Chapter 15

159 6 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang araw ng kasal nila. Pili lang ang mga bisita na dumating. Invited din sa kasal sina Rocco, Ruru, Sanya at Gabbi. Sa beach napili ni Marx na idaos ang kasal nila. Sa bahay naman nila Marx napili ang venue ng reception. Sina Rocco, Ruru, Sanya at Gabbi na lang ang nakapunta sa reception dahil may importanteng lakad pang pinuntahan ang ibang guest na dumalo sa kasal nila.

( Reception )

Gabbi: Congrats, Glai. Finally, kinasal ka na talaga.
Sanya: Welcome to hell, Glaiza.
Glaiza: Alam mo, grabe talaga yang bibig mo, Sanya. Hindi ka ba masaya para sa kin?
Sanya: Ikaw? Masaya ka ba?
Glaiza: What do you think?
Sanya: Martir ka. That's what you are. Di mo ba naisip na ginagawa ka lang rebound ng lalaking yan?
Glaiza: Sanya, nagpakasal kami para kay Mraz, that's all.
Sanya: Kilala kita. Alam kong may iba pang tumatakbo sa isip mo.
Glaiza: Well............

Napatingin si Glaiza kay Marx na busy sa pakikipag-usap kina Rocco at Ruru.

Gabbi: Mukhang may pinaplano ka.
Glaiza: I will make him fall for me.
Sanya: At pa'no mo naman gagawin yun?
Glaiza: Mag-iisip pa ko. Pero at least hindi na ko masyadong mahihirapan since kasal na kami. Araw-araw na kaming magkasama.
Sanya: Ba't di mo simulan ngayong gabi?

Nagkatinginan sina Sanya at Gabbi.

Glaiza: Anong tinginan yan? Nakakakaba naman yang mga tinginan nyo.
Gabbi: Siguraduhin mong daring at seductive ka sa paningin si Marx huh?
Glaiza: Bakit?
Sanya: Nakalimutan mo ba yung kanta ni Whitney Houston? Kantahin mo nga Gabbi. Hinaan mo lang huh? Yung hindi maririnig ng boys.

Tumikhim muna si Gabbi bago kumanta. Kumuha naman si Glaiza ng tubig dahil nauuhaw sya.

Gabbi: ~ Cause tonight is the night
That I'm feeling alright
We'll be making love the whole night through ~

Biglang naibuga ni Glaiza ang tubig na iniinom nya. Natawa naman sina Gabbi at Sanya. Inubo si Glaiza.

Glaiza: Gabbi!
Gabbi: What? Kumakanta lang ako dito eh.
Sanya: Ready ka na ba?
Glaiza: Isa ka pa.
Sanya: Hey, ba't namumutla ka? Don't tell me................. di ka pa ready dito?
Glaiza: Hindi naman kasi namin yan napag-usapan ni Marx eh.
Sanya: So you mean, dahil hindi nyo napag-usapan, hindi nyo gagawin? Glaiza, automatic na yun. Yun ang ginagawa ng bagong kasal. Bahala ka, pag ikaw, bigla kang ginapang ni Marx mamaya, wag kang makasigaw-sigaw ng rape dahil may karapatan sya sayo.
Glaiza: Tinatakot mo ba ko?
Gabbi: Hindi naman sa ganun, Glaiza. Pero may point si Sanya. Galingan mo na lang mamaya huh?
Glaiza: Galingan saan? Alam nyo namang wala akong kaalam-alam tungkol dyan diba? Pa'no ko gagalingan?
Sanya: Sorry ka na lang. Baka ma turn off na sayo nyan si Marx. At ang worst baka sa iba nya pa hanapin yan.

( Samantala )

Rocco: Tingnan mo sila dun, parang tuwang-tuwa sila sa pinag-uusapan nila.Yung asawa mo parang napipikon na.

Napatingin naman si Marx kay Glaiza. Napangiti na lang sya. Tinapik ni Ruru ang balikat ni Marx.

Ruru: Finally, buo na ang pamilya mo. How does it feel huh?
Marx: Masaya kasi alam kong masaya si Mraz dahil makakasama na nya ang nanay nya.
Rocco: Opinyon mo ang hinihingi namin. Anong feeling na makasal sa kanya?

Uminom ng wine si Marx.

Marx: Ano ba ang dapat kong maramdaman? Meron ba dapat?
Ruru: Ang tigas mo talaga.
Rocco: By the way, anong plano mo mamaya?
Marx: Anong plano?
Rocco: Sa honeymoon nyo ni Glaiza.

Biglang nasamid si Marx sa iniinom nyang wine.

Ruru: O, okay ka lang?
Marx: Langya ka, Rocco. Ba't napunta dun ang usapan?
Rocco: What's wrong with that? So ano nga?
Marx: Do you think may plano akong gawin sa kanya yun?
Rocco: Why not? Mag-asawa na kayo. Nagawa nyo nga dati eh, nakabuo pa kayo. Bakit hindi pwede ngayon?
Marx: Iba na ngayon, Rocco. Marami ng nagbago.
Rocco: Ikaw ang bahala. Sana lang hindi ka matukso.

Sabay na tumawa sina Rocco at Ruru. Napailing na lang si Marx.

( Kinagabihan )

Nag-iisa lang sa kwarto si Glaiza. Hindi pa sya nakakapagbihis at suot pa rin nya ang wedding gown nya. Naglakad-lakad lang sya sa loob ng kwarto.

Glaiza: Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?

Napapaypay sya sa sarili nya.

Glaiza: Kinakabahan na ko. Goodness. Pa'no ba 'to?

Naramdaman ni Glaiza na gumalaw ang door knob kaya agad syang napatakbo sa banyo at nag-lock. Dinikit ni Glaiza ang tenga nya sa pinto para marinig kung ano ang nangyayari sa labas.

Marx: Akala ko andito si Glaiza? Sa'n pala yun nagpunta?
Glaiza: ( Pwedeng lumabas ka muna? Di pa ko prepared eh. )

Bigla na lang may kumatok sa pinto ng banyo.

Marx: Glaiza? Glaiza, nandyan ka ba?
Glaiza: ( Hala ! )

Sinubukan buksan ni Marx ang pinto pero naka-lock ito.

Marx: Ba't nakalock ito? Sa'n kaya yun pumunta? Baka nasa kwarto ni Mraz.

Lalabas na sana si Marx nang makita nya ang nakausling gown sa pinto ng banyo. Napailing na lang si Marx.

Glaiza: ( Nakalabas na ba sya? )

Biglang may kumatok ulit sa banyo.

Marx: Glaiza...............
Glaiza: ( Nandito pa sya? )
Marx: Glaiza, I know you're there. Bakit ka ba nagkukulong dyan?

Hindi sumagot si Glaiza.

Marx: Whether you like it or not, mabubuksan ko pa rin itong pinto. It's either ikaw mismo ang magbubukas nito or ako.

Napabuntong-hininga na lang si Glaiza. Unti-unti nyang binuksan ang pinto.

Marx: Ba't ka nagkukulong dyan?
Glaiza: Wala lang.
Marx: Ba't di ka pa nagbibihis?
Glaiza: Magbibihis rin ako maya maya. Bababa muna ako huh? Iinom lang ako ng tubig.
Marx: Okay.
Glaiza: Sige.

Dumiretso agad si Glaiza sa kusina at uminom ng tubig.

Glaiza: Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Naisip ni Glaiza na tawagan si Sanya.

Sanya: Hello, Glaiza?
Glaiza: Hoy, tulungan mo naman ako, oh. Di ko alam kung anong gagawin ko eh.
Sanya: Bakit? Ano bang problema?
Glaiza: Si Marx nasa kwarto na sya.
Sanya: Tapos?
Glaiza: Pa'no kung mag-insist sya?
Sanya: Mag-insist na ano?
Glaiza: Na gawin namin yun!
Sanya: So? Just go with the flow. Mahal mo naman sya diba? Why not give it to him? Ano bang kinakabahala mo? Or pwede rin namang sabihin sa kanya na next time na lang kasi di ka pa ready.
Glaiza: Sanya....................
Sanya: Wag mo kong artehan, Glaiza. Ginising mo ko para lang dyan? Nakakaloka ka. Sige na, balik na ko sa pagtulog. Bye.

Nawala na si Sanya sa kabilang linya. Napabuntong-hininga na lang si Glaiza at uminom ulit ng tubig bago nagdesisyong pumunta na sa kwarto. Pagdating nya, naabutan nya si Marx na nakaupo sa kama. Napatingin sa kanya si Marx. Unti-unti itong lumapit sa kanya.

Marx: Ang tagal mo naman sa baba. Ilang balde ba ng tubig ang ininom mo?

Inabutan sya ni Marx ng damit na pantulog.

Marx: Here. Magbihis ka na.

Napatitig si Glaiza kay Marx.

Marx: Wag mo na kong tingnan. Magbihis ka na nang makatulog na tayo. It's late na.

Tinulak nya si Glaiza papasok ng banyo.

Marx: Bilisan mong magbihis huh?

Sinarado na ni Marx ang pinto. Medyo natagalan si Glaiza sa banyo dahil nag-aalangan sya kung lalabas na ba sya o hindi pa. After 5 minutes ng pagpapasya, naisipan nyang lumabas na at nadatnan nyang natutulog na si Marx. Nilapitan nya ito at inayos ang pagkakahiga nito. After that, tumabi na rin sya kay Marx at niyakap nya ito.

Glaiza: Goodnight.

Hanggang sa nakatulog na sya.

( Kinabukasan )

Mas naunang nagising si Marx kaysa kay Glaiza. Naramdaman ni Marx na may nakayakap sa kanya. Pagtingin nya, si Glaiza pala ito. Tinitigan nya lang ang mukha ni Glaiza at maya maya hinaplos nya ang pisngi nito. Unti-unting dinilat ni Glaiza ang mga mata nya nang maramdaman nyang may nakahawak sa pisngi nya.

Glaiza: Marx..................
Marx: Morning.
Glaiza: Kanina ka pa gising?
Marx: Di naman masyado. So kamusta ang tulog mo? Mrs. Topacio?

Napangiti na lang si Glaiza.

Glaiza: Okay lang. Ikaw?
Marx: Better. May nakayakap kasi sa kin buong magdamag eh. Di mo naman siguro ako ni-rape noh?
Glaiza: Di ah. Kapal nito.

Pumikit ulit si Glaiza.

Marx: Hey, bangon ka na. Mamaya ka na ulit matulog.
Glaiza: Pwedeng dito muna tayo?
Marx: Bakit?

Tiningnan ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Marx................
Marx: Hmm...................
Glaiza: Can I ask you something?
Marx: Ano yun?
Glaiza: Kakapalan ko na ang mukha ko sa pagtatanong nito.
Marx: Ano nga?
Glaiza: Bakit walang nangyari kagabi?

Natigilan si Marx.

Glaiza: Marx..................
Marx: Why are you asking that?
Glaiza: Curious lang.

Bumangon na si Marx.

Marx: Bakit? Gusto mo bang may mangyari?
Glaiza: To be honest? Hindi ko alam. Wala pa naman kasi akong experience sa ganitong bagay eh kaya nakakapag-alangan lang. Pero kung mag-iinsist ka-----------------
Marx: Ayokong pilitin ka Glaiza sa mga bagay na hindi mo gustong gawin. Kaya walang nangyari kagabi, dahil alam kong hindi ka pa handa, that's all. Tsaka, ba't ba ito ang pinag-uusapan natin first thing in the morning?
Glaiza: Napaisip lang naman ako.
Marx: Now, pwede na ba tayong bumaba para makapag-almusal na tayo?
Glaiza: Okay.

Pero biglang pinigilan ni Glaiza si Marx.

Marx: What?

Hinalikan sya ni Glaiza.

Glaiza: Thank you sa pag-intindi.

Napaiwas na lang ng tingin si Marx.

Glaiza: Sige, bababa na ko.

Lumabas na ng kwarto si Glaiza.

Marx: ( Haay....................... Stop being so sweet, Glaiza. ) I might fall for you again.

( Samantala )

Nakangiti lang si Glaiza habang nagpeprepare sya ng breakfast nila nang bigla na namang sumakit ang ulo nya. May nakita na naman sya sa isip nya.

( Flashback )

Glaiza: Pa, ibalik mo na ko, please..................
Papa: No, you're not going back there, Glaiza. Hindi ka nababagay dun, naiintindihan mo?
Glaiza: Pa, kailangan ako ng anak ko tsaka si Marx. Papa please....................... just let me go.

Umiiyak na si Glaiza.

Papa: No. Hindi ko hahayaang masira ang buhay mo nang dahil lang sa lalaking 'yan. Bantayan nyo si Glaiza at siguraduhin nyong hindi sya makakatakas.

Sumunod naman ang dalawang bantay ni Glaiza at agad umalis ang Papa ni Glaiza.

Glaiza: Pa! Pa, pakawalan nyo ko dito! Pa, kailangan ako ni Marx at Mraz!

( End of Flashback )

Dahil sa sakit na nararamdaman ni Glaiza, bigla syang hinimatay.





( To Be Continued )

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now