( Kinagabihan )
Mraz: Dad, where's Mom?
Lumapit si Mraz sa kanya.
Marx: May pinuntahan lang si Mom mo, okay?
Mraz: Kailan po sya babalik?
Marx: Di ako sure eh pero willing ka bang maghintay?
Mraz: Bakit po? Matatagalan po ba si Mom bago po sya makabalik?
Marx: Di pa ko sure eh.
Mraz: Dad, bakit po malungkot kayo? Namimiss nyo na po ba si Mom?
May tumulong luha sa mata ni Marx.
Marx: Malungkot si Dad kasi wala syang katabi matulog ngayong gabi eh. Pwede mo ba tabihan si Dad matulog ngayong gabi?
Mraz: Sure, Dad.
Niyakap ni Marx ang anak nya at hinalikan nya ito sa noo.
Marx: I love you, Mraz.
Mraz: I love you too, Dad.
( Samantala )
Glaiza: Okay lang ba talaga na dito ako sa inyo, Gabbi? Ayoko pa namang makaabala sayo.
Gabbi: Oo naman tsaka hindi ka abala noh. Magsabi ka lang kung anong kailangan mo huh?
Glaiza: Thank you.
Niyakap ni Glaiza si Gabbi.
Gabbi: Kung ano man yang problema mo, pag-usapan natin yan bukas huh? Papupuntahin ko bukas dito si Sanya.
Glaiza: Naku, baka mag-overreact na naman yun.
Gabbi: May bago ba? Alam mo namang mas OA pa yun sa OA eh.
Natawa na lang silang dalawa.
Gabbi: Sige, maiwan na muna kita dito huh?
Glaiza: Thank you ulit.
Napabuntong-hininga na lang si Glaiza.
( Kinabukasan )
Sanya: Ano?!
Glaiza: Sabi ko na nga ba eh.
Gabbi: Pwedeng kumalma ka? Natatakot na pati maids namin sayo eh.
Sanya: Glaiza, I'm telling you. Hiwalayan mo na yang asawa mo. You don't deserve him.
Gabbi: Hiwalay agad? Diba pwedeng mag-usap muna sila? Baka naman pwede pang maayos diba?
Sanya: No! After what he did? Hindi na. Right, Glaiza?
Hindi nakasagot si Glaiza. Bigla na lang silang maynarinig na nag-doorbell. Pagbukas ni Gabbi ng pinto, nakita nya si Rocco sa may gate nila.
Gabbi: Sanya, nandito si Rocco.
Sanya: At may lakas pa talaga sya ng loob na pumunta dito huh?
Gabbi: Anong gagawin natin?
Sanya: Let me handle this.
Nilabas ni Sanya si Rocco, sumunod naman sina Gabbi at Glaiza sa kanya. Binuksan ni Sanya ang gate.
Rocco: Sanya..........
Agad sinukmuraan ni Sanya si Rocco.
Gabbi: Sanya!
Napahawak si Rocco sa tiyan nya.
Sanya: Ano? Pwede ka na bang umalis?
Rocco: Ano bang problema mo? Gusto ko lang naman kausapin si Glaiza eh.
Sanya: For what? Para maloko nyo na naman ang kaibigan namin, ganun ba?
Tiningnan ni Rocco si Glaiza.
Rocco: Glaiza, kausapin mo naman si Marx. Hayaan mo syang magpaliwanag.
Glaiza: Bakit? May kailangan ba kaming pag-usapan?
Rocco: Glaiza.........
Sanya: And for your information, makikipaghiwalay na si Glaiza kay Marx and make sure na makakarating yan sa kaibigan mo huh?
Rocco: What?
Sanya: Makakaalis ka na.
Rocco: Dahil lang dun sa nalaman mo, hihiwalayan mo na agad sya? You don't even know the whole story.
Glaiza: May kailangan pa ba kong malaman?
Rocco: Pa'no mo malalaman kung hindi mo kakausapin si Marx?
Sanya: Hindi na nga eh. Her decision is final.
Napabuntong-hininga na lang si Rocco.
Rocco: Wala na kong magagawa kung yun na talaga ang pasya mo. Sana lang wag mong pagsisihan once na nalaman mo na yung totoo. I'm leaving.
Umalis na si Rocco.
Gabbi: Ano kayang ibig sabihin ni Rocco dun sa sinabi nya?
Sanya: Wag nyo na yung intindihin. Pumasok na tayo sa loob.
( Kinagabihan )
Biglang nag-ring ang cellphone ni Glaiza. Pag-check nya si Marx ang tumatawag.
Glaiza: Ikaw na naman? Kanina pa to ah. Ano bang hindi nya maintindihan sa kailangan ko ng space huh?
Sinagot nya ang tawag.
Glaiza: Marx, ano ba?! Ayaw kitang kausapin ngayon, okay?
Walang sumagot.
Glaiza: Hello?
May narinig si Glaiza na humihikbi sa kabilang linya.
Glaiza: Marx?
Mraz: Mom, we miss you.
Glaiza: Mraz?
Mraz: Mom, are you mad?
Glaiza: No. Of course not. ( Yan kasi, Glaiza. Pati tuloy ang bata. )
Mraz: Mom, kailan po kayo uuwi? Miss ka na po namin ni Dad eh.
Glaiza: ( Baka ikaw lang. Ewan ko dyan sa Dad mo. )
Mraz: Mom, can you come home tonight?
Glaiza: Miss na miss mo na ba si Mom?
Mraz: Yes, Mom. And Dad too. Actually, Dad is drinking in his room po.
Glaiza: Naglalasing ang Dad mo?
Mraz: Yes po. So Mom.................. pwede na po ba kayong umuwi?
Napaisip si Glaiza.
Mraz: Mom...........
Glaiza: Wait for me, okay?
Mraz: Thank you, Mom. I love you.
Glaiza: I love you too.
Binaba na ni Mraz ang tawag. Maya maya, pumasok si Gabbi sa kwarto ni Glaiza.
Gabbi: Glai, sa'n ka pupunta?
Glaiza: Ano............ pupuntahan ko si Mraz.
Gabbi: Pero gabi na, Glaiza. Baka pwedeng bukas na lang.
Glaiza: Hindi ko pwedeng biguin yung bata, Gabbi. Kailangan nya ko.
Gabbi: Sobrang lapit mo talaga dun sa bata noh? Pero sigurado ka bang dahil lang talaga yan kay Mraz? Or baka gusto mo rin makita si Marx?
Natigilan is Glaiza.
Gabbi: Mahal mo pa rin sya sa kabila ng nalaman mo?
Glaiza: I wanna hate him but I can't.
Nilingon ni Glaiza si Gabbi.
Glaiza: Masyado kasing bobo ang puso ko eh. Hindi marunong mamili ng taong mamahalin.
Nilapitan ni Gabbi si Glaiza at niyakap nya ito.
Gabbi: Baka kailangang mag-usap kayo. Para at least maliwanagan ka naman diba?
Glaiza: I will.
( After that )
Pagdating ni Glaiza sa bahay , agad syang sinalubong ng yakap ni Mraz.
Mraz: I miss you so much, Mom.
Glaiza: I miss you too.
Mraz: Akala ko po iniwan nyo na naman po kami eh.
Glaiza: Diba dapat natutulog ka na ngayon? Gabing gabi na eh.
Mraz: Hinihintay po kais kita, Mom. Pwede po bang kantahan nyo po uli ako bago po matulog?
Nginitian ni Glaiza si Mraz.
Glaiza: Oo naman. Come, let's go to your room.
Pumasok na sila sa kwarto ni Mraz at pinatulog muna nya ang bata bago nya pinuntahan si Marx. Pagpasok nya sa kwarto, nakita nya si Marx na nakaupo sa sahig habang may hawak na bote ng alak. May nagkalat din na mga picture sa tabi nito. Nilapitan ni Glaiza si Marx. Agad namang napalingon sa kanya si Marx.
Marx: Glaiza?
Glaiza: Ako nga. So................... what's this? Ba't naglalasing ka? Ikaw pa talaga ang may ganang maglasing?
Marx: If wala ka ng ibang sasabihin, pwede ka ng lumabas.
Tinungga ulit ni Marx ang bote. Umupo rin si Glaiza at tinabihan nya si Marx. May pinulot na isang picture si Glaiza.
Glaiza: ( Wait, is this me ? )
Ang nasa picture ay siya habang nakasuot ng itim ng gown.
Marx: Naaalala mo ba yan?
Nilingon ni Glaiza si Marx.
Marx: That's the day we first met. Isa ako sa service crew sa dinaluhan mong party.
Glaiza: ( Oh............. he's referring to Mraz's mom pala. )
Napatingin ulit si Glaiza sa litrato.
Glaiza: ( Magkamukhang-magkamukha nga kami. Kaya naman pala napagkamalan ako ni Mraz bilang mama nya eh. )
Marx: Natapunan pa nga kita ng wine that time eh and I thought sasamplain mo ko or mumurahin dahil sa katangahan ko.
Nakinig lang si Glaiza sa sinasabi ni Marx.
Marx: But you didn't. Ang bait-bait mo eh. Ibang-iba ka sa ibang mayayaman na nakilala ko.
Napatingin si Glaiza sa ibang picture na nakakalat sa paligid.
Glaiza: Ang dami mo namang pictures nya pero I think yung iba dito stolen.
Marx: Gustong-gusto ko kasi syang kuhanan eh. Bawat pagngiti, pagsimangot, pagpapacute nya............ gusto kong ulit-ulitin tingnan.
Glaiza: Pero bakit naman to nagkalat dito? Namimiss mo sya?
Tumango si Marx.
Marx: Yan muna ang tinitingnan ko habang wala ka pa. I thought hindi ka na babalik eh especially after what Rocco told me.
Glaiza: Anong sinabi nya?
Marx: About your decision.
Tiningnan sya ni Marx.
Marx: Is it true? Makikipaghiwalay ka na ba sa kin?
Nakita ni Glaiza ang lungkot sa mga mata nito.
Glaiza: Yun ba ang gusto mo?
Marx: Yun ang gusto mo.
Glaiza: I'm asking you what you want.
Marx: May magbabago ba kung sasabihin ko kung anong gusto ko?
Glaiza: Maybe.,...............
Nilapag ni Marx ang hawak nyang bote sa sahig at hinawakan nya ang pisngi ni Glaiza.
Marx: I want you to stay with us.
May tumulong luha sa mata ni Marx.
Glaiza: Marx..........
Marx: Please stay with us.
Hinawakan ni Glaiza ang kamay ni Marx na nasa pisngi nya.
Glaiza: Then can you give me just one reason kung bakit kailangan kong mag-stay?
Marx: Mraz needs you.
Glaiza: There's something else I wanna hear from you.
Marx: May iba pa ba?
Glaiza: Maybe I'm expecting na maaaring sumagot ka na dahil mahal mo na ko diba? Kasi after what you did to my father, na-realize ko na mahal pa rin kita. Ang tanga ko lang diba? And umaasa ako na mamahalin mo rin ako pabalik.
Tinanggal na ni Marx ang kamay nya sa pisngi ni Glaiza.
Marx: That will never happen.
Agad nalungkot si Glaiza.
Marx: Kasi hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo eh after so many years.
Napatingin si Glaiza kay Marx.
Marx: Akala ko galit na lang nararamdaman ko sayo pero hindi pala. Nung iniwan mo kami ni Mraz, sobrang sakit nun and now, iiwan mo kami ulit? Dapat sanay na ko na iniiwan mo kami eh pero hindi pa rin pala. And I think hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa min, Glaiza. Hindi ko kaya.
Umiiyak na si Marx. Hinawakan ni Glaiza ang magkabilang pisngi ni Marx at pinahid nya ang mga luha nito.
Glaiza: Sshh................ if iniwan nya kayo dati, hindi ko kayo iiwan ni Mraz. Nandito lang ako as long as you need me, okay?
Hinawakan ni Marx ang dalawang kamay ni Glaiza.
Marx: Promise?
Glaiza: ( Ang cute naman pala nito pag nalalasing eh. Yun nga lang, naghahalo halo na ang story nya. Iniisip nya na ang kausap nya ang nanay ni Mraz. ) Promise.
Niyakap ni Marx si Glaiza. Maya maya, napansin ni Glaiza na hindi na gumagalaw si Marx. pagtingin nya, nakatulog na ito. Dahan dahan nya itong inalalayan papunta sa kama at hiniga nya ito doon. Pinulot nya lahat ng pictures na nakakalat at tinago sa drawer. Pagtingin nya kay Marx, may nakita pa syang isang picture na nasa malapit sa unan nito. Kinuha nya ito at tiningnan.
Glaiza: Stolen na naman.
Ang nasa picture ay ang ina ni Mraz na nasa palengke habang umiinom ng tubig pero maya maya, may biglang napansin si Glaiza. Napatingin sya sa wrist nya at sa wrist ng babae.
Glaiza: ( Bakit............ bakit pareho kami ng tattoo sa wrist? Anong ibig sabihin nito? )
( To Be Continued )