chapter 25: hibang na puso

16 2 0
                                    

"Kaya pala kahit sino gustuhin ko ay tumatanggi sa akin....dahil ikaw ang sumisira at pumupunit ng puso ko bobby... napaka sama mo..masyado kang makasarili, ano pa bang nagawa kong mali saiyo bobby, naghiwalay tayo pero patuloy kitang inaalalayan dahil naging mahalaga ka sa akin pero ito ang sinusukli mo bobby? Ito ba? Ang patuloy akong saktan? Putang inang pagmamahal yan bobby.hindi mo ako mahal dahil ganid ka...
Lumapit si bobby at akma siyang yayakapin.
"Lets fix this ok? Im here tayo nalang uli hon....at this time ill do my best bigyan mo lang ako ng pagkakataon sa mga nagawa kong mali nuon nuon pa.common hon.."
Muling sinampal ni zack si bobby.sinundan pa niya ng pag suntok sa sikmura. Napangiwi si bobby at napaupo.
" natatandaan mo pa ba bobby? Nag sakrispiyo ako saiyo nuon...lahat ng pambabae mo binalewala ko,sumama ako saiyo kahit lumuha ang mama ko, ako ang nag t-trabaho sa atin sa malaysia pero ano? Ikaw ang nagpaikot sakin duon...lahat ng pera ko ikaw ang nag handle.. ginastos mo sa drugs at babae mo...wala kang narinig sa akin...si saeyoung na minahal ko  tinuruan mo din mag drugs..pinaglayo kami sa media at ginawa mo pang babae mo? Anoo bobby di pa ba sapat ha? Humingi ka ng malaking pera kapalit ng devorce natin dahil sabi mo magbabago kana pero anong ginawa mo? Pinapirma mo ako sa isang kasunduan para maging manager mo sa pagiging model ko..binenta mo ako sa mayayamang tao dun,pero hindi lang yan ang binago mo sa akin pati pananamit ko dahil sabi mo uso lesbian kaya dapat para may hatak magpaka lalaki na ako tutal kami naman ni saeyoung ..lahat yan pinayagan ko kahit masakit sa akin na ipatanggal ang breast ko ginawa ko kasi ang tanga tanga ko saiyo nuon.sumikat nga ako pero nawala naman si saeyoung sa buhay ko kasi pinagbabantaan mo na ipalalabas sa media ang pag ddrugs nya? Hanggang nakipag break na si saeyoung sa akin? Ano pa.akala ko magbabago kana dahil binigyan kita ng pagkakataong maramdaman ang pagmamahal na hindi mo nadama sa family mo..pero buhay ko na ang sinisira mo  habang pilit kitang binubuo...binigay ko na ang lahat lahat bobby. Ngayon si lilac naman na pinaka mamahal ko? Hindi na ako papayag bobby. Tama na.tapos Na ang lahat lahat. Umalis kana dahil kung ipipilit mo pa ay ipapapulis na kita.wala na akong pakiaalam sa iyo.simula sa araw na ito hindi na kita kilala at kahit magmakaawa kapa wala ng awa ako na maibibigay saiyo...umalis kana...layasss!!" Pagtataboy ni zack.
"Ayaw mo lumayas? Ha?"
Pinagsusuntok ni zack sa mukha at katawan si bobby.
"Lumayas kana".
"Bless tumawag ka ng pulis at ipadampot mo ito dali".utos ni zack
Parang batang umiiyak si bobby at nagmamakaawa kay zack na wag siyang iwan.
"Please..please hon just one more chance please..ill do better.."pag susumamo nito.
"Kung di mo ako bibigyan ng chance magpapakamatay ako." Banta ni bobby.
((Ayannn lagi mong banta sa akin... sige magpakamatay kana sa harapan ko..sige!!!)) Bulyaw ni zack.
Nag iba ang tema ng mukha ni bobby.naging matalim ang tingin niya kay zack at namula ang mukha...
((Kung di ka muling mapapasa akin zack ay hindi karin mapupunta sa iba)) sigaw ni bobby sabay dukot sa bandang likuran ng kanyang pantalon at duon ay inilabas ang patalim at itinarak sa bandang puso ni zack.
Nagulat si zack sa nangyari. Dahan dahang umiikot ang kanyang paningin at tuluyan nang nabuwal sa kanyang pagkakatayo at nawalan ng malay
Muli siyang sinaksak ni bobby sa tyan at dali daling tumakas. Nag sisigaw si bless at humingi ng tulong sa kanyang mga kasama.. agad na dinala sa ospital ang agaw buhay na si zack. Mabilis namang rumesponde ang mga brgy. Kayat madali nasukol si bobby.sa bilis ng mga pangyayari ay halos isang iglap lang at maaari ng bawian ng buhay si zack..
Sa kabilang dako naman.habang patuloy ng pag iyak si lilac ay tinawagan niya ang kanyang ama na sunduin siya sa terminal ng bus dahil hindi niya kabisado ang lugar na iyon,agad naman tumugon ang ama at sinundo ito.
"Hello anak.... intayin mo ha mga 1 to 2 hours andyan na ako magpapa gas lang muna ako ng motor at paparian na ako...wag kana umiyak.ano bang nangyari ha? Nag away ba kayo ni zack?"
"Mahabang istorya tay....pagod na ako gusto ko na magpahinga."sagot ni lilac habang humihikbi ito.
"O sige,maghintay kalang dyan.malilintikan sakin yang zack na yan pag nakita ko siya."
"Sige po tay,papatayin ko cp ko within 1 hr bubuksan ko uli para di ma drain ng batt ang celphone ko ho.okey?"
"O sige.bye na papunta na ako."
Pinatay ni lilac ang celphone at naglibot libot sa sa isang maliit na mall malapit sa terminal ng bus. Bumili ng pampalamig at kaunting pasalubong para sa kanyang lola.
Habang naglilibot siya nakita niya ang ilang magkasintahang naglalakad na magkahawak kamay.
"Sana sigurado ng babae na lalaki nga ang kasama niya tsk. Baka kagaya ko lang din na nabulag sa panlabas na kaanyuan tapos wala palang lawit hmf" anas niya sa sarili.
Umupo siya sa isang bangko katabi ng isang matandang babae.
"Napaka ganda mo namang bata iha,hindi bagay saiyo ang umiiyak" sabi nito.
"Pasensiya na po lola,kusa hong tumulo ang luha ko dahil sa problema."
"Nag away ba kayo ng jowa mo?..alam mo iha kung mahal mo ang isang tao may bagay na dapat kang isakripisyo para sa tunay at pang matagalan na relasyon...ngayon kung hindi mo magagawa ang kaunting sakripisyo hindi ka makakahanap ng tunay na pagmamahal. Lahat ng tao ay nagkakamali at nakakapag sinungaling pero meron tayong tinatawag na white lies.ginagamit yan ng taon na tunay na nagmamahal dahil sa ayaw nyang masaktan ng sobra ang mahal niya...dumarating naman sa panahon na sasabihin niya rin ito kaso naghihintay lang siguro ng tiyempo o pagkakataon na hindi ka na masasaktan ng sobra..."
"Pero lola,nagsinungaling siya..sinaktan niya ako."
"Nagtanong ka ba? Kaya nga dapat bago mo sagutin ang isang tao,may getting to know stage yan..."

Mga Pusong HibangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon