Marx: Sige na. Tapusin na natin 'tong niluluto natin para makakain na tayo ng lunch.
Glaiza: Lunch agad? Di ko pa nga nakakain yung dessert ko eh.
Marx: Dessert? Aah................. yung ice cream? Wait, kukunin ko lang.
Agad pinigilan ni Glaiza si Marx.
Glaiza: Hindi naman yun yung tinutukoy ko eh.
Marx: Huh?
Tinanggal ni Glaiza ang suot na apron ni Marx. Hinaplos nya ang pisngi ni Marx. Nilapit nya ang mukha nya rito.
Glaiza: Akala ko ba..................... ikaw ang dessert ko.
Hinaplos nya ang labi ng asawa nya.
Marx: Re-really?
Glaiza: Yeah, sabi mo kanina.
Napatingin sya sa mga mata ni Marx.
Glaiza: Sa'n kaya kita uumpisahang kagatin?
Agad napaatras si Marx at lumayo kay Glaiza.
Marx: I'm just kidding kanina. You didn't take it seriously, right?
Unti-unting lumapit si Glaiza kay Marx. Napaatras naman si Marx pero agad syang napahinto dahil wala na syang maaatrasan. Agad naman kinorner ni Glaiza si Marx.
Marx: Mahal....................
Glaiza: Ba't parang kinakabahan ka, Mahal?
Napalunok si Marx. Hinaplos ulit ni Glaiza ang pisngi ni Marx at bumaba ang haplos nya hanggang sa leeg nito pababa sa dibdib nito.
Glaiza: Ba't di natin sulitin ang pag-absent mo diba?
Marx: Yung niluluto natin....................... baka kung ano ng nangyari dun.
Glaiza: Iniiwasan mo ba ko? Ayaw mo ba?
Nakatingin lang sila sa isa't isa.
Marx: ( There she is again. Nalulungkot na naman sya. Eh ba't di mo na lang kasi pagbigyan, Marx? Gusto mo rin naman diba? )
Niyakap nya si Glaiza.
Marx: I love you.
Tiningnan nya si Glaiza at hinalikan nya ito. Hinawakan nya ang pisngi nito.
Marx: Pagbibigyan kita kung yan ang gusto mo.
Kinabig nya ito palapit sa kanya at hinalikan nya ito. Napahawak si Glaiza sa mga balikat ni Marx. Maya maya, lumalim na ang paghahalikan nila hanggang sa bahagyang itinulak ni Glaiza si Marx.
Marx: Why?
Glaiza: Kung napipilitan ka lang na gawin to dahil gusto ko....................... let's just stop this. I don't wanna force you, Marx.
Marx: It's not like that. It's just that......................
May biglang tumikhim.
Sanya: Anong nangyayari dito?
Sabay silang napatingin kay Sanya. Kasama ni Sanya sina Gabbi, Ruru at Rocco.
Sanya: Siguro may ginagawa kayong something noh?
Nagkatinginan sina Marx at Glaiza.
Marx: That's what I'm talking about.
Glaiza: Huh?
Marx: They're coming kasi kaya hindi pwede................. for now.
Glaiza: Aah............ okay. Gets ko na. Di mo naman kasi sinabi sa kin agad eh. Akala ko tuloy................. ayaw mo talaga eh.
Marx: Pwede ba yun? Kung pwede nga lang............... aaraw-arawin kita eh.
Agad namula si Glaiza sa sinabi ni Marx at napangiti sya. Binulungan nya si Glaiza.
Marx: Don't worry. Pwede mamayang gabi.
Sanya: Anong pinagbubulungan nyo dyan huh?
Gabbi: Baka personal. Wag mo na ngang kulitin.
Marx: Sige na. Sumama ka na sa kanila.
Glaiza: Huh? Why? Sa'n naman kami pupunta?
Sanya: Basta. Sumama ka na lang.
Niyakap ni Glaiza si Marx.
Glaiza: Dito lang ako.
Biglang hinila ni Sanya ang buhok ni Glaiza.
Sanya: Ang OA mo, huh? Sumama ka muna sa min para makapagbonding tayo. Grabe, magtatampo na kami ni Gabbi sayo nyan.
Marx: Sige na, Mahal. Magprepare ka na para makasama ka na sa kanila.
Glaiza: Sige na nga.
Sumama si Glaiza kina Gabbi at Sanya at umakyat na sila sa kwarto.
( Room )
Gabbi: Anong pinag-usapan nyo kanina ni Marx?
Glaiza: Wala lang. Secret.
Sanya: Naglilihim ka na sa min ngayon huh?
Glaiza: Sa'n ba tayo pupunta?
Sanya: Pasyal-pasyal lang. Join ka na lang kasi. Di mo ba kami namiss ni Gabbi?
Glaiza: Ang lukaret mo talaga. Sige na, sige na. Magbibihis na ko.
( Kinagabihan )
Sanya: Haay..................... napagod ako dun huh? Nakakapagod pala mamasyal minsan noh?
Natawa silang tatlo. Naglalakad sila habang pauwi na sila sa bahay nina Glaiza.
Glaiza: Nakakamiss pala tong ganito. Yung nagbobonding tayong tatlo.
Sanya: Ikaw kasi eh. Nagpakasal ka na. Di na tuloy kami ang priority mo.
Glaiza: Sus! Nagdrama ka pa. Eh busy rin naman kayo sa kanya-kanya nyong lovelife eh. Ano? Sinagot nyo na ba?
Ngumiti at tumango si Gabbi.
Glaiza: Kailan pa?
Gabbi: Kanina lang.
Glaiza: Talaga? Congrats. Eh ikaw, Sanya? Kumusta na kayo ni Rocco?
Sanya: Ayun, nanliligaw pa rin. Pursigido sa panliligaw eh.
Glaiza: Ba't hindi mo pa sinasagot?
Sanya: Eh pinapahirapan ko pa eh. Bakit ba?
Glaiza: Ewan ko sayo. Pag yan sumuko, ewan ko na lang.
Sanya: Hindi yun susuko, patay na patay yun sa kin eh.
Glaiza: Wow! Ang taas ng confidence. Di ko ma-reach.
Natawa ulit sila. Nakaabot na sila sa bahay ni Glaiza.
Glaiza: Teka, ba't ang dilim? Brownout ba?
Napatingin sya sa bahay ng kapitbahay nila.
Glaiza: Meron namang kuryente.
Binuksan ni Glaiza ang gate nila. Pagtapak nya papasok , biglang umilaw ang gilid ng dadaanan nya at umilaw pa hanggang papunta sa garden ang ilaw nito. Napatingin si Glaiza kina Sanya at Gabbi.
Sanya: Just follow that pathway.
Gabbi: Dadalhin ka nyan sa true love mo.
Napailing na lang si Glaiza at napangiti sya.
Sanya: Susunod na lang kami.
Nagsimula ng maglakad si Glaiza papunta sa garden.
( Garden )
Glaiza: Marx.......................
Nilingon sya ni Marx at may hawak itong isang tangkay ng rose. May nakaset rin na table for two. May hawak rin si Marx na microphone.
Glaiza: A-ano 'to? Ba't may ganito? May okasyon ba?
Marx: Wala naman. Naghanda lang ako ng dinner date for us.
Napangiti si Glaiza.
Glaiza: Ba't naka microphone ka pa? Pa'no kung magalit ang kapitbahay natin?
Marx: Don't worry, Mahal. Nagpaalam na ko kanina sa kanila na mag-iingay ako ngayong gabi.
Natawa si Glaiza.
Glaiza: Kaya pala pinaalis mo ko kanina, huh? May hinanda ka palang ganito.
Marx: Of course. Special ka sa kin eh.
Sanya: Mamaya na yan! Umpisahan na ang event.
Natawa na lang sila. Nasa tabi lang sina Sanya, Gabbi, Ruru at Rocco.
Marx: But before we start our date, I'll sing for you first. Okay lang ba sayo yun?
Glaiza: Okay. Palagi mo na lang akong kinakantahan huh?
Marx: Bakit? Nagsasawa ka na ba sa boses ko?
Glaiza: Kailan ba ko nagsawa sa boses mo?
Sanya: Ano na?! Kakanta ka ba o hindi?!
Gabbi: Wag ka ngang atat dyan.
Marx: Okay.
Nag-umpisa na ang tugtog.
Marx: ~ Be my lady
Come to me and take my hand
and Be my lady
Truly I must let you know
that I'm in love with you
All I want is you
How I need you
so please... ~
Unti-unting lumapit si Marx kay Glaiza.
Marx: ~ Be my lady
Maybe you could lose the pain
if you just tell me
Say the words you long to whisper
that I want to hear
somethings on your mind
is it hidden in your smile ~
Binigay ni Marx ang rose kay Glaiza.
Marx: ~ Be My Lady
Just forget the past it's time to mend your broken heart
No walls divide us now
So dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now
I'll give you all I have ~
Kinabig ni Marx si Glaiza palapit sa kanya.
Marx: ~ Be My Lady
You're the one that I adore
So please believe me
I could never find the courage
To resist your charm
Nothing's more divine
Than each moment
You are mine ~
Pinalibot ni Glaiza ang mga kamay nya sa leeg ni Marx habang nakatingin sila sa isa't isa.
Marx: ~ Be My Lady
Just forget the past it's time to mend your broken heart
No walls divide us now
So dry the tears in your eyes
Nothing can stop us now
I'll give you all I have ~
Pinagdikit ni Glaiza ang mga noo nila at napapikit sya.
Marx: ~ Be My Lady
Let the sun shine through your heart
And make a brand new start
Stay with me each night and day
Through the rest of my life
Just like a work of art
My love will last until forever ~
May tumulong luha sa mata ni Glaiza.
Marx: ~ Just like a work of art
My love will last until.......... forever.......... ~
After kumanta ni Marx, hinalikan agad sya ni Glaiza.
Glaiza: Thank you for making me feel special.
Marx: Hindi mo kailangang magpasalamat. I love you that's why I'm doing this.
Sanya: Ay, grabe ang daming langgam dito! Masyado ng matamis.
Natawa ulit sila.
Marx: Let's have a seat?
Tumango si Glaiza. Paghakbang ni Glaiza, bigla syang napatigil dahil nakaramdam sya ng hilo. Napahawak sya sa ulo nya.
Marx: Glaiza, what's wrong?
Glaiza: Me-medyo nahihilo lang ako.
Marx: Maupo ka muna.
Nang humakbang ulit si Glaiza, nagdilim na ang paningin nya at bigla na lang syang nawalan ng malay. Agad naman syang nasalo ni Marx.
Marx: Glaiza!
( Hospital )
Naghihintay lang sila sa labas ng room ni Glaiza habang hinihintay nila ang sasabihin ng doktor. Maya maya, lumabas ang isang nurse.
Nurse: Pwede na po kayong pumasok sa loob.
Agad naman silang pumasok sa loob. Nilapitan agad ni Marx si Glaiza na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hinawakan agad ni Marx ang kamay nito.
Marx: Doc, ba't wala pa pong malay ang asawa ko?
Gabbi: Okay lang po ba sya?
Doc: She's okay. Kailangan nya lang magpahinga.
Sanya: Bakit po sya hinimatay?
Doc: You don't have to worry anything. Normal lang yan sa kondisyon nya ngayon.
Marx: Kondisyon? A-anong kondisyon?
Gabbi: Oh my God! May sakit ba si Glaiza?
Sanya: No....................
Biglang binatukan nina Rocco at Ruru sina Sanya at Gabbi.
Rocco: Ang OA, huh? Wala pa ngang sinasabi ang doktor eh pinapangunahan nyo na.
Ruru: Ano po bang kalagayan ni Glaiza, Doc?
Doc: Wala pong sakit si Mrs, Topacio in fact, it's a good news.
Marx: Good news?
Doc: I want to congratulate you, Mr. Topacio. Your wife is a month pregnant.
( To Be Continued )