Chapter 19

155 6 0
                                    

( Samantala )

Sanya: O, bakit ganyan ang mukha mo? Nag-away ba kayo ni Marx?
Glaiza: Ayoko munang pag-usapan.
Sanya: Okay.

Nilapitan ni Mraz si Glaiza.

Mraz: Mom, why are you sad?
Glaiza: May iniisip lang si Mom, okay? Wala kang dapat ipag-alala.
Mraz: Si Dad po?
Glaiza: Nasa kwarto sya, inaantok na ata eh. Hayaan na muna natin si Dad huh?
Mraz: Okay, Mom.

( After that )

Pumasok na si Glaiza sa kwarto nila ni Marx. Nakita nya ito na ginagamot ang sugat nito sa kamay. Agad syang nilapitan ni Glaiza.

Glaiza: Marx, anong nangyari?
Marx: Wala lang 'to. Konting sugat lang. Umuwi na ba sila?
Glaiza: O-oo.
Marx: Si Mraz?
Glaiza: Pinatulog ko na.
Marx: Magbihis ka na dun sa banyo para makatulog na tayo.
Glaiza: If you want, ako na lang maggagamot sa sugat mo.
Marx: No, thanks, Glaiza. Kaya ko na 'to. Magbihis ka na.
Glaiza: O-okay.

Pumasok na si Glaiza sa banyo. Napabuntong-hininga na lang si Glaiza.

Glaiza: Galit ata sya eh.

Pagtingin nya sa salamin, basag ito.

Glaiza: Anong nangyari dito?

Naisip ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Sinuntok nya to?

Biglang nalungkot si Glaiza.

Glaiza: Ganun ba sya kagalit sa 'kin para saktan nya ang sarili nya?

Agad na nagbihis si Glaiza at lumabas na sya ng banyo.

Marx: Let's sleep.

Tumayo na si Marx at lilipat na sana sa kabilang side ng kama nang bigla syang pigilan ni Glaiza. Hinawakan nito ang kamay nya na may sugat.

Marx: Why?
Glaiza: Galit ka eh.
Marx: No, I'm not.
Glaiza: Yes, you are. Kasi hindi mo sasaktan ang sarili mo kung hindi.

Tiningnan ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Kung galit ka sa 'kin baka pwedeng sabihin mo naman sa 'kin o kahit sa kin mo na lang ibunton ang galit mo, maiintindihan ko naman eh. Just don't hurt yourself.
Marx: Ah.............. yung salamin ba sa banyo? Don't worry, papalitan ko rin yun bukas na bukas.
Glaiza: Marx naman eh................... I don't care kung ilang salamin pa ang mabasag mo. Wag mo lang saktan yung sarili mo. Nasasaktan din kasi ako kapag nasasaktan ka eh.
Marx: You don't have to, Glaiza.
Glaiza: I know, I know. I just can't help it.

Nakatitig lang si Marx kay Glaiza.

Glaiza: Mahal kasi kita eh.

Napayuko si Glaiza at may tumulong luha sa mata nya.

Marx: Don't say that............

Tiningnan ulit ni Glaiza si Marx.

Marx: Hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo, Glaiza.
Glaiza: I know it's too soon................ but I know............. alam kong mahal kita.
Marx: Enough.

Babawiin na sana ni Marx ang kamay nya kay Glaiza pero hindi ito binitawan ni Glaiza.

Glaiza: Ba't ang hirap sayong paniwalaan ang sinasabi ko?
Marx: Dahil hindi ko kayang pagkatiwalaan ang nararamdaman mo para sa kin.

Hindi nakasagot si Glaiza.

Marx: And like I said, hindi ka pa sigurado--------------

Binitawan ni Glaiza ang kamay ni Marx.

Glaiza: Sigurado ako, Marx! Sabihin mo na lang sa 'kin kung pareho lang ba tayo ng nararamdaman o hindi.
Marx: No. Hindi tayo pareho ng nararamdaman. Happy?

Isa-isang pumatak ang mga luha ni Glaiza.

Glaiza: No? Kahit konti lang? Wala ba talaga?
Marx: Hindi kita kayang mahalin, Glaiza so if I were you magfofocus na lang ako kay Mraz.

Pinahid ni Glaiza ang mga luha nya.

Glaiza: Okay, if that's what you want.

Tinalikuran na ni Glaiza si Marx.

Marx: Where are you going?
Glaiza: Tatabi na lang siguro muna ako kay Mraz ngayong gabi. Ayoko lang kasi yung feeling na kahit malapit lang ako sayo pero parang ang layo layo mo pa rin sa kin. Sige, lalabas na ko.

Lumabas na si Glaiza sa kwarto nila ni Marx. Napaupo na lang si Marx sa kama nila.

Marx: I hurt her. Nasaktan ko sya....... yet I'm hurting too.

May tumulong luha sa mata ni Marx.

Marx: I still love her.

Napahiga si Marx sa kama.

Marx: I love her but it's not enough para muli ko syang papasukin sa puso ko. There's a possibility na masaktan nya ko uli.

Ipinikit na ni Marx ang mga mata nya.

( A week after )

Inaya ni Glaiza sina Sanya at Gabbi sa isang coffee shop.

Sanya: Feeling ko may problema ka kaya inaya mo kami. So, spill it.
Glaiza: Parang ang liit liit lang kasi ng bahay pag magkasama kami ni Marx eh.
Sanya: Hmm................. parang may nahihimigan akong LQ dito ah? At ano namang pinag-awayan nyo ni Marx huh?

Napabuntong-hininga si Glaiza.

Glaiza: Nag-confess na kasi ako sa kanya.
Sanya: What?!
Gabbi: Bes, kalma. Nasa coffee shop tayo.
Sanya: Tapos? Anong sabi nya?
Glaiza: Rejected yung ganda ko.
Sanya: Wha-----------

Tinakpan ni Gabbi ang bibig ni Sanya.

Gabbi: Bes, OA ka! Hindi ikaw ang nabasted, okay?

Tinanggal ni Sanya ang kamay ni Gabbi sa bibig nya.

Sanya: Siya pa talaga ang nag-reject sayo, huh?
Maxine: Sinong na-reject?

Sabay silang napatingin kay Maxine.

Sanya: Boundary............
Maxine: Hai, Glaiza.
Glaiza: Hai.
Maxine: Can I talk to you?
Glaiza: And bakit naman kita kakausapin?
Maxine: May importante lang naman akong sasabihin sayo, yun ay kung interesado ka lang naman.
Sanya: Hindi sya interesado sa sasabihin mo so makakaalis ka na.
Maxine: Oh............... akala ko pa naman interesado ka lalo na't tungkol ito sa ama mo at sa dating kompanya nyo.

Napalingon agad si Glaiza kay Maxine.

Glaiza: Anong ibig mong sabihin?

( Office )

Rocco: Umamin sayo si Glaiza? O e di okay.
Marx: It's not okay.
Ruru: Why not? Come on, bro. Bigyan mo naman ng chance si Glaiza.
Marx: Bigyan sya ng chance to hurt me again?
Rocco: Ang negative mo naman, Marx.
Marx: Ayoko ng isugal uli ang puso ko para lang masaktan.
Rocco: Sa pagmamahal, susugal ka talaga. Pa'no mo naman malalaman kung hindi mo susubukan diba?

Napatingin si Marx kay Rocco. Tinapik ni Rocco ang balikat ni Marx.

Rocco: Believe me, Marx. Just try. Papasukin mo uli sya sa buhay mo para sumaya ka uli.

Napaisip si Marx.

( Coffee Shop )

Glaiza: Pinauwi ko na sina Sanya at Gabbi. Now, ano ang gusto mong sabihin?
Maxine: Kumusta na kayo ni Marx? Ano ang feeling na maging isang Mrs. Topacio?
Glaiza: Wag mong inaaksaya ang oras ko, Maxine.

Nginisihan sya ni Maxine.

Maxine: Eto naman. Atat ka masyado eh.
Glaiza: Maxine!
Maxine: Fine. But let me ask you first. Bakit sa tingin mo pinakasalan ka ni Marx?

Nagtaka si Glaiza sa tinanong ni Maxine.

Glaiza: Anong pinagsasasabi mo?
Maxine: Do you think mahal ka nya kaya ka nya pinakasalan?
Glaiza: ( For Mraz. ) Ba't di mo na lang kasi ako diretsahin? Ang dami mo pang sinasabi.

May inabot sa kanya si Maxine na laptop at isang ballpen.

Maxine: I have something for you.

Binuksan ni Maxine ang laptop at kinuha ang ballpen which is isang camera recorder pala. Isinaksak nya ang ballpen sa laptop.

Maxine: Now, I want you to listen carefully on what they're talking about.

Nung nag-start ang video, si Marx agad ang nakita nya.

Maxine: Kuha yan sa office ni Marx. Iniwan ko kasi once ang ballpen na 'to para malaman kung may babae bang nalilink kay Marx. Pero hindi yun ang importante dito. Just watch and listen.

Nakita ni Glaiza sa video ang pagdating nina Rocco at Ruru.

Rocco: Hey! Kumusta?
Marx: I'm fine. Very fine.
Ruru: So ano ang feeling na mapabagsak si Mr. James Gallura?
Glaiza: ( Papa? )
Marx: Goal achieved. Finally, napagapang ko rin sya sa lupa.
Rocco: Iba ka rin eh noh. Isipin mo, finally yung reason kung bakit ka nagsumikap para yumaman para mapabagsak si Mr. Gallura, finally natupad din.
Ruru: Well, I guess nothing is impossible para kay Marx. So............... are you satisfied now?
Marx: I guess not.
Rocco: Hmm................ kulang pa ba? Gusto mo bang isunod si Glaiza?

Napatingin si Marx kay Rocco.

Marx: We'll talk about it next time. For now, let's celebrate sa pagbagsak ni Mr. Gallura. Finally, maipapatikim ko na rin sa kanya kung pa'no ang pakiramdam ng isang mahirap.
Rocco: Pati si Glaiza maghihirap.
Marx: Much better. Maghirap sila and sana hindi na sila makabangon sa pagkakalugmok nila sa lupa.
Ruru: Guys, let's go.

Umalis na sina Marx, Rocco at Ruru sa office at kasabay nun ay nag-end na rin ang video.

Maxine: So................. what can you say about it?
Glaiza: Bakit mo to pinapakita sa kin?
Maxine: Para hindi ka tuluyang umasa na mahal ka ni Marx kaya ka nya pinakasalan. Actually, lately ko lang rin na realize na ikaw pala ang Glaiza na tinutukoy nila. Do you think coincidence lang na ikaw yung anak nung taong pinabagsak ni Marx? Narinig mo naman siguro diba? Hindi lang ang papa mo ang gusto nyang maghirap. Pati ikaw.

Agad tumayo si Glaiza at kinuha ang recorder at umalis na. Napangisi na lang si Maxine.

( MGM Company )

Camille: Good morning, Ma'am.
Glaiza: Where's Marx?
Camille: Nasa office nya po. Samahan ko na po-------------
Glaiza: No, thanks. Kaya ko na.

Agad dumiretso si Glaiza sa office ni Marx. Pagdating nya doon, kasama nito sina Rocco at Ruru.

Marx: Glaiza, what are you doing here?
Rocco: Baka naman namimiss ka, pare.

Nilapitan nya si Glaiza pero paglapit nya agad dumapo ang palad ni Glaiza sa pisngi nya. Nagulat sina Rocco at Ruru sa nangyari.

Marx: Glaiza...................
Glaiza: Ano? Kulang pa ba?

Sinampal ulit ni Glaiza si Marx. Tiningnan ni Glaiza sina Rocco at Ruru.

Glaiza: Iwan nyo muna kami ni Marx kung ayaw nyong dumapo rin sa mga pagmumukha nyo ang palad ko.
Marx: Lumabas muna kayo.

Agad naman lumabas sina Rocco at Ruru sa office.

Marx: Now, what is it?

Pinakita ni Glaiza ang ballpen na bitbit nya.

Glaiza: May itatanong ako sayo and ayokong magsisinungaling ka sa kin, Marx.

Nakinig lang si Marx kay Glaiza.

Glaiza: Totoo ba ang sinabi mo dito na kaya ka nagpayaman para mapabagsak mo ang papa ko?

May tumulong luha sa mata ni Glaiza. Pupunasan sana ito ni Marx pero agad umiwas si Glaiza.

Glaiza: Answer me!

Napabuntong-hininga si Marx.

Marx: Yes.

Sinampal ulit ni Glaiza si Marx.

Glaiza: Totoo ba................

Lalong napaiyak si Glaiza.

Glaiza: Totoo ba na hindi lang si papa ang gusto mong maghirap kundi pati ako?
Marx: Glaiza, please don't cry.
Glaiza: Wag mong sabihin sa kin yan dahil hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Now, answer me. Totoo ba?
Marx: Yes, it----------------

Hindi na natapos ni Marx ang sasabihin nya dahil sinampal ulit sya ni Glaiza.

Glaiza: Sinungaling ka.............. niloko mo ko. You even said na kaya ka nagpayaman para may maisumbat ka sa ina ni Mraz pero hindi pala. Bakit? Ano bang kasalanan sayo ng papa ko para gawin mo yun sa kanya? Alam mo bang sobrang na-depress ang papa ko nang nawala ang kompanyang pinaghirapan nyang itayo? Alam mo ba kung gaano kami naghirap dahil sa nangyari? And now, pinakasalan mo ko and for what? Para pahirapan din ako, ganun ba?
Marx: Glaiza, it's not--------------
Glaiza: Yun ang totoo diba?

Napaiyak ulit si Glaiza.

Glaiza: At ang masakit pa nito........................ minahal kita. Ang sama-sama mo. Pa'no mo ko nagawang lokohin huh? Ano bang kasalanan ko sayo?
Marx: Glaiza, let me explain.

Napailing na lang si Glaiza.

Glaiza: Not now, Marx dahil kahit anong sabihin mo, hindi ako maniniwala sayo. Bigyan mo muna ako ng space para huminga at makapag-isip isip huh? Cause to be honest, gulong-gulo na ko, Marx. Aalis na ko and itong recorder, sayo na to.

Binigay nya kay Marx ang ballpen at tuluyan ng umalis si Glaiza.




( To Be Continued )

Unexpectedly FallingWhere stories live. Discover now