Chapter 4

268 6 0
                                    

Lahat na ng customer nakatingin sa kanila.

Glaiza: Girls, baka palabasin na tayo dito ng may-ari. Chill lang kayo.

Unti-unti na ring umupo ang dalawa.

Gabbi: Tama ba yung narinig namin, Glaiza? Gusto nyang pakasalan mo sya?
Glaiza: Oo.
Sanya: Ba't nya naman hihingin yun? May gusto ba sayo ang lalaking yan?
Glaiza: No. Gusto nya lang akong tumayong ina ng anak nya.

Tiningnan ni Gabbi ang picture ni Marx.

Gabbi: Pero infairness huh? Ang lakas ng sex appeal ng lalaking 'to. Tanggapin mo na lang kaya ang offer nya para tapos na ang problema mo? Diba bet mo rin naman maging ina nung bata?

Nagkatinginan sina Sanya at Gabbi.

Glaiza: Pwedeng pakiayos ng suggestion mo, Gabbi? Nakakalimutan mo atang may boyfriend ako. And hindi basta-basta ang hinihingi nya sa 'kin.
Gabbi: Sorry. Nagsa-suggest lang naman eh.

Tumayo na si Glaiza.

Sanya: Where are you going?
Glaiza: Pupuntahan ko 'yang Marx na yan.
Sanya: Alam mo ba kung saan sya pupuntahan?

Natigilan si Glaiza.

Sanya: Samahan ka na lang namin.
Glaiza: You don't have to.
Gabbi: Okay lang, Glaiza. Always remember, nasa likod mo lang kami lagi.

Napangiti na lang si Glaiza sa dalawa.

Glaiza: Thanks. Kaibigan ko talaga kayo.

( MGM Company )

Nasa labas na ng building sina Sanya, Gabbi at Glaiza.

Gabbi: Nasa Pilipinas pa ba tayo? Feeling ko nasa Paris na tayo eh. Eiffel Tower ata tong nasa harapan natin eh.
Sanya: Well, what do you expect from Marx Topacio?
Glaiza: Wala akong pakialam kung gaano pa to kalaki ang building nya. Kapag hindi nya ko tinigilan, pasasabugin ko 'tong building nya.

Nauna ng pumasok si Glaiza at nagtanong agad sa may front desk.

Glaiza: Excuse me, nandito ba ngayon si Marx Topacio?
Girl: May appointment po ba kayo with Mr. Topacio , Ma'am?
Glaiza: Wala eh pero sabihin mo na lang na nandito ako.
Girl: Name po, Ma'am.
Glaiza: Sabihin mo nandito yung babaeng in-offeran nya ng kasal.

Natawa naman ang kausap ni Glaiza at pati ang kasama nito. Agad naman sumunod sina Sanya at Gabbi.

Sanya: Anong nangyayari dito?
Girl: Ma'am kung nagbabalak po kayong mag-prank sa min eh wag nyo na pong ituloy dahil kung may malilink man po na babae kay Mr. Topacio hindi po kayo yun kundi si Ms. Maxine.
Maxine: Narinig ko yata ang pangalan ko.

Napatingin sila sa kararating lang na girl. Tiningnan naman nila ito mula paa hanggang ulo.

Maxine: What are you looking at? Mesmerize by my beauty? Not surprising.
Gabbi: ( Akala mo naman kung sinong maganda. )
Maxine: Miss, nandyan ba si Marx?
Girl: Nasa office nya po. Tawagan ko po muna sya, Ms. Maxine.
Maxine: Okay.
Glaiza: ( Ang bias naman ng babaeng to. )

Tiningnan ulit sila ni Maxine.

Maxine: Ano nga palang ginagawa nyo dito?
Sanya: Gusto rin naming makausap si Marx.
Maxine: Why? May appointment ba kayo sa kanya?
Glaiza: Actually, wala. Pero importante ang sadya ko sa kanya.
Maxine: Oh............. don't tell me, isa kayo sa mga babaeng naghahabol sa kanya? Naku, kung ako sa inyo, ititigil ko na yan kasi ang mga babaeng katulad nyo ay yung mga babaeng hindi type ni Marx. Look at me, ganito ang mga babaeng bagay kay Marx.

Napabuga ng hangin si Glaiza.

Glaiza: Bes, may bagyo ba? Para kasing ang hangin bigla dito eh.

Natawa na lang sina Gabbi at Sanya sa tinuran ni Glaiza.

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now