Chapter VIII

3.1K 108 9
                                    



Aera's POV





Wala na yatang ikatatahimik ang buhay ko sa pesting paaralan na'to. Imagine  tatlo laban sa isa, tsk dihado ako, but luckily they are weak. Pero kawawa pa rin ang buhok kong naka ponytail palagi. Kainis.

Mabilis umusad ang oras, at dapit hapon na nang nagsilabasan na kami sa Celestial High. Tahimik akong naglakad sa kanto hawak hawak ang anit ko, bwesit kasi yung mga bobitang yun eh, pasalamat sila at dumating si Wade kung hindi naku baka na comatose na isa sa tatlong aswang na yun, nakuuuuu nang gigigil talaga anit ko sa kanila eh.

I'm about to get my earphones. Kaya lang otomatikong uminit ang anit ko.

“MGA PUNYETA KAYOOOOOOOOOOOO.”

Wala na huhuhu.... My precious earphone Wala na. Nagkalasog lasog na. Bwesit kayong mga kampon Ng animal na Ulupong kayo, pag ako 'di na makapagtimpi kakalbuhin ko yang mga kilay niyo. Pano ba naman kasi halatang ginamitan ng gunting para pagpirapirasuhin. Bwesit.

***

“Oh nangyari sa kilay mo? Dinikitan mo Ng glue? Magkasalubong na magkasalubong oh.”

Wala ako sa mood para tumawa o awayin ka sa ka-corny-han mo Ma. Kaya please lang lubayan niyo muna ako. Walang gana akong umakyat papunta sa kwarto ko, at pabagsak na isinara ang pinto.

“Bwesit kayooooooo, mamamatay headset... Mga pusit talaga kayooooooo. Humanda kayo pagnagkataon at mahuli ko kayo, mga animalllllllll.” — wala kayong paki kung magsisisigaw ako bwesit na bwesit na ako ngayong araw.

“AERA? WHAT HAPPENED? ANONG NANGYARI? HAYACINTH?”

Ay bwesit nag da-drama ako dito eh, nu ba yan. Tinagalog lang yung English na tanong eh. Tss, bukas naman yang pinto.

Gustong gusto kong pumatay ng hayop ngayon may ma e-rerecommend ba kayo. Tss, talagang inuubos nila Ang pasensya ko eh, humanda kayo. Gusto niyong makita si kamatayan eh no.

***

Nagkulong lang ako sa kwarto mula kagabi hanggang ngayon, dinadalhan Lang ako ni Mama ng pagkain kaso 'di ko naman ginagalaw, paki niyo ba eh sa nagluluksa ako para sa headset ko, as I've said kunin niyo na lahat wag lang mga gamit ko para sa pakikinig Ng musika.

“Aera ano bang problema at 'di mo ginagalaw yang pagkain mo?”

“Yung headset ko.”

“Oh bakit?”

“Yung headset ko.”

“Ano nga?”

“Yung headset ko.”

“Bakit nga?”

“Yung headset ko.”

“Isa pang kaka-headset mo, papalamunin Kita Ng headset. Ano 'di ka sasagot Ng maayos?”

“Yung headse— patay na headset ko mama.”

“Panong namatay? Humihinga ba Yun?”

“Maaaaaaaa naman eh, kita niyo Yan oh, Wala na. Patay na.”

“Hayaan mo na bumili ka na lang ng bago.”

“Eh? Tamad akong bumili.”

“Oh edi bahala ka Wala kang headset. Tsk, problema ba yun.”

“Oo aalis na.”— Sabi ko kasabay Ng pagtayo ko at naglakad papunta sa pinto.

“Aalis ka?”—kita mo to nag siya na nga nag suggest. “Nang nakaganyan?”

UNEXPECTEDLY YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon