Chapter 2

304 9 8
                                    

( Kinagabihan )

Marx: Rose, pakitawag nga si Mraz. Sabihin mo ready na ang dinner.
Rose: Kanina ko pa po tinatawag Sir eh kaya lang po ayaw lumabas. Di daw po sya nagugutom.
Marx: Pupuntahan ko na lang sya.

Pinuntahan ni Marx ang kanyang anak sa kwarto nito. Nakita nya itong nilalaro ang laruan na binigay ni Glaiza sa kanya.

Marx: Ba't yan ang nilalaro mo? Madami ka namang toys ah? Mas mahal pa dyan at yung iba hindi mo pa nabubuksan.

Tiningnan lang sya ni Mraz at binalik ulit ang atensyon sa paglalaro. Umupo sya sa harap ng anak nya.

Marx: Are you mad at me?
Mraz: A little.
Marx: ( Sinasabi ko na nga ba. ) Why?
Mraz: You know what I mean, Dad.

Tiningnan sya ng anak nya.

Mraz: Why do you have to treat her that way, Dad? Ayaw nyo po bang bumalik sa 'tin si Mom?

Hinaplos ni Marx ang buhok ng anak nya.

Marx: Miss na miss mo na talaga ang Mom mo?
Mraz: I miss her so much.

Narinig nya ang paghikbi nito.

Mraz: I wanna be with her, Dad.

Niyakap nya ang anak nya.

Marx: Sshh.......... don't cry.

Pinahid nya ang luha ng anak nya.

Marx: Hindi ka dapat malungkot. Malapit na ang birthday mo diba? Yun na lang ang paghandaan natin , okay?

Tumango-tango naman si Mraz.

Marx: Ano bang wish mo para sa birthday mo?
Mraz: Yun pa rin po. Yung lagi ko pong winiwish lagi sa birthday ko po.
Marx: Now that you say it, ano nga pala ang lagi mong winiwish tuwing birthday mo? Hindi mo naman kasi sinasabi sa 'kin yung wish mo tuwing birthday mo eh.
Mraz: Are you willing to fulfill my wish, Dad?
Marx: Of course. Anything basta para sayo. Kahit gaano pa yan kahirap gagawin ko para maging masaya ka lang. Why? Ano bang wish mo?
Mraz: I want Mom to be with us. Gusto ko pong mabuo na po ang family natin, Dad.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Marx.

Mraz: Why, Dad? Can't you grant my wish?
Marx: Uhm........ medyo malabo kasi 'yang hinihingi mo sa 'kin, Mraz. I never thought na yan ang hinihiling mo tuwing birthday mo. I thought okay lang sayo na tayong dalawa lang.
Mraz: But it's better if kasama po natin si Mom. Diba mas happy po tayo pag kasama natin sya? Like nung bata pa po ako? Like the one in your picture?
Marx: By the way, pa'no mo nakita ang picture na yun?
Mraz: May time po kasi na naiwan nyo pong bukas ang wallet nyo and then I saw that picture. Hindi nyo po ba nami-miss na buo po ang family natin, Dad? Bakit po ba tayo iniwan ni Mom?
Marx: Pwede bang next time na lang natin 'to pag-usapan, Mraz?

Tumango na lang si Mraz.

Marx: But don't worry. Dad will find a way para matupad ang wish mo, okay?

Agad syang niyakap ng anak nya.

Mraz: Thank you, Dad. It would be the best day of my life.
Marx: Anything for you, my son. Ikaw na lang ang meron ako, you know that.
Mraz: And Mom also.

Nginitian na lang nya ang anak nya.

Marx: Come, let's eat. Baka lumamig na yung pagkain natin dun.
Mraz: Okay, Dad.

( Samantala )

Sanya: Glaiza, kanina ka pa tahimik dyan ah? About pa rin ba 'to sa problema mo sa paghahanap ng trabaho?
Glaiza: Ah, oo nga pala. Wala pa 'kong nahahanap na trabaho.
Sanya: Ano bang iniisip mo?
Glaiza: Naalala ko lang 'yung bata kanina.
Gabbi: Ahh........... yung kinuwento mo sa min kanina? Bakit mo naman yun iniisip?
Glaiza: Naaawa lang ako sa bata. It seems like miss na miss na talaga nya ang Mom nya. I can feel it. The way he hugged me.
Sanya: And ang sabi mo pa nga napagkamalan ka pang nanay nya. Ganun ka na ba katanda para mapagkamalan kang nanay huh?

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now