Chapter 3

260 7 1
                                    

Glaiza: A-anong sabi mo?
Marx: Are you deaf? I'm sure narinig mo ang sinabi ko.

Tinulak ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Gusto mong pakasalan kita?!
Marx: Just for my son. Hindi mo kailangang mag-react ng ganyan. As if gustong-gusto kong magpakasal sayo.
Glaiza: Well, para lang sa kaalaman mo, hindi po biro ang pagpapakasal. Kung makapag-offer ka naman sa 'kin ng kasal parang kung ano lang ang ino-offer mo, ah. And kung hindi mo rin alam, may boyfriend na ko at-------------------------
Marx: Wala akong pakialam kung may boyfriend ka. All you have to do is to accept my offer. Ganun lang kadali. Hindi mo na kailangan pang magpakahirap sa paghahanap ng trabaho para lang magkapera.
Glaiza: Well, sorry to disappoint you pero hindi naman ako ganun kadesperada para magpakasal sa isang lalaki na hindi ko naman kilala. Maiwan na kita.

Naglakad na paalis si Glaiza.

Marx: Really, Glaiza?! Tumatanggi ka sa pera? Mukha ka namang pera diba?!

Natigil sa paglalakad si Glaiza at nilingon si Marx. Binalikan nya ito.

Glaiza: Anong sabi mo?
Marx: Mukha kang pera!

Bigla syang sinampal ni Glaiza.

Glaiza: For your information, kung mukha akong pera dapat sinunggaban ko na yung offer mo but I didn't. Gaano ba kababaw ang tingin mo sa pagkatao ko, huh? Do you really think na kaya mo kong bilhin huh?
Marx: Bakit? Hindi ka ba nabibili?

Sinampal ulit sya nito sa kabilang pisngi.

Glaiza: Ang taas-taas naman ng tingin mo sa sarili mo. Bakit? Dahil mayaman ka? Dahil marami kang pera? Kahit kailan, hinding-hindi mo ko mabibili. Tatay ka ba talaga ni Mraz? Ang malas naman nya sayo at ikaw pa ang naging ama nya.

Magwo-walkout na sana si Glaiza pero bigla syang hinawakan ng mahigpit ni Marx sa braso.

Marx: Anong sinabi mo?
Glaiza: Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!
Marx: Malas ang anak ko at ako ang naging ama nya?
Glaiza: Marx, nasasaktan ako! Ano ba?!

Binitiwan naman sya ni Marx. Napahawak na lang si Glaiza sa braso nya.

Marx: Wala kang karapatan para pagsalitaan ako nang ganyan dahil wala kang alam. Wala kang alam sa hirap na dinanas ko, mabuhay ko lang ang anak ko. Dahil yung nanay nya, basta-basta na lang kaming iniwan sa ere. And for what? Para lang ipagpalit kami sa ibang lalaki? Bakit? Dahil hindi ko maibigay yung buhay na nakasanayan nya?

Kitang-kita ni Glaiza ang galit at sakit sa mga mata ni Marx.

Marx: Anong klase syang ina? Sarili nya lang ang iniisip nya. Habang sya ay nagpapakasarap sa buhay nya, kami ng anak nya ay naghihirap.
Glaiza: ( no comment )
Marx: So tell me......................... malas ba si Mraz dahil ako ang naging ama nya? Ako na lang ang meron sya nung mga panahong yun.

Napaiwas ng tingin si Marx nang may tumulong luha sa mata nya na agad din nyang pinahid.

Glaiza: I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam eh.
Marx: That's what I'm talking about. Masyado kang judgemental.
Glaiza: You judged me first.
Marx: Hindi kita hinusgahan. Totoo ang sinabi ko.
Glaiza: You know what? Parang napapansin ko na ang init ng dugo mo sa 'kin. Inaano ba kita huh?
Marx: Masyado kang ma-pride. Ako na nga 'tong nag-o-offer ng tulong sayo, ayaw mo pa.
Glaiza: Well, let me tell you this.

Unti-unting nilapitan ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Hindi darating ang panahon na kakailanganin ko ang tulong mo. Makakahanap ako ng trabaho, remember that.

Tinalikuran na ni Glaiza si Marx pero bigla syang natalisod dahilan para matumba sya. Agad din naman syang tumayo dahil alam nyang nakatingin lang sa kanya si Marx. Nang lingunin nya si Marx, nakita nyang nagpipigil lang ito ng tawa.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now