Chapter 13

162 6 0
                                    

Kumalas na sa pagkakayakap si Glaiza.

Marx: May kapalit pala yan.

Glaiza: Huh? Sabi ko na nga ba may kapalit to eh.Wag na nga lang. Isasauli ko na to sayo.

Marx: Hey, hindi naman mahirap yung ipapagawa ko sayo eh.

Glaiza: Ano ba yan?

Marx: Pwede mo rin ba akong kantahan before I go to sleep? Kung okay lang naman sayo pero kung hindi -----------------

Glaiza: Mag-ama nga kayo. Sige na, matulog ka na. Kakantahan na kita.

Humiga na si Marx.

Glaiza: Okay na? Pwede na kong kumanta?

Marx: Yes.

Glaiza: ~ Noon parang kailan lang

Ika'y dumating sa 'king buhay

Di malimutan nang ako ay 'yong nginitian ~

Marx; Wait, nginitian ba kita nung first meeting natin? Parang hindi naman eh.

Biglang binatukan ni Glaiza si Marx.

Marx: Ouch! Ang sakit nun ah.

Glaiza: Tumahimik ka kasi. It doesn't mean na dahil kinakanta ko 'to sayo, dedicated na sayo ang kanta.

Marx: Bakit? Para kanino ba yung kanta?

Glaiza: Basta.

Bumangon si Marx.

Marx: Para kanino nga?

Glaiza: Bakit ba interesado kang malaman?

Marx: Malay ko ba kung kaninong lalaki yan dedicated ang kanta mo tapos kinakanta mo sa kin?

Glaiza: Importante pa ba yun? Ang mahalaga kinakantahan kita.

Marx: Ewan ko sayo.

Tumalikod sa kanya si Marx at humuiga na ito.

Marx: Kung para sa iba 'yang kanta mo, wag na lang. Matutulog na lang ako.

Tinusok ni Glaiza ang tagiliran ni Marx.

Marx: Glaiza, stop it. Matutulog na ko.

Glaiza: Galit ka eh.

Hindi sumagot si Marx.

Glaiza: Hindi naman dedicated para sa iba 'yung kanta eh. Sariling choice ko yun, okay?

Hindi pa rin sumasagot si Marx. Lumibot sya para tingnan si Marx pero nakapikit na ito. Umupo sya sa sahig at lumapit kay Marx.

Glaiza: ~ Unti-unting nagbago

Naging makulay ang aking mundo

Kung may pagsubok man

Kakayanin ng dahil sayo ~

Marahan nyang hinawakan ang pisngi nito.

Glaiza: ~ Paano mo nalamang kailangan ko ay ikaw

Hanap ng puso ko ay ikaw

Pangarap ng buhay ko ay ikaw

Nang dahil sayo

Natuto ang puso kong magmahal

Napawi ang aking lungkot at lumbay

Paano ba sasabihin ito?

Ngayon lang lang ako nakadama ng ganito

Ikaw at ikaw lang ang mahal ko ~

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now