chapter5:ang babae sa panaginip ni zack

19 1 0
                                    

Mahaba habang pag uusap din ang ginawa ni zack at aling gloria.nang sumapit ang dilim ay nag tungo sa kusina si zack at naghugas ng pinggan.nilinis niya ang kusina at pumasok sa kwarto. Madami na palang mensahe si bobby sa kanyang messenger.isa isa niya itong binasa.mga quote at pag aalala ni bobby sa kanya. Napangiti siya at bahagyang kinilig sa mga quote.isang unknown message ang nag appear sa kanyang celphone.
Binasa niya ito.

"I know its gonna be painful for us to separate but we have different lives.i hope you understand. My heart is always yours but i consider my family and friends.they control my life.i have nothing to do with it.im really sorry dear.i hope you can find much better than me and ill pray for you the best girl who can fight for love unlike me.i cried and may be regret it someday but my decision is final. Please do understand me. I love you goodbye.
-sayeung

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na binubura sa isipan ang mga mensaheng tumatagos sa kanyang puso. Nangilid ang kanyang luha at tuluyan itong pumatak sa unan. Luha ng pag sisisi na sanay hindi na niya nakilala si sayeung, wala sanang pag luhang nagaganap sa ngayon.yakap ang unan at nakatalukbong ng kumot. Pinunasan niya ang luha at napaisip
"Hindi ito gawain ng isang lalaki..dapat magpakalalaki ka zack wag kanang umiyak...tapos na kayo ni sayeung".
hindi niya namalayan na nakatulog siya sa ganung posisyon.

Panaginip.
Nasa isang park sila malate
Isang tinig ang kanyang naririnig mula sa malayo.isang babae na kumaway sa kanya at papalapit. Inaaninag niya kung sino yung babae subalit tila ngayon lang niya nakita ang mukhang iyon.
"Mahal ko andito na ako.natagalan ka ba sa kakahintay?"
"Hindi naman.paakap nga sa baby ko"
Nagyakap sila at unti unting lumilinaw ang hitsura ng babae. Habang lumilinaw ang palakas nh palakas ang tibok ng kanyang puso.
"Dahil andito kana,hindi na kita isusuko pa.i love you baby" anas ni zack.
Hinagkan niya ito sa labi ng mariin at nagpaubaya sa mga susunod na pangyayari subalit biglang may humatak sa buhok ng babae at nagulat siya ng si sayeung pala ang humatak.
((What the hell are you doing with my boyfriend?.)) Sigaw ni sayeung.
((Stopped it sayeung shes my fiance get off your hands on her)) sigaw naman ni zack.
"Oh really? does she know about you deniel??? Does she really know who you are ha??hahahhaha wake up deniel you are mine noone else will have you.wake up!"sigaw ni sayeung.
((No.....Leave me alone, stay away from me...dont tell her sayeung pleaseeeee....pleasseeeeèee))
Napabangon sa pagkakahiga si zack.butil butil ang kanyang pawis na tila ba mahaba ang tinahak na landas.inisip niya ang mukha ng babae sa kanyang panaginip.parang nakita na niya ito nuon pa.napaka gandang babae.
"Bakit ko kaya napanaginipan yun? Sino bang babaeng yun? Si sayeung talaga kahit sa panaginip ay sinisira ang buhay ko tsk!."sabi sa sarili ni zack.
Tuluyang bumangon si zack at lumabas sa terrace.nag sindi ng sigarilyo at pinagmasdan ang kapaligiran. Alas dos bente dos ng umaga palang ng umaga pero tila hindi natutulog ang mga kapitbahay nya na nag aayos ng mga panindang gulay na ilalako sa palengke. Nag dial siya sa celphone.
"Hello...bobby pumunta ka nga dito.i need you." Sabi niya sa kabilang linya.
"Ang aga naman deniel.bakit ba? Alas dos palang ng umaga o."anas ni bobby.
"Wala.na miss ko lang yung yakap mo. Wag na nga kung ayaw mo."anas ni zack.
"Ok.ok give 10mins andyan na ako."sagot ni bobby.
"Ok. Ipaghahanda kita ng agahan bob,ano gusto mo hotdog or egg?"tanong ni zack.
"Kahit ano dyan basta kasama kita mag breakfast ok sa akin." Dagling sagot ni bobby.
"Ok. Be here at 3. Pag wala ka tutulog na ako uli.
Makalipas ang 15mins ay dumating na si bobby.
"Hi hon....asan na agahan natin." Nakangiting sabi ni bobby kay zack.
"Wow...ambilis ha.eksaktong eksakto luto na ang hotdog and egg mo.."anas ni zack.
"I owned a kiss isnt?."nakangiting sabi ni bobby.
Hinagkan ni zack si bobby at mariin siyang niyakap ni bobby. Mainit ang mga halik na iyon.matagal.
"Hey,stopped it.baka magising si Mama makita pa niya tayong ganito." Pag pigil ni zack kay bobby.
"Bakit? Hindi naman mali ang ginagawa natin ha?parehas tayong single hon, come on kiss me again hon."nakangiting sabi ni bobby.
"Heh.umurong ka na nga duon at kumain na tayo.hindi porket na miss kita ay pwede ka na magsamantala." Anas ni zack.
Umupo si bobby at nag simulang kumain. Nakatingin lang si zack sa kanya.nakangiti.
"Sana wag na umandar ang oras para ganito nalang tayo." Anas ni bobby habang ngumunguya.
"Alam mo namang hindi na pwedeng maging tayo."pormal na sabi ni zack sabay higop ng kape.
"Pwede pa naman.ikaw lang may ayaw."dagling sagot ni bobby.
"Oo.ako naman talaga ang may problema...ginusto ko ito bob kaya hayaan mo na ako na ganito."sagot naman ni zack kay bobby.
"Napanaginipan ko nanaman yung babaeng maganda bobby.hindi ko alam kung anong koneksyon niya sa buhay ko.kahit nasa malaysia pa tayo madalas ko na siya napapanaginipan pero hindi ko siya kilala.sa tingin mo ano kaya kung hanapin ko na siya?."anas ni zack.
"Saang lupalop naman sa pilipinas mo matatagpuan yun aber??? Saka bakit kasi di ka nalang uli sa akin? Gwapo naman ako,ma appeal din at kaya kita panagutan hon."sabi ni bobby.
"At baliw ka bob. Kaya hindi na pwedeng maging tayo.parehas na tayong pogi mas lalaki pa nga ako saiyo...ano ka ba.tumigil ka na nga dyan.kung ano mang nangyayari sa atin ngayon ay kagustuhan natin at hindi na muling hahantong sa relasyon bob. Marami nang nagbago sakin."sagot ni zack.
Iiling iling lang si bobby habang patuloy na kumain.
"Pag tapos nating kumain sa kwarto ko na ikaw matulog okey?."sabi ni zack.
"I like your idea.tapos na ako kumain." Nakangiting sabi ni bobby.
Napangiti lang si zack at sabay nilang niligpit ang pinagkainan at pumasok sa kwarto.
Magkayakap na natulog si zack at bobby.

Mga Pusong HibangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon