Chapter 23

144 5 0
                                    

( Samantala )

Nagluluto ng dinner si Marx para sa kanila nang maisipan nyang tawagan si Glaiza.

Marx: Hmm.................. baka naka-off ang cellphone nya.

Tinry nya ulit tawagan pero ganun pa rin. Binulsa na lang nya ulit ang cellphone nya.

Marx: Mamaya ko na lang siguro sya ulit tatawagan. Sa'n kaya yun nagpunta? Kaninang tanghali pa yun umalis eh. Hanggang ngayon di pa nakakabalik.

Nag-focus na lang ulit sa pagluluto si Marx.

( Samantala )

Palakad-lakad lang si Glaiza hanggang sa makarating sya sa isang park. Naupo sya sa isang bench. Napabuntong-hininga sya. Kinuha nya ang phone nya at chineck ang oras.

Glaiza: 6:30 na pala.

Tiningnan nya ang mga pictures nila na magkasama sila nina Marx at Mraz. Napangiti sya habang tinitingnan nya ang mga pictures hanggang sa unti-unti syang napaiyak. Hinaplos nya ang screen ng phone nya habang nakatingin sya sa picture nila. Maya maya, nag-ring ang phone nya. Si Marx ang tumatawag. Tumikhim muna sya bago nya sinagot ang tawag.

Glaiza: Hello..............
Marx: Glaiza, sa'n ka na? Nagluto na ko ng dinner dito.
Glaiza: Mmm...................... uuwi rin ako.
Marx; What time?
Mraz: Dad, can I talk to Mom?
Marx: Kausapin ka raw ni Mraz.
Glaiza: Okay.

Binigay ni Marx ang phone kay Mraz.

Mraz: Hello, Mom?
Glaiza: ( Anak ko.................. )

Tahimik na umiiyak si Glaiza.

Mraz: Mom.............
Glaiza: Ye-yes?
Mraz: Mom, Dad cooked for us. What time ka po uuwi?
Glaiza: Uhm..................... baka kasi hindi muna makauwi si Mom ngayon Mraz. Marami pa kasing iniisip si Mom eh.
Mraz: Can I help you think Mom para makauwi ka na po?

Napangiti na lang si Glaiza sa sinabi ng anak nya.

Marx: Bakit, Mraz? Hindi ba uuwi ang Mom mo?
Mraz: Yun po sabi ni Mom eh.
Marx: Let me talk to your Mom.

Binigay ni Mraz ang phone kay Marx.

Marx: Glaiza, ano 'tong sinasabi ni Mraz na hindi ka raw uuwi?
Glaiza: Ano........................ kina Sanya muna ako matutulog. Inaya nila akong mag-sleepover sa kanila eh. Is that okay with you?
Marx: If that's what you want. Sayang naman 'tong niluto ko, hindi mo matitikman.
Glaiza: Bakit? Masarap ba yan?
Marx: Of course. Ipapatikim ko nga sana sayo eh.

Naglalagay na ng toyo si Marx sa niluluto nya.

Glaiza: Ganun ba? Parang mas gusto kitang tikman kasi feeling ko mas masarap ka.

Nasobrahan ng buhos ni Marx ng toyo ang niluluto nya dahil sa sinabi ni Glaiza.

Marx: Glaiza!
Glaiza: What?

Pigil na natatawa si Glaiza.

Marx: Lagot ka sa 'kin kapag bumalik ka dito.
Glaiza: Hindi na lang pala ako babalik dyan.
Marx: Ipapahanap pa rin kita.
Glaiza: Magtatago ako para hindi mo ko mahanap.
Marx: Gagamitin ko lahat ng koneksyon meron ako, mahanap lang kita.

Napangiti si Glaiza sa sinabi ni Marx.

Glaiza: Ipapahanap mo talaga ako maparusahan lang ako?
Marx: No. Kasi hindi ka pwedeng mawala sa min ni Mraz. And you promise na hindi mo kami iiwan diba?

Napahikbi si Glaiza.

Marx: Are you crying?
Glaiza: No. Of course not.
Marx: Are you sure?
Glaiza: Yeah.

( Silence )

Glaiza: Pwedeng pakibigay kay Mraz ang phone sandali lang?
Marx: Okay.

Binigay ni Marx ang phone kay Mraz.

Mraz: Mom?
Glaiza: I love you, Mraz.
Mraz: I love you, Mom.
Glaiza: Pakibigay na ulit sa Dad mo ang phone.
Mraz: Okay, Mom.

Binalik ulit ni Mraz ang phone kay Marx.

Marx: Glai-------------
Glaiza: Mahal kita.

Hindi nakasagot si Marx.

Glaiza: Ay grabe walang reply.
Marx: Mahal din kita.
Glaiza: Weh? Talaga?
Marx: Parang ang kulit mo ngayon. Anong nakain mo?
Glaiza: Wala. Sige na. Bye na.
Marx: Bye. I love you.
Glaiza: I love you too.

Pinatay na ni Glaiza ang tawag. Tiningnan nya ulit ang picture ng mag-ama nya.

Glaiza: Sorry kung pinaghintay ko kayo pero thankful pa rin ako kasi tinanggap nyo pa rin ako after nung lahat ng mga nangyari.

Hinalikan nya ang screen ng phone nya.

Glaiza: Mahal na mahal ko kayo kahit hindi ko kayo maalala.

( Kinabukasan )

Tumawag agad si Marx kay Glaiza pero hindi nya ito ma-contact.

Marx: Naka-off na naman ang phone nya.

Si Sanya na lang ang tinawagan ni Marx.

Marx: Good morning, Sanya.
Sanya: Anong maganda sa umaga?
Marx: I just wanna talk to Glaiza.
Sanya: Tapos? Wala naman dito si Glaiza ah. Ba't sa kin mo hinahanap?
Marx: Pero sabi nya kasi inaya mo raw syang mag-sleepover sa inyo eh.
Sanya: What? Wala akong sinasabing ganyan sa kanya. Wait................. don't tell me, nag-away kayo kaya hindi sya umuwi sa inyo noh?
Marx: Of course not.

Pinatay na ni Marx ang tawag. Tinry nya ulit tawagan si Glaiza pero wala pa rin.

Marx: Nasa'n ba yung babaeng yun?

( Samantala )

Nakaupo si Glaiza sa buhangin habang nakatingin sa karagatan. Nag-decide syang matulog muna sa isang hotel malapit sa dagat para makapag-isip isip. Kinuha nya ulit ang phone nya. Naka-off lang ito buong magdamag dahil alam nyang tatawagan lang sya nito buong magdamag kapag nalaman nitong nagsinungaling sya tungkol dun sa sleepover na sinabi nya. In-on nya ang phone and as expected, tinambakan sya ng text ni Marx. Agad syang na-guilty dahil alam nyang nag-aalala na sa kanya si Marx. Agad nya itong tinawagan.

Glaiza: Mar------------------------
Marx: Buti naman at naisipan mong tumawag.
Glaiza: ( Patay! )
Marx: Nasa'n ka at kakaladkarin kita pauwi?
Glaiza: Grabe ka naman.
Marx: Ako pa ngayon ang grabe, huh? Nagsinungaling ka sa 'kin. Tinatawagan kita pero nakapatay ang phone mo. Sobra mo kong pinag-alala so what do you expect? Magpaparty ako?
Glaiza: ( Party................. )

Biglang natampal ni Glaiza ang noo nya.

Glaiza: ( Shocks! Birthday na pala nya bukas. Wala pa kong nabibiling gift for him. ) Sorry.................
Marx: If you're really sorry, umuwi ka na saka ka mag-sorry.

Pinatay na ni Marx ang tawag. Napabuntong-hininga na lang si Glaiza.

( Kinagabihan )

Mraz: Mom!

Agad niyakap ni Mraz si Glaiza.

Mraz: Buti nakauwi ka na po, Mom. Are you done thinking po?
Glaiza: Oo. Hug mo nga ulit si Mom. Namiss kita eh.

Niyakap ulit ni Mraz si Glaiza at gumanti naman ng yakap si Glaiza.

Glaiza: Namiss ka ni Mom.
Mraz: Miss din po kita, Mom.
Glaiza: Ang sweet talaga ng anak ko.

Napatingin si Mraz kay Glaiza.

Mraz: Did you just call me, "anak", Mom?

Hinawakan ni Glaiza ang mukha ni Mraz.

Glaiza: Yes. Kasi Mom mo ko diba? So it means anak kita diba? Why? Ayaw mo bang tawagin ka ni Mom na anak?

Nginitian sya ni Mraz.

Mraz: Gusto po.

Niyakap ulit sya ni Mraz.

Mraz: I love you, Mom.
Glaiza: Mahal na mahal din kita.

Napaiyak na lang si Glaiza habang yakap nya si Mraz. Tiningnan sya ng anak nya.

Mraz: Mom, why are you crying?

Pinahid agad ni Glaiza ang mga luha nya.

Glaiza: Namiss lang kita. Come, let's go to your room. Kailangan mo ng matulog.
Mraz: Okay, Mom.

( After that )

Dahan-dahan na binuksan ni Glaiza ang pinto ng kwarto nila ni Marx. Nakita nya si Marx na nakatayo sa may terrace ng kwarto nila habang nakatingin sa kalangitan. Unti-unti syang lumapit dito at niyakap nya ito mula sa likod.

Glaiza: I'm sorry.

Marahang tinanggal ni Marx ang mga kamay ni Glaiza na nakapalibot sa katawan nya at naglakad sya papunta sa kama nila. Humiga na ito ng nakatalikod sa kanya.

Glaiza: Wag ka ng magalit. Sorry na.

Nagtalukbong ng kumot si Marx. Sumunod si Glaiza sa kama at pinilit nyang tanggalin ang kumot na nakatakip dito.

Glaiza: Sorry na.
Marx: Don't disturb me. Natutulog ako.
Glaiza: Sorry na nga eh. Ano pa bang gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa kin?

Hindi sumagot si Marx.

Glaiza: Fine. Kung galit ka talaga, dun na lang ako kay Mraz tatabi matulog. Buti pa si Mraz namiss ako tapos niyakap pa ko pag-uwi ko samantalang ikaw, ikaw na nga 'tong nilalambing ko, galit ka pa rin. Matulog ka dyan mag-isa.

Aalis na sana si Glaiza pero agad syang niyakap ni Marx at hiniga sa tabi nito. Humarap si Glaiza kay Marx. Nakapikit ang mga mata nito.

Glaiza: Marx................
Marx: Ssh........... let's sleep.
Glaiza: Galit ka pa rin ba?

Tiningnan sya ni Marx.

Marx: Hindi na basta wag mo na ulit uulitin yun, okay? Ayoko lang isipin na baka.................... na baka iniwan mo na kami.

Nakikita ni Glaiza ang pangamba sa mga mata ni Marx.

Glaiza: ( Dahil sa nangyari, natatakot na syang baka iwan ko sila ulit. )

Hinawakan ni Glaiza ang pisngi ni Marx at hinalikan nya ito sa labi. Tiningnan nya ito sa mga mata nito.

Glaiza: Hindi ko kayo iiwan, okay?

Niyakap ng mahigpit ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Dito lang ako.

Niyakap din sya pabalik ni Marx.

( Kinabukasan )

Narinig ni Marx na parang may kumakanta sa may tenga nya.

Glaiza: ~ Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you ~

Unti-unting binuksan ni Marx ang mga mata nya at napatingin sya kay Glaiza na may hawak na cake.

Glaiza: Good morning and happy birthday, Marx.

Hinalikan ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Bumangon ka na.

Unti-unti ng bumangon si Marx.

Mraz: Happy birthday, Dad.
Marx: Thank you.
Glaiza: Make a wish and after--------------

Hindi pa tapos sa pagsasalita si Glaiza nang biglang i-blow ni Marx ang candle.

Glaiza: Marx! You're not making any wish yet.
Marx: I don't have to wish anything. Ikaw at si Mraz lang, sapat na.

Napangiti na lang si Glaiza.

Glaiza: Okay. Sige, maligo ka na. May pupuntahan pa tayo.
Marx: Where?
Glaiza: Basta. Leave it to me, okay?

Sumunod na lang si Marx sa sinasabi ni Glaiza.




( To Be Continued )

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now