Chapter 9

229 7 1
                                    

( Kinabukasan )

Unti-unting binuksan ni Glaiza ang mga mata nya.

Glaiza: ( Hmm................. kailan pa naging ganito ang kisame ng bahay ko? )

Agad napabalikwas ng bangon si Glaiza.

Glaiza: Nasa'n ako?

Napatingin sya sa paligid. Nakita nya si Marx na natutulog sa couch.

Glaiza: ( Nasa bahay ba ko ni Marx? )

Inalala nya ang mga naganap kagabi.

Glaiza: Langyang mga manyakis na yun.

Naalala nya yung pagdating ni Marx nung gabing yun. Napatingin sya kay Marx at napangiti sya. Nilapitan nya si Marx at pinagmasdan nya ito habang tulog ito. Naalala nya na kinantahan sya nito habang yakap sya nito.

Glaiza: Sweet ka rin pala noh?

Napadako ang tingin nya sa mga labi nito.

Glaiza: ( Pinkish naman ng lips ng lalaking 'to. Mas pink pa sa kin eh. )

Napa-pout si Glaiza.

Glaiza: ( Nakakatempt tuloy halikan. )

Nasampal ni Glaiza ang sarili nya.

Glaiza: Kailan pa ko naging manyak?

Napatingin ulit si Glaiza sa labi ni Marx.

Glaiza: Isang beses lang naman eh. Di nya naman siguro mamamalayan yun diba?

Habang tinititigan nya ang mga labi ni Marx, napansin nyang nag-form into a smile ang labi nito.

Glaiza: Huh?

Agad syang napatingin kay Marx at doon nya lang nalaman na gising na pala ito. Nakatingin ito sa kanya. Agad napatayo si Glaiza at lumayo agad kay Marx.

Glaiza: Uhm................a-ano........... na-napansin ko kasi na........ tumutulo yung laway mo. ( Ano?! Anong klaseng palusot yan, Glaiza? )

Bumangon na si Marx.

Marx: Aah......... tumutulo yung laway ko? Parang baliktad ata. Parang ikaw yung kulang na lang tumulo ang laway kakatitig sa labi ko.

Biglang natawa si Glaiza.

Glaiza: Ang feeling mo talaga noh? Ba't naman kita hahalikan diba?

Napangiti si Marx.

Glaiza: Anong nginingiti-ngiti mo dyan huh?
Marx: As far as I remember, wala naman akong sinabing gusto mo kong halikan eh.

Natigilan si Glaiza.

Marx; Ang ibig sabihin........... gusto mo talaga akong halikan, right? Ms. Galura?
Glaiza: Ang kapal mo! Kahit kailan, hindi kita hahalikan noh.

Biglang lumapit sa kanya si Marx.

Marx: Talaga? Sigurado ka dyan?
Glaiza: Ta-talaga.

Bigla syang kinabig palapit ni Marx. Nakapalibot ang kamay nito sa bewang nya. Napahawak si Glaiza sa balikat nito. Nakatingin lang sya sa mga mata ni Marx.

Marx: Bakit hindi mo ituloy?
Glaiza: Marx................

Unti-unting bumaba ang mukha ni Marx sa mukha nya. Napapikit na lang si Glaiza nang biglang may narinig silang nabasag. Sabay silang napalingon at nakita nila si Rose na syang gumawa ng ingay. Agad napalayo si Glaiza kay Marx.

Rose: Sorry po, Sir. Dadalhan ko po sana kayo ng pagkain eh. Lilinisan ko na lang po.

Unti-unting pinulot ni Rose ang mga bubog kaya lang bigla syang nasugatan.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now