Nurse: Kaano-ano nyo po ang pasyente, Ma'am?
Glaiza: Fiancee nya.
Nurse: Po? Fiancee ka po nya?
Glaiza: Ba't ganyan ang reaksyon mo? Hindi ba kapani-paniwala?
Nurse: Hindi naman po sa ganun. Ma'am. Mahal na mahal nyo po siguro sya noh?
Hindi na sumagot si Glaiza.
Nurse: Pa'no po pala kayo nagkakilala ni Ms. Guevarra?
Glaiza: Ms. Guevarra? Sinong Ms. Guevarra?
Nurse: Ang fiancee nyo po.
Glaiza: What?
Napatingin si Glaiza sa bangkay at unti-unting ibinaba ang puting tela na nakatakip sa mukha nito. Napatampal na lang si Glaiza nang makita nya ang mukha ng bangkay.
Glaiza: ( Brilyante ng lupa, inuutusan kita na sana lamunin na 'ko ng lupa dahil sa kahihiyan na nagawa ko. )
Nagpalipat-lipat ng tingin si Glaiza sa nurse at sa doktor.
Nurse: May problema po ba, Ma'am?
Glaiza: Uhm................ ano kasi...................
Napahimas si Glaiza sa batok nya.
Glaiza: It's not what you think. Akala ko kasi fiancee ko 'yung namatay eh. Sarreh , okay? Sarreh.
Lumabas agad si Glaiza sa ER. Nakita nya si Mraz sa labas.
Glaiza: Mraz...............
Mraz: Mom?
Glaiza: Where's your Dad?
Mraz: Nasa kabilang room po, Mom.
Napabuntong-hininga si Glaiza.
Glaiza: Bakit nakatayo ka dito sa labas ng ER kanina?
Mraz: Curious po kasi ako Mom kung ano pong nangyayari sa loob.
Glaiza: Ba't hindi mo naman sinabi sa 'kin na hindi pala ang Dad mo ang nasa loob?
Mraz: Mom, you didn't ask.
Glaiza: ( Nga naman, Glaiza. Di ka nga naman nagtanong. )
Hinawakan ni Mraz ang kamay ni Glaiza.
Mraz: Let's go, Mom. Puntahan na po natin si Dad.
( Samantala )
Rocco: Grabe ka talaga, Marx. Nakakapagpabaliw ka ng babae.
Ruru: Mas malakas talaga ang karisma mo kaysa sa 'min eh.
Marx: Mga loko talaga kayo. Ano nang balita kay Rose?
Rocco: Mukhang malalagay na ata sa mental institution ang babaeng yun, Marx. Maluwag na ata turnilyo nun eh.
Ruru: Lumuwag ang turnilyo dahil na-obsessed sayo.
Marx: Baliw.
Bumukas ang pinto at pumasok sina Mraz at Glaiza.
Rocco: I guess lalabas muna kami.
Marx: Glaiza, what are you doing here? Pa'no mo nalaman na nandito ako?
Mraz: I told Mom, Dad para may mag-alaga po sa inyo. Aalagaan nyo po si Dad, Mom diba?
Hinawakan ni Glaiza ang buhok ng bata.
Glaiza: Of course.
Ruru: Let's go, Mraz. Bili muna tayo ng foods for your Dad, okay?