Aera's POV
Sa kagustuhan kong magising ng maaga ito, nagtatakbo na ako sa hagdan muntik pa nga akong masubsub eh.
“Mamaaaaaaaa bakit hindi mo ako ginising Mamaaaaaaaaaaa.”- ok nahawa na ako sa pagiging childish nila.
And as usual naabotan ko na naman silang naghaharutan tss, kainis pag ako na late lagot sakin tong mga to. Time check, 6:45am, BWESIT fifteen minutes na lang hindi ako aabot sa first class, walanjo. Dahil inis na nga ako dumiretso na lang ako sa kusina at dumampot ng slice bread duhhh para may laman na lang muna, sa canteen na lang muna ako mamaya.
“Hatid na Kita anak. ”- sigaw ni Papa
“Wag na Po may trabaho kayo.”
Tinakbo ko na lang sana lang hindi ako mangangamoy araw dahil sa pag takbo ko, lintik Kasi eh.
***
Late na nga ako wala na masyadong estudyante na palaboy laboy sa lawn, Kaya napatakbo na ako ng mas mabilis papunta sa building kung saan ang classroom ko. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso may umagaw ng doorknob, and speaking of the devil siya ang umagaw, inis na inis din siguro dahil late? O inis dahil nakita na naman ako. Pinihit niya yun at pansin ko ang pananahimik ng lahat sa loob Wala din namang teacher sa loob so meaning wala pang teacher sa first class.
“WHAT THE HE—”-isang malapot na mantika, na sinundan ng harina ang bumuhos Kay Arkanghel, Sabi na eh may ginawang kalokohan na naman Yung mga maldita, instead na matawa sila ayun tikom at gulat Ang makikita sa mukha nila, pero Di ko mapigilan eh.
“HAHAHAHAHAHAHAHA— grabe haha–anong sinalihan m-haha-mong parlor game? Hahahah.”
“SHUT UP THIS IS ALL YOUR FAULT.”-back to his sigaw sigaw mode, ako naman taas kilay'ng tinignan siya habang nagpipigil ng tawa.
“Anong sinasabi mong kasalanan ko, aba hoy lalaki, late din ako, kasalanan ko bang inagawan mo ako na bumukas sa pinto.”-sigaw ko pabalik.
Ano na routine na ba 'to, Ang makipagsigawan every morning. Nakakarindi pa naman Ang boses ng lalaking 'to, dinaig pa ako eh.
Nagsilabasan ang mga animal kong classmate, na pinangungunahan ng babaeng maldita na nagmimistulang coloring book ang mukha.“Oh my Gosh, Babe!!!”-sabi Niya sabay umaktong hahawak Kay Arkanghel.
“Shut up will you, nakakarindi ka nang babae ka ha. ”- ayownnnn nasigawan Ang bruha, feeling ko siya Ang may pakana nito eh. Too bad sinalo ni Arkanghel.
“WHAT IS THIS MESS ALL ABOUT.”
Lahat nagsiyukuan maliban sakin at kay Arkanghel.
“EXPLAIN, WHO STARTED THIS!”-sa tuno ng boses niya kinatatakutan talaga siya. Not me, not even Arkanghel. Tss. Pero Ang mga animal ako ang tinuro.
“TO MY OFFICE, BOTH OF YOU. ”-utos niya Wala din naman akong magawa kundi ang sumunod, na'sakin pa nga ang bag ko eh, lalo na si Arkanghel.
“MR. ARKANHEL ANO NA NAMAN ANG GINAWA MO.”
Good job Sir, Hindi naman kasi talaga ako Ang may kasalanan, tss.
“Ako? Ako na naman, ako na nga ang biktima, tapos ako pa din ang may gawa. Ibang klase.”
“AND YOU MISS–”
“Celestre Po.”
“EXPLAIN YOUR SIDE.”
“Naku Sir hindi Po ako Ang may gawa niyan.”
“YOU'RE SUPPOSED TO BE ON YOUR FIRST CLASS, ANO NA NAMAN BA ANG GINAGAWA NIYO.”

BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY YOURS
Aléatoire"I'M NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND HIS NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT HIS UNEXPECTEDLY MINE. " " YOU'RE NOT ALWAYS THE GOOD GIRL, AND I'M NOT ALWAYS THE BAD BOY, BUT I'M UNEXPECTEDLY YOURS. " (ʘᴗʘ✿) A work of fiction. Thank you sa suporta Kung meron m...