Chapter 22

152 7 0
                                    

( Few Days Passed )

Pumunta si Glaiza sa mall ng mag-isa.

Glaiza: ( Sa isang araw na ang birthday ni Marx, ano kayang magandang iregalo sa kanya? )
Kate: Ate Glaiza?

Napalingon si Glaiza sa tumawag sa kanya.

Mikee: Ikaw na ba yan, ate Glaiza?

Nilapitan nila si Glaiza.

Glaiza: You look familiar.
Kate: Ano ka ba, ate? 5 years lang kaming nawala, nakalimutan mo na agad kami?
Mikee: Mikee and Kate. Kami yung twin sisters ni kuya Ken.
Glaiza: Aah............... sorry di ko kayo agad nakilala eh. It's been so long na rin kasi since nung huli ko kayong nakita eh.
Mikee: Pumunta kasi kami ni Kate sa Canada eh.
Kate: Sama ka muna sa 'min, ate. Gusto ka namin makausap pa ng mas matagal eh. Okay lang po ba?
Glaiza: Of course.

( Restaurant )

Glaiza: So kumusta na kayo? Kumusta ang naging life nyo sa Canada?
Mikee: Ayun, okay naman, ate. Ang daming gwapo dun.
Kate: Ang hilig mo sa mga gwapo. Pero you know what ate? May sari-sarili na kaming business nitong si Mikee.
Glaiza: Really? Anong business?
Kate: Itong si Mikee, may pastry shop na po sya. Alam nyo naman po, mahilig syang kumain. Kita naman sa katawan.

Hinampas ni Mikee si Kate.

Mikee: Grabe ka sa kin huh?

Natawa na lang si Glaiza sa dalawa.

Kate: Ako naman po may flower shop po ako.
Glaiza: Wow naman. That's great. Kumusta naman ang mga lovelife nyo? May boyfriend na ba kayo? Or mga manliligaw?
Mikee: Mga manliligaw po talaga? Pero wala pa po kaming boyfriend. May mga nanliligaw po sa 'kin. Kay Kate naman, meron din naman pero isang manliligaw lang ang pinapansin nya eh.
Kate: Wag ka nga.
Mikee: Totoo kaya.

Napangiti na lang si Glaiza sa dalawa.

Kate: Eh ikaw ate? Kumusta ka naman? How's your life po?
Glaiza: Okay lang naman.
Mikee: Parang blooming ka ngayon, ate. Mukhang ang lovelife mo ata ang dapat naming kumustahin dito eh.
Kate: Oo nga, ate. Kayo pa rin ba?

Natigilan si Glaiza.

Mikee: Bakit, ate? Hiwalay na ba kayo?

Tumango lang si Glaiza.

Glaiza: ( Ang awkward naman nito. And to think na mga kapatid pa 'to ni Ken tapos nakipaghiwalay ako sa kuya nila. )
Kate: Aww...................... sayang naman. Akala pa naman namin kayo na talaga hanggang huli. Bet ko pa naman po ang love story nyo. Diba, Mikee?
Mikee: Oo nga. Para nga po kayong you and him against the world eh. Bakit naman po kayo naghiwalay, ate?
Glaiza: Mahabang kwento eh. Ayoko sanang pag-usapan pa.
Kate: Ganun po ba? Pero sayang pa rin po eh. To think na pinaglaban nyo pa po yung pag-ibig nyo sa harap ng maraming tao. Naaalala mo pa ba yun, Mikee? Yung nagkaroon ng engagement party sina kuya Ken at ate Glaiza?
Glaiza: ( Pinaglaban talaga sa harap ng maraming tao? Ganun ba talaga ang love story namin ni Ken? Come to think of it. Pa'no ko nga pala naging boyfriend si Ken? Ever since I woke up sa hospital 4 years ago, sabi nya boyfriend ko na sya. )
Mikee: Naaalala ko pa yun noh. Kahit kuya natin si kuya Ken, boto ako dun sa boyfriend ni ate Glaiza.
Kate: Naaalala ko pa ang sinabi ni ate Glaiza nun sa party eh. It's like this, " I'm sorry, Pa. Pero hindi ko mahal si Ken. Hindi ko kayang magpakasal sa kanya. "
Mikee: Tapos bumaba sya sa stage nun tapos nilapitan nya yung boyfriend nya tapos sabi nya, " May iba akong mahal at hindi si Ken yun. " Tapos hinawakan nya ang kamay ng boyfriend nya.
Kate: Tapos sabi nya, " Si....................... ", Teka lang, ano nga ulit yung pangalan ng boyfriend ni ate Glai?
Mikee: Teka.................... isipin ko muna, huh? Parang Ma.................... ano nga ba yun?
Kate: Ah, Marx!
Mikee: Tama! Marx nga yun.
Kate: Tapos sabi nya, " Si Marx ang mahal ko. "

Sabay na napatili sina Kate at Mikee.

Kate: Kinilig talaga ako dun.
Mikee: Ako rin. Naaalala mo pa yun, ate?

Hindi nakasagot si Glaiza.

Kate, Ate Glaiza, okay ka lang?
Glaiza: Marx................
Mikee: Opo. Yung boyfriend nyo po. Curious tuloy ako kung bakit kayo naghiwalay eh parang ang tibay pa naman ng love nyo sa isa't isa.
Glaiza: Akala ko ang tinutukoy nyong boyfriend ko ay ang kuya Ken nyo.
Kate: Huh? Bakit po? Naging kayo po ba ni Kuya Ken?

Hindi ulit nakasagot si Glaiza.

Mikee: May problema ba, ate?

Agad kinuha ni Glaiza ang phone nya at hinanap nya ang picture ni Marx. Nang makahanap sya ay pinakita nya ito kina Kate at Mikee.

Glaiza: Sya ba ang Marx na tinutukoy nyo?
Kate: Ay, infairness mas naging gwapo sya ngayon huh.
Mikee: Oo, ate. Sya nga yan. Akala ko ba hiwalay na kayo? Ba't may picture ka pa po nya sa phone nyo?
Kate: Uy................... si ate hindi pa nakakamove on kay kuya Marx.

Kinilig naman sina Mikee at Kate.

Glaiza: Sorry pero kailangan ko ng umalis, huh? May kailangan pa kong puntahan eh. Next time na lang huh?
Kate: Sure, ate.
Mikee: Bye, ate Glaiza.

Lumabas na si Glaiza sa restaurant. Agad syang nag-dial ng number.

Glaiza: Hello, Ken? I need to talk to you.

( Samantala )

Rocco: Ang saya-saya mo ah. Nagbago ka na nga talaga. Dati-rati, nakasimangot ka lagi eh.
Ruru: Ganyang talaga ang nagagawa ng love.
Marx: Tigilan nyo nga ko.
Rocco: So...................... ano nang plano mo? May plano ka pa bang sabihin kay Glaiza yung tungkol sa past?
Marx: Hindi na. Nakapagdecide na ko na kakalimutan ko na ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Ang mahalaga ngayon kasama na namin sya ni Mraz. We can make new memories, right?
Ruru: Yun oh.

Natawa na lang silang tatlo.

( Samantala )

After 30 minutes, nakarating na si Ken sa tabing-dagat na tinutukoy ni Glaiza. Napangiti si Ken nang mamataan nya s Glaiza.

Ken: Glaiza..................

Napatingin sa kanya si Glaiza. Yayakapin na sana nya si Glaiza pero agad syang pinigilan nito.

Glaiza: Stop! Dyan ka lang.
Ken: Glaiza, I miss you...................
Glaiza: Hindi ako nakipagkita sayo para dyan, Ken. Nandito ako dahil may mga tanong ako na alam kong alam mo ang mga sagot.
Ken: Anong pinagsasasabi mo?
Glaiza: Nagkita kami nina Mikee at Kate sa mall. Nagkuwentuhan kami and may nabanggit sila sa kin.

Agad napansin ni Glaiza ang takot sa mga mata ni Ken.

Glaiza: Nabanggit nila sa kin si Marx na naging boyfriend ko daw dati 5 years ago.. At nung pinakita ko sa kanila ang picture ni Marx na asawa ko ngayon, sabi nila na yun daw ang boyfriend ko na tinutukoy nila.

Napaiwas ng tingin si Ken kay Glaiza.

Glaiza: So tell me......................... ano ba talaga ng nangyari 5 years ago? Cause when I asked you before, sabi mo may pupuntahan dapat tayong date nun pero naaksidente lang yung sasakyan na sinasakyan natin. Ano ba talaga ang totoo, Ken? Totoo ba yung mga sinabi nina Kate at Mikee sa kin?

Hindi nakasagot si Ken.

Glaiza: Okay lang kung hindi mo sagutin ang tanong ko. Marami pa naman akong pwedeng pagtanungan eh. And kung sasagutin mo man ang mga tanong ko, please be honest, okay? Dahil pagod na pagod na kong makarinig ng mga kasinungalingan, Ken.

Aalis na sana si Glaiza pero biglang nagsalita si Ken.

Ken: Yes. Totoo ang sinabi nila sayo.

Nilingon ni Glaiza si Ken pero nanatili itong nakatalikod sa kanya.

Ken: 5 years ago, you fell in love with him. Kahit na ayaw sa kanya ng Papa mo, pinaglaban mo pa rin yung pagmamahal mo sa kanya. Sumama ka sa kanya and nagpakalayo-layo kayo.

Hinarap sya ni Ken.

Ken: Pero hindi hinayaan ng Papa mo na magtagal pa ang kahibangan mo sa kanya. Nung nagkaroon sya ng pagkakataon, pinadukot ka nya at kinulong sa bahay nyo para ilayo ka sa mag-ama mo.
Glaiza: Mag-ama ko?
Ken: Sina Marx at Mraz. Totoong mag-ama mo sila. At oo, anak mo nga si Mraz.

Agad tumulo ang luha ni Glaiza.

Glaiza: No.................
Ken: At dahil alam namin kung gaano ka kamahal ni Marx and we're very certain na hahanapin ka nya, inunahan na namin sya. Pinuntahan sya ng Papa mo at sinabi nya kay Marx na iniwan mo na sila. Na hindi mo na kayang mabuhay kasama sila. But hindi pa rin naniwala si Marx sa mga sinabi ng Papa mo so....................
Glaiza: So......................
Ken: Binigyan sya ng picture ng Papa mo.
Glaiza: What picture?
Ken: Picture nating dalawa. When I kissed you and when I ..................... when I nearly raped you. Pero pinalabas ng Papa mo na pareho nating ginusto ang nangyari.

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni Glaiza.

Ken; I'm sorry.

Pinipigilan ni Glaiza ang sarili nya na sumabog sa galit dahil may mga bagay pa syang gustong malaman.

Glaiza: Bakit hindi ko sila maalala?
Ken: Dahil may amnesia ka. Two months after kang dukutin ng Papa mo, tumakas ka. Hinabol ka namin but you were desperate na makaalis at makabalik sa mag-ama mo. And then nabangga ka ng isang sasakyan. Na-coma ka for 8 months.
Glaiza: And when I woke up you told me na boyfriend kita at pinalabas nyo na wala akong iniwang mag-ama, ganun ba?

Patuloy pa rin sa pagluha si Glaiza.

Ken: Nagawa ko lang yun kasi mahal kita eh. And since nakalimutan mo sila, inisip ko na baka pwede mo na kong mahalin.
Glaiza: Mahal mo ko?

Nilapitan nya si Ken at sinampal nya ito ng napakalakas.

Glaiza: Kung mahal mo ko, hindi mo ko lolokohin ng ganito.

Hinawakan ni Ken ang mga kamay nya.

Ken: I'm sorry.

Binawi nya ang mga kamay nya at sinampal nya ito sa magkabilang pisngi.

Glaiza: Ano? Masakit ba? Kulang na kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon! Kulang pa yan sa sakit na pinaranas nyo sa mag-ama ko!

Napahagulhol si Glaiza.

Glaiza: Kaya pala.................... kaya pala nung nakita ko si Mraz, ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. Anak ko na pala yung nasa harapan ko, hindi mo man lang nakilala. And si Marx. Kaya pala ganun na lang sya kagalit sa kin kasi pinaniwala nyo sya sa isang kasinungalingan. Kaya naman pala ang hirap para sa kanya na mahalin ako.
Ken: Glaiza, hindi ka pinakasalan ni Marx dahil lang kay Mraz. Gusto ka nyang pahirapan. Gusto nyang gumanti sayo.
Glaiza: Don't you think I deserve that? Deserve ko naman yun diba? Kasi hindi ko na sila binalikan? Dahil kinalimutan ko sila ng basta-basta while sila.....................

Hindi mapigilan ni Glaiza ang pagbuhos ng mga luha nya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya.

Glaiza: While sila hinintay ako ng mahabang panahon hanggang unti-unti na silang nawawalan ng pag-asa na babalik pa ko. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun? For 5 years, nawalay ako sa mag-ama ko. Sa mga panahong lumalaki si Mraz, sa mga panahong kailangan ako ni Marx sa pagpapalaki kay Mraz, I wasn't there. So, tell me. Hindi ko ba deserve ang pagpapahirap na gagawin nya?
Ken: Glaiza, it's not your fault.
Glaiza: I know. Biktima lang naman kami dito eh. Kasalanan nyo to ni Papa eh. Dahil sa inyo nasaktan ang mag-ama ko. I hate you. Ayaw na kitang makita.

Tinalikuran na sya ni Glaiza. Hinawakan sya ni Ken sa braso pero agad pumiksi si Glaiza.

Glaiza: Wag mo kong hahawakan. Galit ako sayo kaya please...................... lumayo ka na lang.

Tuluyan ng umalis si Glaiza.




( To Be Continued )

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now