Chapter 29

139 4 0
                                    

( Kinabukasan )

Yayakapin sana ni Glaiza si Marx pero pagmulat nya ng mga mata nya, wala pala syang katabi.

Glaiza: Asan yun?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mraz. Nakauniform na ito.

Mraz: Good morning, Mom.
Glaiza: Good morning, Mraz. Ang Dad mo nasa'n?
Mraz: Maaga po syang umalis, Mom. Nasa work na po sya.
Glaiza: Ang aga naman. Di man lang nakapagpaalam sa 'kin.
Mraz: May binigay po sa kin si Dad, Mom. Ibigay ko daw po sa inyo pag gising na daw po kayo.

May inabot na letter si Mraz kay Glaiza.

Mraz: I have to go, Mom.
Glaiza: Wait, walang maghahatid sayo.
Mraz: Ihahatid po ako ni Tita Sanya.
Glaiza: Nandito si Sanya?
Mraz: Yes po. Pati din po si Tita Gabbi nandito.
Glaiza: Ganun ba?
Mraz: I have to go, Mom.
Glaiza: Okay. Behave ka sa school, huh?
Mraz: Yes, Mom.

Kiniss sya ni Mraz bago ito tuluyang lumabas sa kwarto nya. Napahiga ulit si Glaiza.

Gabbi: Good morning, Glaiza.

Napatingin si Glaiza kay Gabbi.

Glaiza: O, nandito ka pala? Akala ko sumama ka sa paghahatid sa anak ko eh.
Gabbi: Nagpaiwan na ko. Kaya na yun ni Sanya. Ikaw? Ba't nakahiga ka pa dyan? Wala ka bang balak bumangon?
Glaiza: Ayoko pang bumangon eh. Inaantok pa ko tsaka parang medyo masama ata ang pakiramdam ko ngayon.
Gabbi: Ano nga pala 'yang hawak mo?

Napatingin si Glaiza sa hawak nyang letter.

Glaiza: Ah! Muntik ko ng makalimutan.

Bumangon ulit si Glaiza.

Glaiza: Galing kay Marx to.
Gabbi: Basahin mo.
Glaiza: Teka lang, masyado kang atat eh.

Binuksan na ni Glaiza ang letter at inumpisahan na nya itong basahin.

Glaiza: To my gorgeous Mahal...............

Napangiti si Glaiza.

Gabbi: First line pa lang, Glaiza, namumula ka na.
Glaiza: Wag ka ngang ano dyan.
Gabbi: Ituloy mo na.
Glaiza: First of all, I just wanna say sorry dahil hindi na ko nakapagpaalam sayo kasi kailangan kong pumasok sa office ng maaga dahil marami pa kong tatapusin na works doon. And hindi na kita ginising dahil tulog na tulog ka and I don't wanna disturb you. And by the way, since hindi ka kumain kahapon, pinaghanda kita ng spaghetti. Check mo lang dun sa table sa baba. Ubusin mo yun, huh? Ayokong nagpapagutom ka. And always remember na mahal na mahal kita. I love you so much, Mahal. From, Marx.

May tumulong luha sa mata ni Glaiza.

Gabbi: Umiiyak ka?
Glaiza: Tears of joy? Natouch lang ako sa letter nya.
Gabbi: Ganun?

Napahawak si Glaiza sa tiyan nya.

Glaiza: Gutom na ko.
Gabbi: Kumain ka na. Diba pinaghanda ka ng asawa mo?
Glaiza: Mabuti pa nga.

Pagtayo ni Glaiza bigla syang napahawak sa ulo nya.

Gabbi: Glaiza, okay ka lang?
Glaiza: Oo, me-medyo nahihilo lang ako.

May biglang naramdamang kakaiba si Glaiza sa sikmura nya kaya agad syang napatakbo sa banyo at sumuka sya doon. Hinagod naman ni Gabbi ang likod nya.

Gabbi: Ano? Okay ka na ba?

Nagmumog muna si Glaiza bago nya sinagot si Gabbi.

Glaiza: Better.
Gabbi: Ano bang nangyari?
Glaiza: I don't know. Masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon eh. Kailangan ko lang itong ipahinga but for now............ kakain muna ako.

Nauna ng bumaba si Glaiza.

Gabbi: ( Hindi kaya................... )

( Dining Area )

Pinapanood lang ni Gabbi si Glaiza habang kumakain ito.

Gabbi: Spaghetti talaga?
Glaiza: Ito ang bet kong kainin eh bakit ba? Tsaka dapat kagabi pa ko nakakain nito eh kaya lang nawalan ako ng gana eh. Di ako nakakain kahapon the whole day.
Gabbi: Buti nakasurvive ka kahit wala kang kinain kahapon.
Sanya: Oops, may naiwan pa palang bata dito.

Napatingin sila kay Sanya.

Gabbi: Andito ka na pala.

Umupo si Sanya sa tabi ni Gabbi.

Sanya: Spaghetti first thing in the morning?
Gabbi: Pinaghanda sya ng asawa nya. Gusto nya daw kasi.

Nagkatinginan sina Sanya at Gabbi.

Gabbi: So.................... bakit wala kang ganang kumain kahapon?
Glaiza: Actually, nagluto ako kahapon ng ulam namin pero ayaw nina Marx at Mraz.
Gabbi: Bakit?
Glaiza: Pangit daw ang lasa eh. Nang tinikman ko naman, masarap naman sya. Ewan ko ba.
Sanya: Magkaiba ang panlasa.

Nagkatinginan ulit sina Sanya at Gabbi at sabay silang napangiti.

Glaiza: Ba't nakangiti kayo dyan?
Sanya: Wala lang.

Naubos na ni Glaiza ang spaghetti nya. Binuksan nya ang ref nila at kinuha doon ang ice cream. Umupo ulit sya at nilantakan ang ice cream.

Sanya: Woah! Hinay-hinay lang, Glaiza. Baka bigla kang tumaba dyan. Sayang ang sexy body mo.
Glaiza: Eh gusto kong kumain ng ice cream eh.
Sanya: Ikaw ang bahala. Wag ka na lang magugulat kung mapapatingin sa ibang babae ang asawa mo.

Natigil sa pagkain si Glaiza.

Gabbi: Sanya! Hayaan mo nga si Glaiza. Sige na, Glaiza. Kumain ka lang.

Tumayo si Glaiza at binalik ang ice cream sa ref.

Gabbi: Glaiza, don't mind Sanya. Nagbibiro lang sya.

Umupo ulit si Glaiza.

Glaiza: Tama si Sanya. Ayokong tumaba. Baka maghanap pa ng mas sexy pa sa kin si Marx noh. May umaaligid pa namang sexy'ng babae sa kanya ngayon.
Gabbi: Huh? Sino?
Glaiza: Yung secretary nya.
Gabbi: Ah.................... si Macy.
Glaiza: You know her?
Sanya: Of course. Pumupunta rin naman kami minsan sa office ng asawa mo.
Glaiza: Yang si Macy, okay ba sya?
Sanya: Oo, mabait, maganda...................
Glaiza: Close ba sila ni Marx?
Sanya: Of course. Secretary sya ni Marx so what do you expect?
Gabbi: It's not what you think, Glaiza. Friends lang sila ni Marx.
Glaiza: So hindi lang pala sila boss and secretary, friends din pala sila. Ang bilis naman.
Sanya: Eh mabait naman kasi talaga sya eh. Mahinahon lang. Yung klase ng babaeng hindi makabasag-pinggan. Yung babaeng gugustuhing mapangasawa ng kahit sinong lalaki.

Napatayo si Glaiza.

Glaiza: ( Bwisit! Eh di sya na ang perfect! )
Gabbi: Glaiza, if you want puntahan na lang natin si Marx sa office mamayang lunch time.

Napatingin si Glaiza kay Gabbi.

Glaiza: Talaga?
Gabbi: Oo naman. Sasamahan ka namin ni Sanya. Okay lang naman siguro na dalawin ang asawa mo diba? Asawa mo naman yun.
Glaiza: I'd love that pero mas gusto kong hindi sumama si Sanya. Naiinis ako sa kanya eh.
Sanya: Aba aba.............
Gabbi: O, tama na yan. Mamaya nyan, mag-away pa kayo nyan eh.

( Lunch )

Gabbi: Ang saya saya mo ah.
Glaiza: Eh gusto ko na syang makita eh. Parang namiss ko sya agad.
Gabbi: I'm sure masusurprise si Marx pag nakita ka nya. Matutuwa yun.
Glaiza: You think so? Pero baka magalit yun kasi hindi ako nagsabi na pupunta ako dito.
Gabbi: Ano ka ba? Matutuwa pa nga yun pag nakita ka nya eh. Let's go.

Nakabuntot lang sa kanila si Sanya. Agad pumasok si Glaiza sa office ni Marx ngunit nadatnan nya sina Macy at si Marx.

Macy: Naku, sorry po,Sir. Di ko po sinasadya. Sorry po talaga.

Kumuha ng panyo si Macy at pinahid nya sa polo ni Marx na natapunan nito ng kape.

Marx: It's okay. No problem.
Sanya: What a scene.

Napatingin sina Macy at Marx kina Glaiza.

Marx: Glaiza? Andito ka pala. What are you doing here?
Glaiza: Bibisitahin sana kita pero.......................

Napatingin si Glaiza kay Macy.

Glaiza: Mukhang busy ka sa ibang bagay.

Napayuko na lang si Macy. Nilapitan ni Marx si Glaiza at hahawakan nya sana ang kamay nito pero umiwas si Glaiza.

Glaiza: Don't touch me.
Marx: Come on, Glaiza, it's not what you think.
Glaiza: Hindi nga ba? Mukhang gustong-gusto mo nga eh. Nag-eenjoy ka, huh?
Marx: Can you please stop it?!

Natigilan si Glaiza dahil sa pagsigaw sa kanya ni Marx. Maya maya, naging teary eyed si Glaiza.

Glaiza: Sinisigawan mo ko? Dahil lang sa babaeng yan? Ano? Narealize mo na mas better sya kaysa sa kin huh?
Marx: God, I can't believe this. Kung pumunta ka dito para lang dyan, I think it's better kung umuwi ka na lang. Dinadagdagan mo lang ang stress ko.
Glaiza: Okay, fine. I'll leave if that's what you want.
Gabbi: Glaiza...............

Umalis na si Glaiza. Lumapit si Macy kay Marx.

Macy: Sorry po, Sir. Dahil po sa kin nag-away po kayo ng asawa nyo.
Marx: No. Wala lang siguro sa mood yung asawa ko. Pagpasensyahan mo na lang yun huh?

Napabuntong-hininga na lang si Marx.

( Kinagabihan )

Mraz: Dad, ba't wala pa po si Mom?
Marx: Hindi ko rin alam Mraz eh. Kinokontak ko sya pero naka-off naman ang phone nya.
Mraz: Nag-away po ba kayo ni Mom, Dad?

Napatingin si Marx kay Mraz.

Marx: Nagtatampo ata ang Mom mo sa kin eh. May misunderstanding lang kasi kanina, Mraz.
Mraz: Sana po umuwi na po si Mom, Dad.

Maya maya, dumating sina Sanya at Gabbi.

Sanya: Wala pa rin si Glaiza?

Umiling lang si Marx.

Sanya: Naku, san na ba nagpunta ang babaeng yun?
Gabbi: Naku, baka kung ano ng nangyari dun.
Sanya: Eto kasing si Marx eh. Pinagalitan pa ang asawa nya.
Marx: She's being unreasonable. Bigla bigla na lang syang nagagalit ng walang dahilan.
Sanya: Hindi mo na lang sana pinagalitan. I'm sure may dahilan kung bakit nagkakaganun sya.
Marx: Anong ibig mong sabihin?
Gabbi: Sanya, hindi pa tayo sigurado dun.
Marx: Wait, wait................... ano ba talagang tinutukoy nyo?

Nagkatinginan lang sina Gabbi at Sanya.

Marx: Sasabihin nyo ba sa kin o hindi?

Tiningnan ni Sanya si Marx.

Sanya: We're assuming na maybe kaya nagkakaganun si Glaiza kasi............
Marx: Kasi? Come on, tell me. I'm dying to know kung bakit nagkakaganun sya.
Sanya: Maybe she's pregnant.
Marx: What?
Sanya: More than anyone else, you know Glaiza. Hindi naman sya ganun eh. Wala ka bang napapansin sa kanya lately? Mga symptoms na baka buntis nga sya? Like pagsusuka, morning sickness, nagiging weird ang panlasa nya? Is she craving for something? How about her mood? Bigla bigla bang nagbabago?

Hindi sya sinagot ni Marx.

Sanya: Marx...................
Marx: Kayo na munang bahala kay Mraz. May pupuntahan lang ako.

Agad umalis si Marx.

Sanya: Marx, wait!
Mraz: Tita, sa'n po pupunta si Dad?
Gabbi: Baka hahanapin ang Mom mo. Let's just wait na lang na bumalik sila, okay?
Mraz: Okay po.




( To Be Continued )

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now