Sanya: Baka pwedeng magchange outfit na rin tayo. Ang unfair naman kung boys lang ang makikinabang sa pool diba?
Gabbi: Gusto ko yan. Let's go, Glaiza.
Glaiza: Kayo na lang. Di ko feel magbabad sa pool eh.
Sanya: Wag KJ, bes. Sayang naman ang alindog mo kung di makikita ng iba diba? Especially ni Marx. Akala ko ba you want him to fall for you? Isa yan sa alas mo , Glai kaya halika na at magbihis na tayo.
Hinila nilang dalawa si Glaiza papunta sa kwarto para magbihis.
( Samantala )
Marx: Mraz, sa mababaw na part ka lang huh? Puntahan ko muna sina tito Rocco and Ruru mo.
Mraz: Okay, Dad.
Nilapitan ni Marx ang dalawa. Ininom ni Marx ang wine nya.
Marx: Anong pinag-uusapan nyo dyan?
Rocco: Pumasok ang girls sa loob. Mukhang magbibihis ata.
Ruru: Let's wait na lang na bumalik sila. Inom muna tayo ng wine habang wala pa sila.
After 10 minutes, lumabas na sina Sanya, Gabbi at Glaiza. Biglang nasamid sina Rocco at Ruru. Natawa na lang si Marx sa mga kaibigan nya.
Rocco: Wala akong masabi. They're hot.
Ruru: And beautiful. Pero ba't si Glaiza lang ata ang nakacover?
Rocco: Oo nga, Marx.
Marx: I don't care.
Rocco: Hindi ka ba interesado makita kung gaano ka-sexy ang asawa mo?
Marx: Bakit naman? Alam kong sexy sya, bakit kailangan ko pang makita?
Ruru: Pa'no mo nalaman?
Marx: Dati ko pa nakita ang katawan nya so alam ko.
Rocco: Pare, noon yun. Malay mo naman may bilbil na sya ngayon diba?
Tiningnan ni Marx si Rocco.
Rocco: O, kalma lang. Ang akin lang, hindi ka ba curious?
Napatingin si Marx kay Glaiza.
( Samantala )
Sanya: Ano sila ngayon huh? Gandang-ganda sila sa tin eh. Kulang na lang tunawin ang katawan natin sa mga titig nila eh.
Naupo silang tatlo.
Gabbi: Pero si Marx.................... parang sa isang direksyon lang ata nakatingin eh.
Napatingin silang dalawa kay Glaiza.
Glaiza: Ba't ganyan kayo makatingin?
Sanya: Siguro iniisip ni Marx ngayon kung bakit ikaw lang ang balot sa ating tatlo.
Glaiza: Bakit? Di pa naman ako pupunta sa pool eh. Masama bang magcover muna?
Sanya: Sige, ikaw ang bahala. Dun muna kami ni Gabbi sa pool huh? Gusto mong sumama?
Glaiza: Susunod na lang ako.
Sanya: Okay, Tara, Gabbi.
Pumunta na sa pool ang dalawa. Napabuntong-hininga na lang si Glaiza. Maya maya, lumapit sa kanya si Marx.
Marx: Ba't di ka sumama sa mga kaibigan mo?
Glaiza: Marx............
Umupo ito sa tabi nya. Medyo na-conscious naman si Glaiza. Uminom si Marx ng wine.
Marx: Ayaw mo ba silang samahan?
Glaiza: Mamaya na lang siguro.
Marx: Ba't parang di ka mapakali dyan?
Glaiza: Mmm.............
Marx: ( Ang conservative talaga nito hanggang ngayon. ) You know what, kung hindi ka comfortable sa suot mo, you don't have to take off your cover. Pwede rin namang mag-shorts ka na lang tutal nasa bahay lang naman tayo eh.
Glaiza: I'm fine.
Marx: Okay if you say so.
Maya maya, lumapit si Mraz sa kanila.
Mraz: Come, Mom, Dad. Maligo po tayo sa pool.
Marx: Si Mom mo na lang. Sya pa ang hindi nababasa sa tin eh.
Mraz: Let's go, Mom.
Glaiza: Okay, wait lang.
Tinanggal ni Glaiza ang cover nya sa katawan.
Glaiza: Halika na, Mraz.
Pumunta na sina Mraz at Glaiza sa pool. May narinig si Marx na sumipol. Nakita nya sina Ruru at Rocco na nagtatawanan. Nilapitan nya ang dalawa at pinagbabatukan.
Rocco: Aray, pare. Grabe ka naman makabatok. Pinupuri lang namin ang kaseksihan ni Glaiza eh. Isipin mo, may anak na pero yung katawan..................
Binatukan ulit ni Marx si Rocco.
Rocco: Okay, okay, titigil na.
Napainom na lang ulit si Marx ng wine at pumasok na sya sa loob.
( Pool )
Sanya: Sexy mo talaga, Glaiza.
Glaiza: Hindi naman masyado.
Gabbi: O, sa'n pupunta ang asawa mo, Glai?
Napatingin si Glaiza kay Marx.
Sanya: Hindi interesado sa alindog mo, Glaiza.
Gabbi: Mmm.................... mukhang may na-disappoint dito ah?
Glaiza: Di ah.
Sanya: Hindi daw pero nakasimangot.
Gabbi: Naiiyak na.
Glaiza: Tigilan nyo ko kundi uupakan ko kayo isa-isa.
Natawa na lang sina Gabbi at Sanya.
Sanya: Relax ka lang girl. Ba't di mo sundan?
Gabbi: Sige na, Glai. Kami na muna ang bahala kay Mraz.
Glaiza: Sure kayo?
Sanya: Sige na. Mukhang may kailangan kayong gawin eh este pag-usapan.
Glaiza: Sige. Sundan ko na muna sya. Kayo na muna bahala kay Mraz huh? Babalik din ako agad.
Gabbi: Okay.
( Room )
Nasa terrace ng kwarto nila si Marx habang umiinom ng wine. Naiisip nya si Glaiza.
Marx: ( Gosh................. I wanna touch her. It's been so long since I felt her skin on mine. )
Napailing na lang si Marx.
Marx: ( Kung ano-ano kasing pinapasok nina Rocco at Ruru sa utak ko eh. )
Inubos na nya ang laman ng baso at kukuha sana ulit ng wine nang pagharap nya ay eksaktong pagpasok rin ni Glaiza sa kwarto.
Glaiza: Hi.
Napatingin si Marx kay Glaiza mula ulo hanggang paa. Bigla syang napaiwas ng tingin kay Glaiza.
Marx: ( Goodness................. this woman is killing me. )
Tumikhim muna si Marx bago sya nagsalita.
Marx: What are you doing here? Tsaka...................... asan na yung suot mong cover kanina?
Glaiza: Di ko na sinuot. Dumiretso na kasi ako dito eh.
Marx: Why? Trying to seduce me, Ms. Galura?
Glaiza: Actually, no. Pero kung naseseduce ka, I think hindi ko na problema yun.
Napatingin ulit si Marx kay Glaiza.
Marx: What do you really want?
Unti-unting lumapit si Glaiza kay Marx.
Marx: Stop! Don't come near me. Just say what you want.
Glaiza: Why?
Marx: Don't ask me why, Glaiza. Now................ speak.
Glaiza: Okay.
Napabuntong-hininga na lang si Glaiza.
Glaiza: Hindi ba bagay sa 'kin ang suot ko?
Nagulat si Marx sa tinanong sa kanya ni Glaiza.
Marx: What did you say?
Glaiza: Hindi ba bagay sa kin ang suot ko?
Nakasuot lang naman si Glaiza ng two piece red bikini.
Glaiza: Pansin ko kasi kanina na bigla kang umalis kanina kaya naisip ko na baka hindi mo nagustuhan ang suot ko.
Unti-unting lumapit si Marx kay Glaiza at hinawakan nya ito sa magkabilang braso.
Marx: Are you that blind para hindi makita kung bagay ba or hindi sa iyo ang suot mo?
Glaiza: So hindi nga?
Nginitian ni Marx si Glaiza. Hinaplos nya ang kaliwang pisngi niya pababa sa leeg nito papunta sa balikat nito at papunta sa braso . Nakaramdam ng init si Glaiza.
Marx: You know kung bakit ako umalis kanina?
Nakatitig lang si Glaiza kay Marx.
Marx: Dahil kapag hindi ako umalis, baka hindi ako makapagpigil.
Binulungan ni Marx si Glaiza.
Marx: Baka maangkin kita ng wala sa oras.
Tiningnan ni Marx si Glaiza.
Marx: Ngayong alam mo na, pwede ka ng lumabas.
Nakatitig lang sa kanya si Glaiza at hindi ito gumagalaw.
Marx: ( Did I scare her? ) Glaiza, are you---------------
Hindi na naituloy ni Marx ang sasabihin nya nang bigla syang kinabig ni Glaiza at hinalikan sya nito. Naramdaman din ni Marx ang kamay ni Glaiza sa dibdib nya. Agad nya itong pinigilan at nilayo sa kanya. Habol ni Marx ang hininga nya.
Marx: What are you doing?!
Glaiza: Why?
Marx: Stop playing dumb, Glaiza!
Glaiza: Bakit ba galit na galit ka? Masama ba yung ginawa ko? Masama bang halikan ko ang asawa ko?
Marx: We both know na you want more that that.
Glaiza: Pa'no kung sabihin kong oo? Oo gusto ko ng higit pa dun. Cause I know na yun rin ang gusto mo.
Marx: What are you talking about?
Glaiza: I'm just worried na kapag hindi ko naibigay ang pangangailangan mo, baka hanapin mo pa sa iba.
Marx: So, what are you trying to say? Ganun lang ba kababaw ang tingin mo sa 'kin huh?
Glaiza: Marx, it's not-------------------
Marx: Well, let me tell you this. Hindi ko gagawin yan, you know why? Dahil hindi ako kagaya mo!
Biglang sinampal ni Glaiza si Marx. Sobrang sakit ng sinabi sa kanya ni Marx na tila ba pinapalabas nito na may nagawa syang pagkakamali. Bigla na lang syang kinabig ni Marx at hinalikan sya nito. Gusto nya sana itong itulak pero at the same time, gusto nya rin ang nangyayari kaya imbes na itulak nya ito, tinugon nya ang mapusok nitong paghalik sa kanya hanggang sa namalayan na lang nya na naihiga na pala sya nito sa kama. Unti-unting bumaba ang halik nito sa leeg nya.
Glaiza: Marx................
Biglang may naalala si Marx dahilan para tumigil sya. Dahan-dahan na tumayo si Marx. Napaupo si Glaiza.
Glaiza: Marx?
Dahan-dahan na naglakad si Marx papunta sa banyo at pumasok. Nilock nya agad ang pinto. Kumatok si Glaiza.
Glaiza: Marx...............
Marx: Just leave me for now, Glaiza.
Glaiza: Marx----------------
Marx: Please..................
Glaiza: O-okay.
Lumabas na ng kwarto nila si Glaiza. Nakatingin si Marx sa salamin habang may alaalang nanunumbalik sa isip nya.
( Flashback )
It's been 2 weeks since hindi na bumalik si Glaiza. Nag-aalala na si Marx at baka kung ano na ang nangyari kay Glaiza. Ni-report na nya ito sa pulis pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong ibinibigay na update sa kanya. Maya maya, may biglang kumatok. Agad nya itong pinagbuksan not knowing na magkakaroon pala sya ng isang hindi inaasahang bisita.
Marx: Mr. Galura....................
Pumasok ito sa bahay nya kasama ang dalawa nitong bodyguard.
Mr. Galura: Bahay mo ba 'to? Akala ko bahay ng duwende eh.
Nagsitawanan ang kasama nitong bodyguard.
Mr. Galura: Seryoso ka bang dito mo patitirahin ang anak ko huh? Alam mo ba kung gaano kalaki ang bahay namin? Prinsesa sya dun tapos dito mo sya ititira? Nagpapatawa ka ba?
Marx: Nasa'n si Glaiza?
Mr. Galura: Well dahil hindi naman ako sinungaling na tao, magsasabi ako sayo ng totoo. Nasa bahay sya. Nasa mansyon namin. Buhay-prinsesa ulit sya.
Marx: Ibalik nyo sya sa min.
Mr. Galura: Teka, teka mukhang hindi ata tayo nagkakaintindihan dito. Kusang bumalik si Glaiza sa min at ang sabi nya hindi nya na raw kaya ang buhay na binibigay mo sa kanya. Hindi nya lang masabi sayo dahil ayaw ka nyang saktan.
Marx: You're lying. Kilala kita, Mr. Galura. Gagawin mo ang lahat, mapalayo lang sya sa kin. Para lang sa kaalaman mo, hindi ako naniniwala sayo.
Mr. Galura: Ah............. ganun ba? Okay. John! Akin na.
May inabot ang isang bodyguard kay Mr. Galura na envelope at ibinigay nya ito kay Marx.
Marx: Ano yan?
Mr. Galura: Ba't di mo buksan at tingnan? Baka makatulong sayo para magising ka sa katotohanan.
Agad binuksan ni Marx ang envelope na ang laman pala ay mga pictures ni Ken at Glaiza while they're kissing and Ken on top of Glaiza.
Mr. Galura: O, baka sabihin mong edit yan? Hindi ka naman siguro ganun ka-bobo o tanga diba?
Ibinalik ni Marx ang envelope kay Mr. Galura.
Marx: I don't believe you. Hindi yan totoo. Hindi yan magagawa------------------
Mr. Galura: She already did. Dahil kung hindi totoo, asan sya ngayon? Bakit wala sya dito? Bakit hindi na nya kayo binalikan?
Naikuyom na lang ni Marx ang kamao nya. Gusto man nya itong saktan hindi nya magawa dahil ama pa rin ito ng babaeng pinakamamahal nya. Tinapik ni Mr. Galura ang balikat ni Marx.
Mr. Galura: Kung ako sayo, kalimutan mo na lang ang anak ko dahil kahit kailan hinding hindi na sya babalik sa inyo.
Tinalikuran na sya nito at umalis na sila. Agad nilapitan ni Marx si Mraz at kinarga nya ito.
Marx: Mraz, wag kang makinig sa kanya huh? Mahal na mahal tayo ni Mom at hinding-hindi nya magagawa sa 'tin yun. Babalikan nya tayo.
Ngunit lumipas ang linggo, buwan at taon, hindi na bumalik si Glaiza sa kanila. Unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Marx. Nilapitan nya ang anak nya na mahimbing na natutulog sa crib.
Marx: Mraz, I guess it's just the two of us na lang. Maybe he's right. hindi na sya babalik sa tin. Kinalimutan na nya tayo. But I promise you, unlike your Mom, hinding hindi kita iiwan. Tayong dalawa na lang. Mahal na mahal kita, Mraz.
( End of Flashback )
Nasuntok ni Marx ang salamin na nasa harap nya at nabasag ito. Dumugo rin ang kamay nya. Napayuko sya at napaiyak.
Marx: ( Bakit ang sakit sakit pa rin ? )
( To Be Continued )