ako, tss.
“I'll think about it. Pero hindi ibig sabihin non, sasali na ako gago.”
Nadadaanan ang mismong playground kapag mag-eexit ka sa subdivision, kaya makikita namin kung uuwi o umuwi na ba si Tito George.
“Yun oh, pero pagnaisipan mo, you can join us, I'm sure you're still into music.”
Huminga ako ng malalim saka tumingala sa palubog na araw.
“Still into, but I don't think I'll be able to join music dahil lang sa gusto kong sumali or what, may pinagkakaabalahan Kasi ako ngayon.”
“Hoy! Hoy! Ano yan, don't tell me nag j-jowa ka na, aba hoy Area Hayacinth Celestre, bawal kang mag j-jowa hanggat sa buhay pa ako, over my sexy-masculine body, NEVER!”
Mabatukan ng 'tong hayop na 'to.
“At sinong may sabi aber? Ni sayo nga nahirapan na ako, pano pa pag may dumagdag na bwesit. Tss. Tsk. Tsk.”
Makalipas ang ilang minuto at lumubog na nga ang araw. Eksaktong dumaan rin ang sasakyan ni Tito George. Nang makita namin ang sasakyan paalis ay nag desisyon kaming umalis na.
Bago pa man kami makarating sa bahay ay nakita kong biglang lumabas si Dahlia, kaya dali dali kong tinulak si Wa-Da. He even mouthed the word F*CK.
“Pack yourself idiot.”- I mouthed back. Buti nga at di kami nakita ni Dahlia kundi delubyo ang labas, pero syempre biro lang. Nang nawala si Dahlia ay agad kaming pumasok sa bahay.
Wala kaming ibang nadatnan kundi bahay na walang tao maliban samin. Confusion was mark on our faces, sa kadahilanang hindi namin makita si mama.
“Wa-Da pahiram ng cellphone.”- ako, nang hindi namin makita ni hibla ng buhok ni mama.
“Aanhin mo ang cellphone ko?”-sagot niya kaya naman binigyan ko siya ng isang tingin.
“Ipapalamon ko sayong patay gutom ka, syempre makikitawag. Tanga.”-he mocked me after hearing those words from me. But he wasn't surprised at all the way how I answered him, siguro nasanay na.
I dialed my Mom's phone and it only rangs thrice before she answer. Pero hindi pa lang ako makapagsalita ay inunahan na niya ako.
“I'm sorry Wade, but I'm off to your Tito, I'm sorry. Kailangan ko Kasi, it's really urgent, bye— Ahh and take care of Aera please, just this once. Thanks and bye.”
After hearing those lines, she ended up the call, but I can hear her sobs. Don't tell me inaway siya ni Tito George. That cold hearted man, tsk.
“You can now leave!”- usal ko suppressing a force smile.
“Nope! I hear your conversation with Tita. So I must stay and take care of you.”-usal niya pabalik and take he's now already holding a plate. Tss, as if.
Mag-aalas diyes na nang gabi pero wala pa rin ang parents ko, probably because Dad hasn't finished his works yet. At kahit anong pagpapaalis ang gawin ko sa pinsan ko hindi siya umaalis. Hindi naman sa ayaw ko okay, I'm just worried too, what if hinahanap na pala siya sa kanila, ni Nikka? Ako pa ang mapagalitan.
“Alas diyes na ulol, 'di ka talaga uuwi?”
“Bibig mo babae ha, hindi nga ang kulit, and I already called Nikka, makiki-sleep-over ako.”-ngiting aso ang gago. Wala akong magawa kundi ang hayaan siya.
~END OF CHAPTER TWENTY SIX~
VOTES AND COMMENTS WILL BE HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY YOURS
Random"I'M NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND HIS NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT HIS UNEXPECTEDLY MINE. " " YOU'RE NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND I'M NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT I'M UNEXPECTEDLY YOURS. " (ʘᴗʘ✿) A work of fiction. Thank you sa suporta Kung meron m...
