( Mall )
Marx: Ano bang gagawin natin dito?
Glaiza: Naghahanap ako ng pwede kong i-gift sayo.
Marx: Wag na. Hindi mo na ko kailangang regaluhan.
Glaiza: And parang family bonding na rin natin 'to. Right, Mraz?
Mraz: Yes, Mom.
Maya maya, napadaan sila sa isang play area kung saan gagayahin nila ang dance moves ng nasa monitor.
Mraz: I wanna try that, Mom.
Glaiza: Marx..................
Marx: Go.
Glaiza: Join ka? Sasayaw ka rin?
Marx: Of course.................. not.
Glaiza: Ang KJ mo naman. Samahan mo naman kami.
Marx: Kayo na lang. Wala talaga akong talent dyan eh.
Glaiza: Okay. Ikaw muna magbitbit ng bag ko. Maglalaro lang kami ni Mraz.
Marx: Okay.
Nakatingin lang si Marx sa kanyang mag-ina habang nagsasayaw ang mga ito. Nag-eenjoy si Marx habang pinapanood ang mag-ina nya nang marinig nya ang pag-uusap ng mga lalaki sa may likod nya.
Guy 1: Ang hot ng girl noh?
Guy 2: Oo nga, pare. Sayang may anak na pero ang sexy pa rin.
Guy 1: Sa tingin mo magaling yan sa kama?
Guy 2: Panigurado, pare. Di ko agad pagsasawaan yan.
Sabay na tumawa ang dalawa. Biglang tinulak ni Marx ang isa.
Marx: May problema ba tayo sa asawa ko huh?
Guy 1: Wa-wala naman, pare.
Biglang kinuwelyuhan ni Marx ang isa.
Marx: Ulitin mo nga yung sinabi mo? Gusto mong basagin ko yang mukha mo huh?!
Glaiza: Marx!
Agad nilapitan ni Glaiza si Marx.
Glaiza: Marx, anong nangyayari dito?
Marx: Nakakabastos tong dalawang to eh. Ano?! Gusto mong magsuntukan tayo dito?!
Napatingin naman ang ibang tao sa kanila.
Glaiza: Marx, tama na. Hayaan mo na sila.
Marx: Hayaan?! No! Ano? Gusto nyong idemanda ko kayo huh?!
Glaiza: Marx, please........................ tama na.
Napatingin si Marx kay Glaiza. Niyakap na lang ni Glaiza si Marx.
Glaiza: Tama na...................
Binitawan na ni Marx ang lalaki.
Marx: Umalis na kayo kung ayaw nyong basagin ko ang mga pagmumukha nyo.
Agad naman umalis ang dalawang lalaki.
Mraz: What happened Mom?
Glaiza: Wala naman, Mraz. May kinausap lang ang Dad mo.
Marx: Hindi na dapat tayo pumunta dito.
Nauna ng maglakad si Marx. Agad naman sumunod sina Glaiza at Mraz kay Marx.
Glaiza: Marx, wait!
Patuloy pa rin sa paglalakad si Marx ng mabilis. Hinawakan ni Glaiza si Marx sa braso para patigilin ito.
Glaiza: Sandali nga lang.
Marx: What?!
Glaiza: Galit ka na naman ba?
Marx: Oo galit ako pero hindi sayo kundi sa mga------------------
Glaiza: Hep! Don't say bad words. Kasama natin si Mraz.
Napabuntong-hininga na lang si Marx.
Marx: Hindi na dapat tayo pumunta dito.
Glaiza: Don't say that. Birthday mo ngayon. Dapat nag-eenjoy ka at hindi nababadtrip.
May narinig si Glaiza na nagsasalita sa isang stage. Tila may contest na nagaganap doon.
Host: So, habang hinihintay natin ang result sa ating singing contest, sino dyan ang gustong mag intermission number?
May biglang pumasok sa isip ni Glaiza. Bigla nyang tinaas ang kamay nya.
Glaiza: Ako! Ako!
Napatingin kay Glaiza ang host.
Host: May volunteer tayo. Pwede ka bang umakyat dito sa stage?
Marx: Glaiza, what are you doing?
Glaiza: Basta. Dito lang kayo ni Mraz huh?
Umakyat na si Glaiza sa stage at binigyan sya ng microphone.
Host: So, what's your name?
Glaiza: Glaiza.
Host: Glaiza, hmm.................. nice name. Kasingganda mo.
Glaiza: Thank you.
Host: Glaiza, ilang taon ka na?
Glaiza: 30
Host: What?! 30?! Seriously?!
Ngumiti na lang si Glaiza.
Host: You look....................... 25 pa lang eh. So, are you......................... single?
Pinakita ni Glaiza ang kamay nya na may wedding ring.
Host: Aww..................... sayang naman. Plano pa naman sana kitang ligawan.
Natawa na lang ang mga tao na nanonood.
Host: Sino nga palang kasama mo ngayon?
Glaiza: Asawa ko at anak ko.
Host: Asan sila?
Glaiza: Nandun.
Tinuro ni Glaiza sina Marx at Mraz. Nag-wave naman si Mraz.
Mraz: Mom!
Host: Ang gwapo ng anak mo huh? Pero parang kinakabahan ako sa asawa mo. Parang uupakan ako any minute from now.
Natawa ulit ang mga nanonood.
Glaiza: Badtrip lang yan kaya nakabusangot ang mukha nya ngayon.
Host: Nag-away kayo?
Glaiza: Nope. Mahabang kwento eh.
Host: Hmm................ano nga palang gagawin mo? Sasayaw? Kakanta?
Glaiza: Kakanta. Actually, birthday kasi ng asawa ko ngayon eh kaya itong kakantahin ko ngayon, para sa kanya.
Napa-"ayiee" naman ang mga nanonood.
Host: Ang sweet mo naman sa asawa mo. Okay, anong kanta ang kakantahin mo sa kanya?
Binulong ni Glaiza sa host ang title ng kanta.
Host: Okay. Palakpakan naman po natin sya guys.
Pumalakpak naman sila. Nag-umpisa na ang tugtog. Nakatingin lang si Glaiza kay Marx.
Glaiza: ~Noon parang kailan lang
Ika'y dumating sa 'king buhay
Di malimutan nang ako ay 'yong nginitian ~
Unti-unting bumaba sa stage si Glaiza at naglakad papunta kay Marx.
Glaiza: ~ Unti-unting nagbago
Naging makulay ang aking mundo
Kung may pagsubok man
Kakayanin ng dahil sayo ~
Huminto si Glaiza sa harap ni Marx at pinagpatuloy ang kanta habang nakatingin sa mga mata nito.
Glaiza: ~ Paano mo nalamang kailangan ko ay ikaw
Hanap ng puso ko ay ikaw
Pangarap ng buhay ay ikaw ~
Hinawakan nya sa pisngi si Marx.
Glaiza: ~ Nang dahil sayo
Natuto ang puso kong magmahal
Napawi ang aking lungkot at lumbay ~
Dinikit ni Glaiza ang noo nya kay Marx.
Glaiza: ~ Paano ba sasabihin ito
Ngayon lang ako nakadama ng ganito
Ikaw at ikaw lang ang mahal ko ~
Binaba na ni Glaiza ang mic.
Glaiza: I love you, Marx.
Hinalikan nya ito sa labi. Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang nanonood sa kanila.
Host: Sa lahat ng mga contestant, pwede na kayong umuwi. May nanalo na.
Nagtawanan ang mga tao sa paligid nila. Napangiti na lang sa isa't isa sina Marx at Glaiza.
Marx: I love you too, Glaiza.
( After That )
Pumasok na sina Glaiza, Marx at Mraz sa kotse. Nasa backseat si Mraz. Hinawakan ni Marx ang kamay ni Glaiza at hinalikan ang kamay nito.
Marx: Thank you.
Glaiza: Wala yun. Mahal kita eh.
Napangiti na lang sila sa isa't isa. Paaandarin na sana ni Marx ang sasakyan nang pigilan sya ni Glaiza.
Glaiza: Let me drive.
Marx: Why?
Glaiza: Basta. Please.........................
Marx: O........................... kay.
Nagpalit ng pwesto sina Marx at Glaiza. Hindi na muna pinaandar ni Glaiza ang kotse.
Glaiza: Mraz.................. now.
Agad tinakpan ni Mraz ng blindfold ang mga mata ni Marx.
Marx: Hey, what's this?
Glaiza: Relax, may pupuntahan lang tayo.
Marx: Kailangan talaga naka-blindfold?
Glaiza: Yeah. Surprise to eh. Just let us do this, okay?
Marx: Okay, okay.
( After that )
Marx: Nasa beach tayo noh? I can feel the sand.
Hawak lang nila Glaiza at Mraz si Marx.
Glaiza: Hmm...................... yeah.
Marx: Ano bang gagawin natin dito?
Glaiza: Secret. Maghintay ka, okay?
Maya maya, tumigil na sila sa paglalakad.
Glaiza: We're here.
Unti-unting tinanggal ni Glaiza ang blindfold ni Marx.
Glaiza: Surprise!!!
Medyo malabo pa ang paningin ni Marx dahil sa pagkakablindfold nya pero unti-unti itong lumilinaw pagtagal.
Mraz: Is it beautiful, Dad?
May nakikita si Marx na table for 3 na may cake sa gitna and candles and petals all over the place.
Glaiza: Hindi mo ba nagustuhan? Pinrepare namin yan ni Mraz for you.
Napatingin si Marx kay Glaiza.
Marx: I love it. Thank you.
Hinalikan nya si Glaiza sa noo nito. Kinarga ni Marx si Mraz at kiniss nya ito sa cheeks.
Marx: Thank you, Mraz.
Mraz: Welcome, Dad.
Glaiza: Upo na tayo. Malapit ng maggabi. Baka gabihin pa tayo dito.
Marx: Let's take a picture muna.
Glaiza: Okay.
Si Glaiza ang may hawak ng phone.
Glaiza: Okay, ready. 1,2,3....................
Hinalikan sya ni Marx sa cheeks.
( Kinagabihan )
Pinasok ni Glaiza si Mraz sa kwarto nito at hiniga sa kama. Along the way, nakatulog ito dahil sa pagod. After nyang maiayos ang pagkakahiga ni Mraz, hinalikan nya ito sa noo.
Glaiza: Goodnight, anak.
Tiningnan ni Glaiza si Marx na nasa likod lang nya.
Glaiza: Let's go?
Lumabas na sina Glaiza at Marx sa kwarto ni Mraz at dumiretso na sila sa kwarto nila.
Marx: Hoo! Finally, nakauwi rin.
Agad napahiga sa kama si Marx.
Glaiza: Napagod ka ba?
Agad bumangon si Marx at umupo. Marahan nyang hinila si Glaiza at kinandong nya ito.
Marx: Medyo pero worth it naman. Thank you again. Napakasaya ko ngayon. Isa 'to sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko.
Niyakap nya si Glaiza at hinalikan nya ito sa pisngi.
Glaiza: Masaya ako dahil napasaya kita.
Marx: Bakit nga pala effort na effort ka sa birthday ko? Ano bang nakain mo?
Glaiza: Hindi ba pwedeng mahal lang talaga kita kaya ginagawa ko ang lahat ng to?
Nagkatinginan sila at unti-unting naglapit ang mga mukha nila. They gently kissed each other. Pinalibot ni Glaiza ang mga braso nya sa batok ni Marx.
Marx: I'm so happy right now that's why I'm scared at the same time.
Glaiza: Bakit?
Marx: Dahil sobrang saya ko ngayon. Natatakot ako sa bukas. Ganito pa rin kaya tayo kasaya?
Glaiza: Bakit hindi? As long as magkakasama tayong tatlo, lagi tayong masaya diba?
Napangiti na lang si Marx.
Marx: You're right.
Glaiza: Magbibihis muna ko huh?
Marx: Okay.
Agad dumiretso ng banyo si Glaiza. Napahiga ulit si Marx.
Marx: ( Sana nga lagi na tayong ganito. )
( To Be Continued )