chapter9: pamamaalam ni zack kay lilac

17 1 0
                                    

"Aba tamang tama sa linggo ay papasyal ang ama nitong si lilac malamang mag dadala iyon ng lambanog na gawa niya.kayo ay bumalik sa linggo ha?."anyaya ni lola oba.
"Aba eh sige po.pero bago po muna ang lahat may ipapakiusap ho sana kami sa inyo?.maari po bang maki connect ng kuryente sa inyo kasi po gagawin na bukas ang aming itatayo eh kinakailangan po na may supply kami ng electric.huwag na po kayo mag alala ukol sa bayarin ng kuryente at sasagutin namin ang anumang lalabis sa inyong regular na bayarin."sabi ni bobby.
"Ah..sige maaari naman basta ang lalabis ay inyong babayaran wala tayong magiging problema dyan."sagot ng matandang oba.
"Naku maraming salamat po,laking kaalwan sa aming isipin ang bagay ng inyong pag sang ayon.ngayon palamang po ay nagpapasalamat na kami."masayang sabi ni zack.
"Basta sa linggo kayoy pumunta dito dahil kung hindi....kalimutan niyo na ang ating usapan ngayon."sagot ni lola oba.
((Opo)) sabay na sagot ni zack at bobby.
"Aba chorio pa kayong dalawa." Napangiti si  lilac.
"Ahhhh...lilac ilan taon ka na ba???."tanong ni zack.
"Im 25."
"Ha? Talaga? Parang 17 or 18 kalang."gulat na sabi ni bobby.
"Isa ka din palang bolero,bobby"
"Hindi naman..maamo kasi ang mukha mo kaya baby face ka."
"May nanliligaw na ba saiyo lilac?,dahil kung wala baka pwede akong pumasok sa buhay mo?."anas ni zack.
"May mga nag papasaring at nanliligaw.makikilala mo din naman sila sa linggo kasi inimbitahan din ni lola oba yung mga iyon."
"Kung gayun kailangan ko palang maging competitive dahil may mga makakatunggali ako sa mga susunod na araw." Sabi ni zack sabay tindig ng tuwid at halatang ipinapakita ang kanyang katawan.
"Tumigil ka nga sa kayabangan mo zack,naku po pag pasensiyahan nyo napo ang pagiging isip bata nitong si zack."paumanhin ni bobby.
"Sinusubukan ko lamang na makuha niya ang aking attention para makalamang ako sa aking mga makakatunggali,hindi ba lilac."sabay kindat kay lilac.
"Ang hangin mo ha,pero nakakatawa ka." Sabay pungay ng mata ng dalaga.
"Sino ba naman ang di mabibighani sa kagandahan mong taglay.bilag nalang ang magsasabing hindi ka angel."si zack.
"O siya....malalaman natin kung ikaw ang aking demonyo hihihihi."pilyong sagot ni lilac.
Alas 8 pasado na nang gabi ng umuwi sina bobby at zack. Nadapa pa nga si zack dahil sa kakalingon sa dalaga.
((Hanggang bukas aking angel)) sigaw ni zack papalayo sa gate nina lilac.
((Sige bolero..maghihintay ako))
Inumpisahan nang paandarin ni bobby ang kotse habang si zack ay nakangiti tila wala sa sarili habang nakatingin sa kawalan.
"Hoy! Kanina pa kita tinatanong...ano ba napipikon na ako."asar na sabi ni bobby.
"Ano ba kasi ang tanong mo?."
"Ang sabi ko anong oras ba tayo bukas? May electrician ka na ba na nacontact? Pati yung mga contructor?."
"Oo,nakausap ko na yung ilan sa batchmate ko na electrician mamaya update ko sila pag uwi sa bahay mamimili nalang ako sa price na ibibigay nila,pati yung contructor naasikaso ko na...relax ka nga tinatanggal mo ang momentum ng kasiyahan ko."
"Sa inyo ako matutulog ngayong gabi ha, miss na kita."
"NO. Ayaw ko!."
"Sige na hon."
Tumingin lang si zack kay bobby at umirap ito.
"Sige.sa kwarto ko na ikaw matulog at dun ako sa sala.wag ka nang tatanggi dahil wala kang pag pipilian."
"Wag na nga lang."inis na sagot no bobby.
Binuksan ni zack ang radyo at inilagay sa sd rom. Tumugtog ang elvis presley song:

((Wise men say.....only fool rush in....but i cant help falling in love with you..))

Muli siyang napangiti at tila inilalarawan ang mukha ni lilac sa kanyang alaala.
Ilang oras pa ang lumipas at natunton na nila ang bahay jina zack.ipinarke na ni bobby ang kotse at kinuha ang susi ng motor na nag aatubiling umalis.
"Mommy aalis na po ako."anas ni bobby kay aling gloria.
"Sige iho.mag ingat ka sa pagmamaneho ng motor at gabi na."sagot ni aling gloria.
Pinaharurot ni bobby ang motor at tuluyang umalis.
"Anong nangyari dun sa taong yun at nagmamadaling umalis?nagkatampuhan ba kayo nun deniel?."tanong ng kanyang ina.
"Hayaan mo siya mama,sadyang may saltik yang taong yan pag di napagbibigyan ang gusto....nag alburoto eh daig pa ang bata."
"Ahhhh.ganun ba?teka tila blooming na blooming ka anak.mukhang masaya ka sa araw na ito? Anong meron?may dapat ba akong ikatuwa anak?"tanong ni aling gloria.
"Ahhh opo mommy...napakasaya ng puso ko.ngayon ko lang naramdaman ito.natagpuan ko na siya mommy.i think im in love.kanina kasama namin siya ha ha ha ha.
" Talaga ba anak? Aba eh magandang balita nga iyan.pero paano yung gelfren mong si sayeung?."
"Mama naman 1 month na kaming wala nun."
"Aba eh napakabilis naman kasi yang sinasabi mo.kakahiwalay mo palang tapos in love kana agad?."
"Mommy alam mo ba yung tinatawag na soulmate?. Yung ang naramdaman ko sa kanyang nung una ko palang siya nakita na hindi ko kailanman naramdaman ng magkakilala kami ni sayeung.kaya ang saya saya ko talaga mama.natagpuan ko na siya sa wakas. Hah ha ha ha."
"Eh paano nga si sayeung anak?."
"Mommy bago ako umuwi dito parehas na naming napag desisyunan na tapusin ang lahat,kaya dapat wala kaming magiging problema ni sayeung.basta mama,isang araw dadalhin ko si lilac dito para ipakilala saiyo."
"Lilac pala ang pangalan niya,siguro sadyang maganda yun...sa panfalan palang mukhang mayumit maganda."

Pinatugtog ni zack ang vinyl na plaka at hinawakan ang kamay ni aling gloria at nagsayaw ng tango.

"mommy pag punta dito ni lilac makikita mo ang mala angel niyang kagandahan."sabi ni zack habang kasayaw ang kanyang ina.
"Hinay hinay ka anak hindi mo pa alam ang kanyang nararamdaman para saiyo kaya wag kang masyado magsaya."
"Mommy naman, napanghinaan  ako ng loob sa mga sinasabi mo"
"Nagpapayo lang anak, tandaan mo wag kang magbibilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog."
"Hayaan mo po mommy,gagawin ko ang best ko para mapasaakin siya."

Mga Pusong HibangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon