( Flashback )
Pinilit ni Glaiza na makawala sa pagkakatali pero masyado itong mahigpit.
Glaiza: ( Marx............... Mraz.................. hintayin nyo lang ako. Once na makawala ako dito, babalik ako agad. )
Biglang bumukas ang pinto at may isang taong pumasok.
Glaiza: Ken? Ken................ anong ginagawa mo dito?
Nilapitan sya ni Ken at tumabi ito sa kanya.
Glaiza: Magkasabwat ba kayo ni Papa?
Tinanggal ni Ken ang tali sa kamay ni Glaiza. Niyakap nya agad si Ken.
Glaiza: Salamat. Kaibigan talaga kita.
Bigla na lang hinalikan ni Ken si Glaiza. Hindi agad naka-react si Glaiza dahil sa pagkabigla pero nung nakabawi sya sa pagkabigla, agad nyang tinulak si Ken at sinampal.
Glaiza: What are you doing?
Hinawakan ni Ken ang dalawang kamay ni Glaiza.
Ken: Ginagawa ko ang lahat ng 'to para sa ikabubuti mo, Glaiza. Iwan mo na ang mag-ama mo para hindi ka na nya ikulong dito at pahirapan pa. All you have to do ay pumayag sa gusto ng Papa mo na magpakasal sa 'kin.
Binawi ni Glaiza ang kamay nya sa pagkakahawak ni Ken.
Glaiza: Hinihiling mo sa 'kin na iwan ko ang mag-ama ko?Tingin mo kaya kong gawin yun sa kanila? Sa mag-ama ko?
Hahawakan ulit sana ni Ken si Glaiza pero umiwas sya.
Ken: Wag ka nang magmatigas pa, Glaiza. Ano bang mapapala mo sa lalaking yun? Kaya nya bang ibigay ang buhay na nakasanayan mo?
Glaiza: Sa tingin mo ba importante yan sa 'kin? Mahal ko sya at mahal nya ko. Mahal namin ang isa't isa. Yun lang ang mahalaga sa 'kin. Wala akong pakialam kung maghirap ako as long as kasama ko sya.
Ken: Hindi ka mapapakain ng pagmamahal na yan!
Glaiza: Pwes ikamamatay ko kapag nawala sila sa 'kin! Sila ang buhay ko, Ken.
Hinawakan sya nang mahigpit ni Ken sa braso.
Ken: Mabubuhay ka kahit wala sila sa buhay mo, Glaiza, tandaan mo yan.
Glaiza: Ken, bitawan mo ko. Nasasaktan ako.
Bigla syang hiniga ni Ken sa kama at hinawakan nito ang dalawang kamay nya.
Glaiza: Ken, anong gagawin mo?
Bigla syang hinalikan nito sa leeg.
Glaiza: Ken, stop it!
Tinuhod nya ito at tinamaan nya ito sa pagkalalaki nya. Agad nya itong tinulak at bumangon agad sya. Palabas na sana sya ng kwarto na yun pero napigilan sya ng isang bantay at sinikmuraan sya nito. Nanghina sya at napaluhod sya.
Ken: Itali nyo sya!
Agad nilang tinali si Glaiza.
Glaiza: Hayop ka! Akala ko kaibigan kita.
Ken: Higit pa sa kaibigan ang gusto ko, Glaiza.
Glaiza: Pwes hinding-hindi yun mangyayari dahil hanggang nabubuhay ako, si Marx lang ang mamahalin ko, wala ng iba.
Biglang sinampal ni Ken si Glaiza. Natigilan naman si Ken sa ginawa nya kay Glaiza at na-guilty. Hinawakan nya ang pisngi nito.
Ken: Sorry, Glaiza. Nabigla lang ako.
Agad pumiksi si Glaiza.
Glaiza: Kung hindi mo ko matutulungan, mas makabubuting umalis ka na lang, Ken.
Unti-unting naglakad si Ken paalis. Napapikit na lang si Glaiza.
Glaiza:( Marx................. )
( End of Flashback )
Glaiza: Ken.......................
Nasa kwarto si Glaiza nila at natutulog. Si Marx ang unang nakakita sa kanya na nakahandusay sa sahig. Agad nya itong dinala sa kwarto nila at pinatawag agad ang personal doktor nila. Ang sabi ng doktor ay maaaring napagod lamang sya kaya ito hinimatay. Kailangan lang nitong magpahinga at hintayin na lang na magising si Glaiza. May binilin pa ang doktor kay Marx bago ito tuluyang umalis. Dalawang oras na rin na binabantayan ni Marx si Glaiza na magising. Inayos nya ang buhok ng asawa nya.
Marx: Hanggang sa pagtulog ba naman, si Ken pa rin ang hinahanap mo.
Lalabas na sana si Marx ng kwarto pero narinig nyang nagsalita ulit si Glaiza.
Glaiza: Mahal.........................
Agad napatigil si Marx.
Glaiza: Marx....................
Narinig ni Marx na parang humihikbi si Glaiza. Unti-unti nya itong nilingon. Nilapitan nya ito at umupo sa gilid ng kama. Nakita nyang may tumutulong luha sa mga mata nito.
Glaiza: Marx...................
Hinawakan nya ang kamay ni Glaiza at hinalikan ang kamay nito. After nyang halikan ang kamay nito, hinalikan nya ito sa noo.
Marx: Mahal, nandito lang ako.
Maya maya tumigil na sa pag-iyak si Glaiza. Biglang pumasok si Mraz sa kwarto nila. Nilapitan nya si Marx.
Mraz: Di pa po ba nagigising si Mom, Dad?
Marx: Hindi pa eh pero siguro maya maya magigising na rin si Mom. Hintayin na lang natin, okay?
Mraz: Okay, Dad. Dad, bakit po sumasakit ang ulo ni Mom?
Marx: You know naman na may amnesia si Mom, diba? Sinabi ko na yan sayo. Kaya sumasakit ang ulo ni Mom kasi may mga memories na bumabalik. Yung mga memories na nabura sa isip nya, isa-isa ng bumabalik.
Mraz: Mmm........................... what if bumalik na po lahat ng memories ni Mom, iiwan nya po ba tayo ulit?
Hindi agad nakasagot si Marx. Hinaplos nya ang ulo ng bata.
Marx: Sana hindi na.
Niyakap nya si Mraz.
Marx: Halika, lumabas muna tayo. Hayaan muna nating magpahinga si Mom, okay? Maglinis na lang tayo ng bahay para paggising ni Mom wala na syang gagawin. Okay ba yun sayo?
Mraz: Okay, Dad.
Marx: Good boy.
Kinahapunan, nagsing na si Glaiza. Unti-unti nyang minulat ang mga mata nya. Unti-unti syang bumangon at napatingin sa paligid.
Glaiza: Ano bang nangyari kanina? Nagpeprepare lang naman ako ng breakfast nang biglang sumakit ang ulo ko and then wala na.
Napaisip si Glaiza.
Glaiza: ( Pero ano yung mga nakita ko sa isip ko kanina? Imagination ko lang ba yun ? )
Napatingin si Glaiza sa oras.
Glaiza: 4:00pm na?! Ilang oras na ba kong nakatulog?
Agad syang bumangon at bumaba na. Naabutan nya si Mraz na nasa dining area.
Glaiza: Mraz........................
Mraz: Mom!
Agad tumakbo ang bata sa kanya at niyakap sya nito.
Mraz: I'm glad you're awake, Mom. Hindi na po ba masakit ang ulo mo, Mom?
Glaiza: Hindi na. Okay na ko.
Hinila sya ni Mraz at pinaupo sya nito.
Glaiza: Sinong gumawa nitong pancakes?
Agad lumabas si Marx na may dalang mga pancakes.
Marx: Gising ka na pala. Nagugutom ka ba?
Glaiza:Pwedeng itong pancakes na lang?
Umupo na si Marx at nilagyan nya ng pancakes ang pinggan ni Glaiza. Nilagyan nya rin ito ng chocolate syrup. Kakain na sana si Glaiza pero pinigilan sya ni Marx.
Marx: Let me. Kagigising mo pa lang. Baka nanghihina ka pa.
Glaiza: Kaya ko namang kumain eh.
Marx: No. Let me feed you.
Sinubuan ni Marx si Glaiza.
Marx: Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?
Glaiza: Oo, okay na ko.
May biglang naalala si Glaiza.
Glaiza: By the way, diba next week na ang birthday mo, Mraz? Sinong gusto mong iinvite sa birthday mo?
Mraz: Tito, Rocco, Tito Ruru, Tita Sanya and Tita Gabbi.
Glaiza: Sila lang?
Tumango si Mraz.
Glaiza: How about ang mga friends mo?
Mraz: Maybe sa next birthday ko na lang po sila iiinvite. Nung last time na nakasama ka po namin ni Dad was 5 years ago pa po so this birthday ko po gusto ko po tayo-tayo lang.
Napangiti na lang si Glaiza.
Glaiza: If that's what you want e di sige.
( After a week )
Sabay na nagising sina Marx at Glaiza. Kinuha ni Glaiza ang cake at nilagyan nya ito ng candle sa ibabaw. Sinindihan ni Marx ang kandila. Pagpasok nilang dalawa sa kwarto ni Mraz, tulog pa ito. Sabay silang kumanta ni Marx ng birthday song kay Mraz. Agad namang nagising si Mraz. After nilang kumanta, umupo silang dalawa sa kama ni Mraz.
Glaiza: Good morning, Mraz. Happy birthday!
Hinalikan nya sa cheek ang bata.
Marx: Happy birthday, Mraz.
Mraz: Thank you, Mom, Dad.
Glaiza: Before you blow your candle, wish ka muna.
Mraz: Mom, you already grant my wish. Bumalik na po kayo sa 'min.
Glaiza: Hindi, ibang wish naman. Sige na.
Mraz: Okay, Mom.
Pumikit si Mraz at nag-wish.. Hihipan na sana nya ang candle pero pinigilan sya ni Glaiza.
Glaiza: Wait, anong winish mo?
Mraz: Mom, they said na kapag sinabi nyo po ang wish nyo sa ibang tao, hindi daw po matutupad.
Glaiza: Really? Pero malay mo matulungan ka namin ng Dad mo para matupad ang wish mo.
Mraz: Really, Mom?
Glaiza: Of course. Kung anong magpapasaya sayo. Bakit? Ano bang wish mo?
Mraz: I want...........................
Glaiza: You want.................
Mraz: A baby sister.
Muntik nang mabitawan ni Glaiza ang hawak nyang cake. Natawa na lang si Marx sa naging reaksyon ni Glaiza.
Glaiza: Wala ka bang ibang wish bukod dyan?
Mraz: Actually meron pa pong isa.
Glaiza: Really? Ano yun?
Mraz: And another baby sister.
Glaiza: ( Di talaga nakuntento sa isa huh? Dadagdagan pa ng isa. )
Marx: So, gusto mo ng twins, Mraz?
Biglang siniko ni Glaiza si Marx.
Glaiza: Sige na, magprepare ka na, Mraz. Darating na sina Tita at Tito maya maya.
Mraz: Okay, Mom.
Dumiretso agad si Mraz sa banyo.
Marx: Kaya mo?
Glaiza: Ang alin?
Marx: Tuparin ang hiling ni Mraz.
Napatingin si Glaiza kay Marx.
Marx: You know what? Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo dahil hiniling lang ni Mraz. May karapatan ka pa rin namang magdesisyon para sa sarili mo eh. But for now, mag-focus muna tayo sa birthday ni Mraz, okay?
Glaiza: Okay.
( After that )
Dumating na sina Rocco, Ruru, Gabbi at Sanya.
Mraz: Mom, pwede na po ba tayong mag-start po sa game?
Glaiza: Of course. Ano ba ang first game?
Mraz: Paper dance!
Nagkatinginan silang anim.
Mraz: Ako po mamimili ng pairings. Okay lang po ba, Mom?
Glaiza: Oo naman.
Mraz: First pair po.................. si Mom and Dad. Second pair........................ Tita Gabbi and Tito Ruru.
Sanya: Pwedeng pass?
Glaiza: Sanya, pagbigyan mo na ang bata. Ngayon lang naman eh.
Napabuntong-hininga na lang si Sanya.
Sanya: Okay, okay. Umpisahan na natin to.
First round pa lang ng laro, natanggal na sina Rocco at Sanya.
Sanya: Sorry ah? Di ko kasi kayang dumikit sa kanya eh.
Rocco: Woah.................. gandang-ganda ka rin sa sarili mo noh?
Gabbi: Guys, enough. Ituloy na natin ang game.
Sa second and third round ng game, wala pang natatanggal sa pair nila. Pagdating ng fourth round...................
Mraz: Yehey!!!! My parents won!!!!!!
Ruru: Sorry huh? Talo tayo.
Gabbi: Okay lang . Game lang naman eh.
Sanya: Masyado kasing ginalingan ni Glaiza eh. May pabuhat buhat pang nalalaman. E di kayo na sweet.
Rocco: Kesa naman sa iba dyan na first round pa lang natalo na, dahil yung isa hindi man lang tumapak sa papel.
Sanya: Pinariringgan mo ba ko?
Glaiza: Guys, chill lang. May next game pa. So.................... ready na kayo?
( To Be Continued )