Nagulat sina zack at bobby sa lugar ni lilac.ito kasi yung bahay ng matandang babae na dinalhan nila ng tubig nuong nakaraan,tirahan din pala ni lilac.si lilac pala ang sinasabi ng matanda na apo nito.
wala duon ang matanda nuong araw na iyon kaya minabuti ni zack na punuin na ang drum nina lilac para hindi na mahirapan pa ang matanda sa pag salok sa poso.pawisang maiigi si zack kaya hinubad niya ang pantalon at naka boxer nalang siya at umupo sa terante nina lilac.napasilip si lilac sa katawan ni zack. Walang ka pilat pilat ang balat nito at tila alagang maigi ni zack. Ang malapad na dibdib na puro muscle ang nagpakagat labi sa dalaga. Nakakaakit talaga si zack.
"Ahhh mr.ano...eto yung kape.binigyan ko na din yung kasama mo na nasa sala".namumulang sabi ni lilac.
"Salamat lilac,pero parang di ko na kailangan ng kape...kasi saiyo palang kinakabahan na ang puso ko."anas ni zack habang nakatitig kay lilac.
"Ha ha ha ha bolero ka pala zack." Matawa tawang sabi ni lilac na di maikubli ang nakakaakit na ngiti nito.
"Hoy,uminom kapa ng madaming kape para kabahan ka naman sa mga pinagsasabi mo."singit ni bobby.
"Ah...by the way dito na kayo maghapunan parating naman din si lola oba kaya sana mapaunlakan niyo ang imbitasyon ko.i mean wag na kayo humindi ha?!."anyaya ni lilac.
"Kinalulugod ko ang iyong paanyaya binibini."sabay kindat ni zack kay lilac.
Lumabas ang biloy sa pisngi ni lilac na lalong nagpataas ng kanyang kagandahan.
"Oh! Please wag kang masyadong ngumiti...baka hindi na ako umuwi." Sabay higop ng kape ni zack.
"Ahhh..lilac pasensiya ka na dito sa bestfriend ko ha masyadong matamis ang dila.hoy zack tantanan mo nga si lilac."inis na sabi ni bobby.
Umismid si zack kay bobby at tumingin sa kawalan.
"Sandali lang mag aasikaso lang ako sa kusina magsasalang lang ng sinaing para mamaya konti nalang ang lulutuin ni lola oba.
((Sige)) sabay na sabi nina zack at bobby.
Pag alis ni lilac ay agad na tinapik ni bobby sa batok si zack.
"Ano kaba wala kapang 48days nahiwalay kay sayeung lumalandi ka nanaman."anas ni bobby.
"I think i found the right one. Unang kita ko palang sa kanya siya na ang tinitibok ng puso ko,parang......parang matagal na kami magkakilala."sabi ni zack sabay higop ng kape.
"For god sake zack youre 35 already and i think shes 22 or 23 lang saka di kayo pwede."
"At kanino ako pwede?saiyo?stopped me bobby wag mo nga ipilit nanaman."
"Bakit hindi. Tayo naman talaga ang bagay talaga? Saka...."
"Saka ano?...oh please bobby papatulan ko nalang uli si sayeung kaysa bumalik saiyo.so please leave me alone.dont control my life."
"Ansakit ha. Sobra naman yang bibig mo." Anas ni bobby.
Hinawakan ni zack ang mukha ni bobby at hinipo ito.
"Hon,im sorry pero napag usapan na natin ito di ba? Kung di mo kaya ang mga ginagawa ko masakit man sabibin pero di ba sabi ko saiyo iwanan mo na ako."paliwanag ni zack.
"No.kahit ilang babae pa yan...di ako susuko saiyo zack. Alam ko sa akin ka parin bandang huli.sige hahayaan kita uli sa kabaliwan mo hanggat di mo napapatunayan ang tunay na pagmamahal nyang babae na yan ay hindi kita iiwan.pero pag tinanggap ka niya ng buong buo ako na mismo ang kusang lalayo."malungkot na sagot ni bobby.
May narinig silang yabag na papalapit kaya minabuti nilang mag layo para hindi sila mahuli sa akto.
Aba mga iho naririto pala kayo uli.anong sadya nyo at naparito kayo?."tanong ng matandang babae.
"Mano po, ah nakita po namin ang apo niyong si lilac kaya tinulungan namin siyang mag igib sa poso."anas ni zack.
"Ahhh..ganun ba.tamang tama akoy nakapamalengke ng gulay at isda sa pamilihan dito na kayo maghapunan tekat ipagluluto ko kayo...dyan na muna kayo sa terante at aasikasuhin ko lang ito.. lilaccccc...apo... ihanda mo nga dyan ang sankalan at kutsilyo ng magayat na ang mga ito.lilllaccc.."sigaw ng matandang oba sa kanyang apo.
"Po...lola sandali lang po ako ay nasa palikuran.sandali lang pooo."
"Mabuti pang kausapin na din natin ang matanda para maki extend tayo ng ilaw sa kanila para sa construction ng building."anas ni zack kay bobby.
"Oo tama.buti naisip mo agad yan." Sagot naman ni bobby.
Habang nag uusap sina bobby at zack atubili naman sina lilac sa pag gayat ng gulay.nag umpisa nang mag prito ng isda si lola oba.
"Apo, sa tingin koy bagay kayo nung chak na iyon.isa siyang maginoo at magalang.iilan nalang ang mga lalaking nag mamano sa mga matatandang kagaya ko.gusto kp siya para saiyo."direktang sabi ng matanda.
"Zack lola hindi chak...Lola naman,napakaaga pa para magsabi ka nang ganyan.hindi pa nga natin sila lubusang kilala."sagot ng dalaga.
"Saka lola mukhang mas maarte pa siya sa akin.tingnan mo nga ang balat ni zack ang kinis kinis.eh mas mukhang may peklat pa ako kaysa sa kanya." Dugtong ng dalaga.
"Hayaan mo apo. Madalas kong iimbitahan dito para tuluyan natin silang makilala ang mga damuhong yan!".nakatawang sabi ng matandang oba.
Matapos magluto ng matanda ay naghain na si lilac at inanyayahan na nya sa isang hapunan.
"Kain mga iho.masarap yang luto ko na iyan at masustansiya pa."anyaya ni lola oba.
"Ansarap nga po.ano nga po ang tawag sa lutong ito?tamang tama na kombinasyon sa pritong isda." Anas ni bobby.
"Ahhhh...laswa yan.sige kain lang ng kain madami pa yan tekat ipagsasandok ko pa kayo ng kanin sandali."anas ng matanda.
"Kung hindi mo naitatanong lilac...kami yung taga dyan sa bakanteng lote."sabi ni zack na halatang nag papa cute kay lilac.
"Talaga? Aba eh hindi na pala kami mahihirapang mag imbita pag nagluto ng espesyal na ube halaya si lola oba."masayang sabi ni lilac.
"Naku eh wag kang mag sasawang imbitahan kami kasi willing na willing kami na dumayo dito sa inyo diba bobby?." ngiting sabi ni zack.
BINABASA MO ANG
Mga Pusong Hibang
Romantizm"Ano pa ba ang hindi ko nalalaman saiyo zack? Sabihin mo kasi litong lito na ako at nasasaktan, ayaw ko ng ganitong pakiramdam....yung mahal na mahal kita pero hindi pa kita lubusang kilala. -lilac