Lewin's POV
Lunes na at kasalukuyan kaming nasa loob ng auditorium, ang section 4-U at ang Student Councilors. If you're asking what happened after I made my sister cry, wala... Walang nangyari maliban sa binulabog Niya ako the moment na nakahiga ako.
"What the heck!"-usal ko matapos akong daganan ni ate.
She's still crying, literally bursting into tears like there's no tomorrow.
"I'm sorry...*sobs* I'm sorry Pat, that wasn't intentional... *sobs* hindi ko intensyong galitin ka."
Inalo ko siya at umupo, nakaupo na kaming dalawa pero nakatabon pa rin yung kamay niya sa mukha niya.
"A-ate I... I should be t-the one t-to say sorry."-usal ko.
"Hindi... *sobs* a-ako...*sobs* ako d-dapat... I was the one who barged in without your permission... And... And..."
"Finally yah know."- usal ko kaya nasapak niya ako sa mukha, take note masakit. Feeling ko magkakapasa nga eh. Tss.
"Sorry talaga... Dapat kasi nakinig na ako pagkasabi mo pa lang eh..."
"Ate, I don't mind it anymore, 'NORMAL na sakin na pumasok ka sa kwarto ko without my permission', and I'm sorry too, Hindi lang talaga nag f-function yung gana kong gumala."- usal ko emphasizing the word NORMAL. Sana maramdaman niya.
"Sorry na nga di'ba, pasalamat ka di kita sinumbong kay Daddy, lagot ka dapat."-then she stop from crying. Kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"Nye nye... Niknik mo ate, I have my reasons to defend myself. That won't hold accountable for you as the victim, we're both victims here."
"Duhh... Let's stop fighting over to something, nga pala bumalik na pala si Nikka sa Philippines no?"
"What? Really? Bakit 'di sinabi ni Wade?"
Ugh... Knowing that guy too. Tsk.
"As if bago na sayo na Hindi Niya sinasabi. And take note mag o-one month na."
"Aba yung GAG-"
"Hep no profanity please."-now she's back, bumalik sa pagiging mapagmalinis kong kapatid.
At hindi nga ako nagkamali, nagkapasa nga ako sa mukha. Napag kutyawan nga ako ng mga lokoloko tsk, nakabawi din naman ako kay Wade nasapak ko sa balikat, at alam niyo ba kung ano ang sinagot?
"YOU NEVER ASK EITHER."
Nakakabwesit lang.
"Bro, nakikinig ka ba?"- tanong ni Rique. I shook my head as my response, tss. Kanina pa nga ako hikab ng hikab eh. Nakakabwesit ang makulong sa auditorium kasama ang mga kaklaseng walang paki-alam.
Nilibot ko ang mata ko at nakita ang bruhang si Celestre na nakaupo sa kasuloksulokan, madilim sa parte Niya kaya hindi siya nakikita ng karamihan, Wala ding tumatabi sa kanya, at mukhang natutulog ata, aba matibay.
"Hoy... Sino yan?"- tanong sabay siko ni Rique sakin.
"Wala, ano na ba ang pinagsasabi? Kailan ba tayo matatapos dito? Anong oras na ba? Ilang oras na ba tayo sa walang kwentang meeting na 'to?"
"WOAH... Easy pare mahina ang kalaban. Umiiwas ka lang eh, sino ba kasi yan?"
"Wala nga, GAGO, Ang kulit, tss."
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY YOURS
Random"I'M NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND HIS NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT HIS UNEXPECTEDLY MINE. " " YOU'RE NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND I'M NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT I'M UNEXPECTEDLY YOURS. " (ʘᴗʘ✿) A work of fiction. Thank you sa suporta Kung meron m...
