Chapter 14

140 6 0
                                    

( Kinagabihan )

Gabbi: Kumusta naman si Marx? Okay lang ba sya?
Sanya: Hindi ba natuluyan?
Glaiza: Sanya, wag ka ngang magsalita ng ganyan. Nasaksak na nga yung tao eh.
Sanya: Teka, teka. Anyare sayo, Glaiza? Nung nakaraan lang, sa sobrang bwisit mo sa lalaking yun, gusto mo na nga syang patayin eh.
Glaiza: Do you really think na gugustuhin kong may mamatay huh?
Sanya: Well, parang may nag-iba lang kasi sayo. So............... kumusta na ang naging pag-uusap nyo ni Ken?
Glaiza: Actually, hindi kami nakapag-usap ng maayos eh. Dumating kasi si Marx tapos sila yung nag-usap.
Sanya: Tapos? Anong pinag-usapan nila?
Glaiza: Hindi ko din alam. Pinalabas ako ng dalawa eh.
Sanya: So anong nangyari sa inyo ni Ken? Nakipagbreak ka ba sa kanya?
Glaiza: I broke up with him pero hindi sya pumayag eh tapos ayun nga biglang dumating si Marx. And ever since then, hindi ko na rin nakausap si Ken.
Sanya: You know what? Feeling ko tinakot na naman yan ni Marx kaya hindi ka na kinokontak ni Ken. Yang mapapangasawa mo talaga, ang hilig manakot.
Glaiza: Hindi naman. Mabait din naman yun.
Sanya: May iba talaga sayo eh. Totoo ba 'tong nakikita ko? Ba't parang kinikilig ka? Namumula ka din tapos nakangiti ka.

Napasinghap si Sanya.

Sanya: OMG! In love ka sa Marx na yun?
Glaiza: Di ah.
Sanya: Hoy, Glaiza! Tigil-tigilan mo ko huh. Kilala kita and ngayon lang kita nakitang nagkakaganyan. Kahit kay Ken, hindi ka naman ganyan. Anong ginawa sayo ng lalaking yun at nahulog ka sa kanya huh?
Glaiza: Wala.
Sanya: Alam mo, nakakairita yang sagot mo. Ang haba ng sinabi ko tapos wala lang ang isasagot mo.
Glaiza: Eh wala naman talaga syang ginawa eh. Bigla ko lang...................... naramdaman.
Sanya: You mean, you unexpectedly fall for him?

Ngumiti na lang si Glaiza.

Sanya: Nakakaloka ka. Kaya pala ang blooming mo ngayon. In love ka pala. Pa'no ba yan nangyari? Dati-rati, galit na galit ka pa sa kanya huh?
Glaiza: Let's say...................... mas nakikilala ko yung totoong sya nung nag-stay ako sa kanila kahit sandali lang. May side pala sya na sweet................ caring.
Sanya: Pa'no naging sweet?
Glaiza: Basta. Wag ka ng maraming tanong. Teka, asan na nga pala yun si Gabbi?
Sanya: Oo nga noh. Asan na ba yun?
Gabbi: Sanya!!!!!!!!!!!

Narinig nilang sumigaw si Gabbi mula sa kwarto ni Glaiza. Agad pumunta sina Sanya at Glaiza sa kwarto.

Sanya: Anong sinisigaw-sigaw mo dyan?
Gabbi: Look.

Pinakita ni Gabbi ang wedding gown kay Sanya.

Sanya: Hala sya! Ang ganda naman nito. Ito ang isusuot mo sa kasal mo, Glaiza?
Glaiza: Oo.
Sanya: Ang ganda naman nito. Naku for sure, lalo kang magmumukhang dyosa nito.
Glaiza: Grabe ka naman.
Gabbi: Invited ba kami sa kasal, Glaiza?
Glaiza: Oo naman. Kayo pa ba?
Sanya: So, saan gaganapin ang kasal?
Glaiza: Hmm.................. di ko pa alam eh. Di ko pa natatanong kay Marx.
Sanya: Nag-seminar na ba kayo?
Glaiza: Hindi pa.
Sanya: Seriously, Glaiza? Magpapakasal ba talaga kayo? Kaloka, malapit na ang wedding, wala pang seminar.

( AFTER THAT )

Matutulog na sana si Glaiza nang biglang mag-ring ang phone nya. Pag-check nya, si Marx ang tumatawag. Napabalikwas agad sya ng bangon. Sinagot nya agad ang tawag.

Glaiza: Hello.
Marx: So................ nakita mo na?
Glaiza: Ang alin?
Marx: Yung wedding gown.
Glaiza: Ah, oo. Maganda nga eh.
Marx: Yan lang ang masasabi mo?
Glaiza: Ah, salamat nga pala dito
Marx: Hindi yan ang inaasahan kong sagot mula sayo, Glaiza.
Glaiza: Anong sagot ba ang gusto mo?

Biglang pinatay ni Marx ang tawag.

Glaiza: Binabaan ako.

Nahiga ulit si Glaiza. Muntik nang makatulog si Glaiza nang may biglang mag-doorbell. Napatingin si Glaiza sa oras.

Glaiza: 10:00pm na ng gabi ah.

Bumangon sya at pumunta sa labas.

Mraz: Hello, Mom!

Nakita nya si Mraz at Marx sa may gate. Binuksan nya ang gate at pinapasok ang dalawa.

Glaiza: Anong ginagawa nyo dito?
Mraz: Dad said dito daw po kami matutulog ngayong gabi.
Glaiza: What? Bakit?
Mraz: Sabi ni Dad gusto nyo daw po na dito po kami matulog.

Napatingin si Glaiza kay Marx pero sa ibang direksyon nakatingin si Marx.

Mraz: Pasok na po ako sa loob, Mom.

Tumakbo papasok ng bahay si Mraz. Tiningnan ni Glaiza si Marx at naghintay ng explanation nya.

Glaiza: Ano? Wala ka bang sasabihin?

Napabuntong-hininga si Marx.

Marx: Fine. I lied. Gusto mo kong parusahan? Sige, kiss mo na ko.
Glaiza: Mas gusto kong malaman kung bakit ka pumunta dito.
Marx: Bakit? Bawal ba kaming matulog dito? Nakitulog ka nga rin sa 'min eh. Sige, pasok na ko sa loob huh?

Nauna nang pumasok si Marx. Napailing na lang si Glaiza. Nasa loob na sila ng kwarto.

Mraz: Dad, kasya po ba tayong tatlo dyan sa kama ni Mom?
Glaiza: Don't worry, dyan na lang kayong dalawa ng Dad mo sa kama. Okay lang naman ako dito sa sahig eh. Maglalapag na lang ako ng comforter dito.
Mraz: If Mom's gonna sleep on the floor, then I'll sleep on the floor too.
Glaiza: Hindi. Dun na kayo sa kama.
Marx: Parang mas masarap nga matulog sa sahig.

Kumuha ng comforter si Marx sa cabinet ni Glaiza at nilapag nya ito sa sahig.

Marx: There. It's done. So............... let's sleep? Inaantok na ko eh.

Nauna nang humiga si Mraz.

Mraz: Tabi po sa 'kin si Mom tapos tabi po si Dad kay Mom.

Glaiza: ( Wow........... planado. )

Napatingin si Glaiza kay Marx.

Marx: Hey, sya ang nagdesisyon nun not me.

Nahiga na si Glaiza sa tabi ni Mraz. Niyakap nya ang bata.

Glaiza: Goodnight, Mraz.
Mraz: Goodnight, Mom.

Kinumutan ni Marx ang dalawa.

Mraz: Dad, hindi ka pa po ba matutulog?
Marx: Dito na lang ako sa kama matutulog. Ayaw ni Mom mo na tumabi ako sa kanya eh.
Glaiza: Wala akong sinasabi, Marx.
Marx: Obvious naman na ayaw mo.

Bumangon si Glaiza at hinila si Marx para tumabi sa kanila.

Glaiza: Wag ka na ngang umarte dyan. Matulog ka na.

Nahiga na ulit sila.

Mraz: Dad, can you hug Mom? Para hindi po sya masyadong lamigin.

Magkaharap sina Mraz at Glaiza. Nakatalikod lang si Glaiza kay Marx.

Marx: Mraz, matulog na tayo, okay?

Kinuha ni Mraz ang kamay ni Marx at sya mismo ang naglagay nito sa bewang ni Glaiza.

Mraz: There. Goodnight, Mom. Goodnight, Dad.

Natulog na s Mraz. Tatanggalin na sana ni Marx ang kamay nya sa bewang ni Glaiza pero pinigilan sya nito.

Glaiza: Okay lang, Marx.

Humarap si Glaiza kay Marx at hinalikan nya ito sa labi.

Glaiza: That's your punishment dahil nagsinungaling ka kay Mraz kanina.

Nakatitig lang si Marx kay Glaiza.

Glaiza: Goodnight, Marx.

Tumalikod na ulit si Glaiza kay Marx.

Glaiza: ( Alam kong sarado ang puso mo ngayon, Marx pero gagawin ko ang lahat, makapasok lang ako. )

( Kinaumagahan )

Pagkagising ni Glaiza, wala na sina Marx at Mraz.

Glaiza: ( Umalis na sila? Di man lang ako ginising. )

Nagsimula ng magligpit si Glaiza. After nyang magligpit, lalabas na sana sya ng kwarto pero biglang bumukas ang pinto.

Marx: Good morning.
Glaiza: Marx? Anong ginagawa mo dito? Akala ko nakaalis na kayo.
Marx: Nag-prepare lang kami ng breakfast ni Mraz. Come, let's eat.
Glaiza: Teka, bihis lang ako.
Marx: What for? Okay naman ang suot mo ah. Don't worry, maganda ka pa rin kaya halika na.

Hinila na ni Marx si Glaiza papunta sa hapag-kainan. Pinaupo nya si Glaiza.

Mraz: Good morning, Mom.
Glaiza: Good morning, Mraz.

Kiniss nya ito sa cheek.

Glaiza: Kumusta ang tulog mo? Okay lang ba?
Mraz: Okay naman po, Mom.

Napatingin si Glaiza sa mga nakahandang pagkain. Napatingin sya kay Marx.

Glaiza: Ikaw ang nag-prepare nito?
Marx: May iba pa ba? So, let's eat.

( After that )

Naghuhugas ng pinggan si Marx nang biglang sumulpot si Glaiza.

Marx: Si Mraz?
Glaiza: Nanonood ng tv.
Marx: Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?
Glaiza: Curious lang ako ba't ang galing mong magluto and marunong ka rin palang gumawa ng mga gawaing-bahay like paghuhugas.
Marx: Nakakalimutan mo atang galing ako sa hirap bago ako nakarating sa ganitong estado ng buhay.
Glaiza: Now that you mention it, curious lang ako------------
Marx: Lagi ka naman atang curious eh.
Glaiza: Pa'no ka ba yumaman?
Marx: Bakit? Gusto mo ring bumalik sa pagiging mayaman?
Glaiza: Alam mong dati akong mayaman?
Marx: Pinaimbestigahan kita eh so alam ko.
Glaiza: So pa'no nga? Pa'no ka nakaangat sa buhay?
Marx: Well, wala naman talaga akong planong magpayaman eh. Kuntento na ko sa buhay na meron ako.

Napatingin sa kanya si Marx.

Marx: Hanggang sa iwan nya kami.

Binalik ulit ni Marx ang atensyon nya sa paghuhugas.

Marx: Napaisip ako. Sabi ko sa sarili ko, " Pano kaya kung mayaman ako? Baka hindi sya magkaroon ng rason para iwan kami."
Glaiza: So ginawa mo ang lahat makaangat ka lang sa buhay? Para magkaroon sya ng rason para balikan kayo?
Marx: Ginawa ko ang lahat ng 'to para pag nagkaharap kami, may maipagmalaki na ko sa kanya. Para maisumbat ko sa kanya lahat ng mga kasalanang nagawa nya. Sa sobrang dami ng gusto kong isumbat sa kanya, feeling ko sasabog na ang puso ko sa galit.

Unti-unting, lumapit si Glaiza kay Marx at niyakap nya ito ng mahigpit.

Marx: What are you doing?
Glaiza: Gusto kong tanggalin lahat ng nagpapabigat sa puso mo. Gusto kong bawasan ang sakit na nararamdaman mo. Hindi mo ba kayang i-let go ang lahat ng sakit?
Marx: Masyadong mahirap.

Hinarap ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Then let me help you.
Marx: How?
Glaiza: Yan ang pag-iisipan ko pa. Basta, uunti-untiin natin hanggang sa tuluyan ka ng makamove on para makapagpatuloy ka sa buhay mo nang walang bitibit na sama ng loob.

Hinawakan ni Glaiza ang kamay ni Marx.

Glaiza: At habang ginagawa mo yan, lagi lang akong nandito sa tabi mo para alalayan at suportahan ka.

Niyakap ulit sya ni Glaiza.

Marx: Glaiza, hindi pa ko tapos maghugas.

Agad bumitaw si Glaiza kay Marx

Glaiza: Oops, sorry. Sige, pupuntahan ko muna si Mraz.

Lumabas na si Glaiza sa kusina. Pinagpatuloy ulit ni Marx ang paghuhugas.

Marx: ( Kaya mo ba talaga , Glaiza? Kaya mo bang tanggalin lahat ng sakit na ikaw mismo ang nagbigay? )

Napabuntong-hininga na lang si Marx.





( To Be Continued )

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now